K Brosas, proud tita ng lahat


Isang proud moment din para kay K ang tatlong national win ng Sing Galing sa Asian Academy Creative Awards 2022: ang Sing Galing Sing-Lebrity Edition for Best Non-Scripted Entertainment, Sing Galing Kids for Best Children’s Programme, at ang boses sa likod ng show, Show Suzuki for Best Voice Artist.

Photos: @kbrosas

Isang proud moment din para kay K ang tatlong national win ng Sing Galing sa Asian Academy Creative Awards 2022: ang Sing Galing Sing-Lebrity Edition for Best Non-Scripted Entertainment, Sing Galing Kids for Best Children’s Programme, at ang boses sa likod ng show, Show Suzuki for Best Voice Artist.

Actress, comedian, singer, television host, mother to a daughter, at ngayon tita ng mga Singkulits!

Si Maria Carmela Brosas, o mas kilala bilang K Brosas, ay isa sa mga Singmaster ng videoke reality game show Sing Galing at ng kiddie family edition nito na Sing Galing Kids.

Para kay K, ang role niya sa mga Singkulits ay maging isang proud tita.

“Alam naman nating lahat na walang edad ang pagkanta sa mga Pilipino. Bata palang, mahilig na kumanta. Ang feeling ko talaga rito, ang role ko rito parang ’yung proud tita.”

Naging kakaiba ang experience ni K kasama ang mga bata. Kahit makukulit, tuwang-tuwa pa rin siya dahil sa talent na baon ng mga Singkulits.

“Kasi iba talaga ang mga bata, aminin natin, napakakulit, unpredictable, pero nakakatuwa kasi ang daming talented, grabe ’yung talent from 5 to 12 years old. Nakakapagod siya pero ’yung pagod na masaya.”

Bukod sa pagiging isang proud tita ni K sa mga Singkulits ng Sing Galing Kids, patuloy naman ang pagiging Singmaster at coach niya sa mga Singtestants ng Sing Galing Regular.

Itinuturing ni K na isang pamilya ang Sing Galing, kasama na ang iba’t ibang edition nito. Pati na rin ang lahat ng bumubuo sa dalawang season ng Sing Galing at dalawang edition nito na Sing Galing Sing-lebrity at Sing Galing Kids.

“’Yun nga nakakatuwa kasi sobrang blessing nito, at itong Sing Galing family ay maituturing kong pamilya na rin. Napalapit na sa akin personally, sa lahat mula sa guard, mula sa utility, hanggang saan.”

Masaya si K na sa kabila ng nangyaring pandemya, kung kailan din nagsimula ang Sing Galing, ay nakatulong ito para makapagbigay ng trabaho sa maraming tao.

“Nakakatuwa kasi kapag mag-Sing Galing spin-off… marami ring may bagong trabaho na nakakasama mo dati sa ibang istasyon, nakakatuwa na nakakatulong tayo sa ibang tao, at of course, na-she-share natin ’yung mga blessings din natin para sa kanila.”

Kaya naman para kay K, “masaya lang, pamilya na, love na love ko talaga ang Sing Galing family.”

Patuloy naman ang mga nakikipag-Sing Galing-an sa Sing Galing Singbackbakan, kung saan mas tumitindi pa ang mga labanan!

Kaabang-abang din ang nalalapit na Singbackbakan ng mga Singkulits sa Sing Galing Kids!

Isang proud moment din para kay K ang tatlong national win ng Sing Galing sa Asian Academy Creative Awards 2022, ang Sing Galing Sing-Lebrity Edition for Best Non-Scripted Entertainment, Sing Galing Kids for Best Children’s Programme, at ang boses sa likod ng show, Show Suzuki for Best Voice Artist.

More kantawanan is coming our way with Singmaster K Brosas sa Sing Galing, airing Mondays, Tuesdays, and Thursdays ng 6:30 PM and internationally via TFC, and lots of proud tita moments sa Sing Galing Kids airing Saturdays ng 6:00 PM, all on TV5.

YOU MAY ALSO LIKE:

K Brosas, nagtamo ng sugat at pasa matapos silang maaksidente ni Pokwang sa US

Matapos makahanap nang mas maayos na contractor, K Brosas, nakalipat na finally sa four-years-in-the-making niyang dream house

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together