Bungisngis at galawgaw na Gretchen Fullido na tago sa TV Patrol, litaw na ngayon sa bago niyang show


“Sa November kasi magtu-twelve years na ako as Star Patroller and hindi ko talaga [naipapakita] ’yong real self ko which is bungisngis talaga akong tao," tsika ni Grechen Fillido during the Pie Channel press conference. “E, dito sa PIE, lumabas ’yon. Wala, automatic, e. I feel at home talaga. ’Yong real self ko lumabas,” lahad pa n’ya. 

PHOTO: @gretsfullido on Instagram

“Sa November kasi magtu-twelve years na ako as Star Patroller and hindi ko talaga [naipapakita] ’yong real self ko which is bungisngis talaga akong tao,” tsika ni Grechen Fillido during the Pie Channel press conference. “E, dito sa PIE, lumabas ’yon. Wala, automatic, e. I feel at home talaga. ’Yong real self ko lumabas,” lahad pa n’ya. 

Happy ang “Star Patrol” anchor na si Gretchen Fullido ngayong kabilang s’ya sa morning show na Barangay PIE Silog dahil nakahanap umano s’ya ng freedom doon to express herself.

Sinabi n’ya ito sa virtual media conference ng PIE channel kamakailan.

Kung may pagka-formal s’ya bilang showbiz news anchor sa TV Patrol ay mas may freedom daw s’yang mag-explore at ipakita ng totoong s’ya sa kinabibilangan n’ya ngayong morning TV and online show. 

“I’m very honored to be part of Barangay PIE Silog. First time kong mapasama sa isang show na ganito. From TV Patrol na nakikita n’yo, dito nakakatawa ako with my katroPies,” pahayag ni Gretchen.

Hindi lang daw kasi hosting ang ginagawa n’ya sa show kundi pagpapakita na rin ng kanyang talent sa pagkanta at pagsayaw na never nga naman n’yang nagagawa sa TV Patrol.

Masaya… Sumasayaw po ako. Kumakanta minsan. Oo, masaya,” pagbibida pa n’ya. 

Sa November kasi magtu-twelve years na ako as Star Patroller and hindi ko talaga [naipapakita] ’yong real self ko which is bungisngis talaga akong tao,” tsika pa n’ya sa entertainment press.

E, dito sa PIE, lumabas ’yon lalo na kapag kasama mo si Mayor TV, si Mayora, si Abbie at si Tristan. And even nu’ng time pa lang na nag-script reading kami, practice-practice… Wala, automatic, e. I feel at home talaga. ’Yong real self ko lumabas,” lahad pa n’ya. 

At dahil magkaibang shows nga ang ginagawa n’ya, nadadala n’ya umano sa set ng TV Patrol minsan ang kakulitan n’ya mula sa Barangay PIE Silog. 

“So ngayon, pag nagti-TV Patrol, doon ako nagko-control. ‘Wag kang galawgaw!’ Kasi dito ang galawgaw ko. Hahaha! Tapos ang sinasabi naman nila dito sa Barangay PIE Silog, ‘Hoy, galaw ka naman.’ Kasi nag-a-adjust pa ako. Hinahanap ko ’yong timpla,” salaysay pa ni Gretchen.  

Kasi sa [TV] Patrol daw stiff ako pero dito naman ang likot-likot ko. So, ngayon, naguguluhan na ako. Hahaha! Pero masaya. I’m just really having so much fun. In the end, mas nalalabas ko ’yong totoong ako.

Pero bukod sa hatid na entertainment, ipinagmamalaki din ng Kapamilya TV personality ang kanilang content na kapakipakinabang sa kanilang mga manonood. 

’Yong handog po namin, very proud ako dito sa PIE Silog [dahil] ang hatid namin ay practical public service,” pagpapatuloy ni Gretchen. 

“’Yong valid feelings n’yo po ay nilalabas n’yo sa Sumpungan HQ. Eto na nga. Meron kaming mga job offerings. It’s like a bulletin na p’wedeng lahat ng kailangan n’yong malaman, mga makabuluhang impormasyon, lahat po ’yan sa morning show namin, sa brunch, at early lunch mapapanood n’yo,” pagtatapos n’ya.

Napapanood si Gretchen Fullido, kasama sina Tristan Ramirez, Abby Trinidad, Omar Punzalan, and Frances Cabatuando, sa morning show na Barangay PIE Silog from Monday to Saturday sa Channel 31, PIE Channel on YouTube, at pie.com.ph.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together