Lotlot de Leon, boto kaya kay Paulo Avelino para sa anak niyang si Janine Gutierrez?


Nagpaunlak ng panayam si Lotlot de Leon sa entertainment press kung saan diretsahan s’yang natanong tungkol sa anak n’yang si Janine Gutierrez at sa rumored boyfriend nitong si Paulo Avelino. Happy daw s’ya takbo ng career ngayon ni Janine at kilala daw n’ya si Paulo dahil nakatrabaho na daw n’ya ito before.

PHOTOS: @ms.lotlotdeleon on Instagram & @ JanineGutierrezOfficial on Facebook

Nagpaunlak ng panayam si Lotlot de Leon sa entertainment press kung saan diretsahan s’yang natanong tungkol sa anak n’yang si Janine Gutierrez at sa rumored boyfriend nitong si Paulo Avelino. Happy daw s’ya takbo ng career ngayon ni Janine at kilala daw n’ya si Paulo dahil nakatrabaho na daw n’ya ito before.

Nagpaunlak ng panayam with the entertainment press ang seasoned actress na si Lotlot de Leon right after ng media conference last October 11 para sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nilang Love in 40 Days.

Dito ay diretsahang natanong ng press people ang aktres tungkol sa anak n’yang si Janine Gutierrez at sa rumored boyfriend nitong si Paulo Avelino

Nabigla pa si Lotlot dahil hindi n’ya inaasahang matatanong s’ya tungkol sa PauNine couple. 

“Huh? Hahaha! Hindi ko ini-expect. Hindi naman po sa [ayaw kong matanong but]…my daughter can speak for herself. She can speak for herself, she can explain,” sagot n’ya sa press. 

Gusto lang daw n’ya na maging masaya si Janine at ang lahat ng anak n’ya kaya kasama daw sa kanyang mga dasal na makatagpo ang mga ito ng tamang partners in life. 

Ako naman as a mom, I just want her to be happy. We always pray for my children to be with the right partners, ’di ba…na tama ’yong mapili nila,” lahad n’ya. 

Nahingi rin ang reaction n’ya sa sagot ni Paulo sa nakaraang interview nito na patuloy umano silang lumalabas ni Janine. 

Lumalabas ba sila? Sabi? Hahaha!” natatawang patay-malisyang sagot ni Lotlot.

Wala naman daw s’yang problema doon dahil nasa hustong gulang na rin si Janine at may tiwala s’ya dito. 

Hindi naman kailangang magpaalam sa akin ang anak ko. May tiwala naman ako sa kanya. So, kung ano ’yong sa palagay n’yang makakabuti para sa kanya at kung saan s’ya masaya, okey na okey ako du’n,” saad n’ya. 

At kay Paulo naman, kilala daw n’ya ang aktor dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa trabaho noon. 

“Yeah, I worked with him. Di ba, sa Marry Me, Marry You magkasama kami. And then sa Walang Hanggan pa dati,” aniya. 

Sa puntong ito na s’ya natanong ng press kung boto ba s’ya sa aktor para sa panganay n’yang si Janine. 

Mabait naman si Pau. Mabait naman si Pau,” nakangiting sagot ni Lotlot.

Hindi naman daw n’ya pini-pressure ang mga anak n’ya sa pakikipagrelasyon o pagpapakasal para mabigyan na agad s’ya ng apo. Marahil ay natuto daw ang mga ito sa pinagdaanan n’ya noon kaya naman wala pa sa mga ito ang pumapasok sa buhay may-asawa. 

Alam mo, ’yong mga anak ko, sa sobrang aga ko nag-asawa, gusto naman nila sobrang late sila mag-asawa. Hahaha! Ewan ko,” sey ng aktres. 

Siguro because parang natuto na rin sila. They saw ’yong journey ko. They learned from my journey,” dagdag pa n’ya.

Ako naman whenever they’re ready. There’s no rush. Ang pag-ibig, ang pagkakaroon ng pamilya, any time naman ’yan, e… pag handa na sila talaga.”

Sa ngayon ay masaya lang daw s’ya sa magagandang nangyayari sa career ng kanyang anak. 

“I’m happy with my daughter’s career because she’s practically bago pa lang [sa industriya], hindi ba? Pero she’s really on the right path saka parang napatunayan na rin naman n’ya na karapatdapat din s’ya sa industriya dahil nanalo na rin naman ang anak ko ng mga awards-awards,” pagbabahagi n’ya. 

Dire-diretso s’ya at talagang magaganda ’yong mga proyektong napipili n’ya so that’s also a blessing. I’m happy with everything going through with my daughter so sana magtuloy-tuloy na,” pagtatapos ni Lotlot.

YOU MAY ALSO LIKE:

Janine Gutierrez, masayang napagsama ang mommy Lotlot at daddy Monching sa isang family vacation getaway

Rayver Cruz sa breakup nila ni Janine Gutierrez: “There was no third party involved, especially from my end.”

Janine Gutierrez, masayang napagsama ang mommy Lotlot at daddy Monching sa isang family vacation getaway

Janine Gutierrez sa pumanaw nilang family dog: “You’ll always be the best girl.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together