K Brosas, proud tita ng lahat
Photos: @kbrosas Isang proud moment din para kay K ang tatlong national win ng Sing Galing sa Asian Academy Creative Awards 2022: ang Sing Galing Sing-Lebrity Edition for Best Non-Scripted Entertainment, Sing Galing Kids for Best Children’s Programme, at ang boses sa likod ng show, Show Suzuki for Best Voice Artist. Actress, comedian, singer, television host, mother to a daughter, at ngayon tita ng mga Singkulits! Si Maria Carmela Brosas, o mas kilala bilang K Brosas , ay isa sa mga Singmaster ng videoke reality game show Sing Galing at ng kiddie family edition nito na Sing Galing Kids . Para kay K, ang role niya sa mga Singkulits ay maging isang proud tita. “Alam naman nating lahat na walang edad ang pagkanta sa mga Pilipino. Bata palang, mahilig na kumanta. Ang feeling ko talaga rito, ang role ko rito parang ’yung proud tita.” Naging kakaiba ang experience ni K kasama ang mga bata. Kahit makukulit, tuwang-tuwa pa rin siya dahil sa talent na baon ng mga Singkulits. “K...