Dahil may petition for review sa Supreme Court, Vhong Navarro, tumangging maghain ng plea sa hinaharap na rape case
Tumangging maghain ng not guilty plea ang comedian-TV host na si Vhong Navarro sa ginanap na arraignment o pagbasa ng sakdal sa kanyang kaso nitong October 11 sa Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court.
Kaugnay pa rin ito sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng dating modelong si Deniece Cornejo noong January 2014.
Paliwanag ng abogado n’yang si Atty. Alma Mallonga, ang hindi paghahain ng comedian-TV host ng plea ay for legal considerations dahil may naka-pending umano silang petition for review sa Supreme Court.
As a rule, ang korte na mismo ang naghain nito on his behalf.
Wala sa arraignment ang naka-detain na aktor pero nakadalo s’ya sa pamamagitan ng video conferencing. Hindi naman dumalo si Deniece at ang mga kamag-anak at abogado niyang si Atty. Howard Calleja ang kumatawan sa kanya.
Sa darating na Huwebes, October 13, magsisimula ang pagdinig sa petisyon ni Vhong na makapagpiyansa sa kasong rape.
Pinayagan s’ya ng korte na hindi na um-attend physically sa mga paglilitis.
Tiniyak naman ng abogado ng aktor sa media na, bagama’t mabigat ang loob ngayon ni Vhong, nananatili raw itong positive sa kinakaharap nilang legal battle.
“For all those who have been concerned about Vhong, I have spoken to him. Of course, his emotional state is not as good as you want it to be. But I’m happy to say that he remains strong,” lahad ni Atty. Mallonga sa media.
“He is doing his best to remain positive and the fighting spirit is actually there. Walang iwanan. Laban lang talaga. We just do what we need to do,” pagtatapos n’ya.
Matatandaan na sumuko sa National Bureau of Investigation si Vhong nitong September 19 matapos maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Trial Court Branch 116 laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness na isinampa si Cornejo. Nagpiyansa ng Php36,000 si Vhong.
However, that same day ay inilabas ng Taguig RTC Branch 69 ang warrant of arrest sa kasong rape laban sa kanya. Non-bailable ito kaya na-detain sa NBI ang comedian-TV host.
Muling nabuhay ang mga kaso laban sa aktor matapos baliktarin ng Court of Appeals nitong July ng kasalukuyang taon ang naunang desisyon ng Prosecutor’s Office at Department of Justice na sa mga inihaing reklamo ni Deniece against Vhong. Ibinasura na kasi ito noon.
Kaugnay pa rin ito sa insidente umano noong 2014 kung saan ginulpi ng kampo ni Deniece – sa pangunguna ng negosyanteng si Cedric Lee – si Vhong sa tangka umano nitong panghahalay sa dating modelo.
Depensa naman noon ni Vhong, binugbog at kinikilan s’ya ng grupo ni Cedric. S’ya rin ang kinatigan ng korte kaya na-convict sina Cedric at Deniece.
Samantala, si Vhong ay nananatiling naka-detain sa NBI at wala pang desisyon ang korte kung ililipat ba siya sa Taguig City Jail na siya namang iginigiit ng kampo ni Cornejo.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: NBI releases mug shot of Vhong Navarro
Deniece Cornejo, sumusumpang mananatiling ehemplo ng paglaban para sa mga kababaihang naaabuso
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment