Audie Gemora, tinawag na “demonyo” si Darryl Yap; “feeling holy,” banat naman ni Yap


Matatandaan na noon lamang August,  isa si Audie sa mga nag-tweet tungkol sa umano’y pagkaka-suspend ng Twitter account ng VinCentiments, ang social media page na hawak ng grupo ni Direk Darryl. Pero pinagtawanan lang ito ng direktor dahil wala naman umano silang Twitter account at Facebook umano ang kanilang main platform.

PHOTOS: @audie.gemora & @YouthAndPower2016 on Facebook

Matatandaan na noon lamang August,  isa si Audie sa mga nag-tweet tungkol sa umano’y pagkaka-suspend ng Twitter account ng VinCentiments, ang social media page na hawak ng grupo ni Direk Darryl. Pero pinagtawanan lang ito ng direktor dahil wala naman umano silang Twitter account at Facebook umano ang kanilang main platform.

Muling nagka-patutsadahan sa social media ang aktor na si Audie Gemora at ang direktor na si Darryl Yap

Nag-ugat ang panibagong bangayan nila sa naging komento ni Direk Darryl sa balita tungkol sa pagkaka-hostage ni dating senador na si Leila de Lima na naka-detain ngayon sa Philippine National Police (PNP) custodial center dahil sa mga drug-related charges. 

Naganap ang pangho-hostage sa dating senadora nitong Linggo ng umaga, October 9, ng tatlong detainees na gusto umanong tumakas mula sa facility.

Napatay ng mga rumespondeng pulis kalaunan ang mga umano’y salarin. Ligtas naman pero na-trauma umano si former Senator de Lima.

Bagama’t walang specific na binanggit sa kanyang Facebook post last Sunday din, pero mukhang hindi kumbinsido ang Maid in Malacañang director sa katotohanan ng pagkaka-hostage sa senadora.

“[S]iguro kung tanga lang ako, naniwala na ako sa hostage drama ng mga nantatanga ng tao,” komento ng self-proclaimed provocateur na writer-director.

Hindi ikinatuwa ng veteran actor na si Audie ang komentong ito ni Direk Darryl kaya naman binanatan n’ya ito sa kanyang Twitter post last October 10.

“Hinde demonyo ka,” singhal ni Audie sa direktor sa kanyang tweet kalakip ang screenshot photo ng Facebook post nito. 

Game namang sumagot dito ang mapang-engage na direktor.

“[G]alit na galit naman naman itong ANGHEL na ito. HAHAHAHAHA!” balik ni Direk Darryl kay Audie sa kanyang Facebook post kalakip ang screenshot photo ng tweet ng aktor. 

“[L]ahat na lang ng galit sa akin, pare-parehas ng karakas— matanda, malungkot, walang iy*t, pink ang panty at higit sa lahat, feeling Holy,” sunod-sunod na tirada pa n’ya. 

Matatandaan na noon lamang August, isa si Audie sa mga nag-tweet tungkol sa umano’y pagkaka-suspend ng Twitter account ng VinCentiments, ang social media page na hawak ng grupo ni Direk Darryl.

Pero pinagtawanan lang ito ng direktor dahil wala naman umano silang Twitter account at Facebook umano ang kanilang main platform.

As of this writing ay wala pang sagot si Audie sa mga huling banat ni Direk Darryl.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Darryl Yap matapos ideklarang persona non grata sa QC: “I find it very immature, I find it very elementary, I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally.”

Darryl Yap sa netizen na tumawag sa kanya ng “pedophile-disrespectful-fake news peddler director”: “Idedemanda kita. Pangako.”

Banat ni Darryl Yap sa mga umokray sa casting ng Maid in Malacañang: “Ipagsisiksikan nyo na lang yung talunan nyong opinyon sa pelikula ng nanalo?”

Direk Joel Lamangan sa mga baguhang sexy stars: “Dapat hindi lamang katawan ang puhunan.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”