Angelica Panganiban, sinagot ang netizen na tumawag sa kanya na “patron ng mga tanga sa pag-ibig”


“Salamat hintayin mo lang, at titila rin ang ulan ng kamalasan. Tiwala, manalig at manatiling mabuting tao kahit ano pa sabihin nila tungkol sayo,” payo ni Angelica sa netizen na humingi ng insights niya.

PHOTO: @iamangelicap on Instagram

“Salamat hintayin mo lang, at titila rin ang ulan ng kamalasan. Tiwala, manalig at manatiling mabuting tao kahit ano pa sabihin nila tungkol sayo,” payo ni Angelica sa netizen na humingi ng insights niya.

Nagpasalamat ang aktres na si Angelica Panganiban sa isang netizen na bumati sa kanya sa magagandang nangyayari ngayon sa personal n’yang buhay.

Makatawag-pansin ang pagbati ng netizen sa Twitter nitong weekend kung saan tinawag nitong “patron ng mga tanga sa pag-ibig” ang Kapamilya actress.

Maliban kasi sa mga tumatak na movie roles niya na laging wasak at sawi sa pag-ibig ay naging makulay din ang lovelife nitong si Angelica bago n’ya natagpuan si Gregg Homan, ang kanyang non-showbiz fiancé at  daddy ng kanyang baby girl na si Amila Sabine.

At dahil hindi na talunan sa pag-ibig ang aktres, isang pasabog na pagbati ang ipinaabot sa kanya ng kanyang Twitter follower. 

“Santa Angge, ang patron ng mga tanga sa pag-ibig, finally, nanalo na sa pag-ibig. Congrats! Prayer reveal naman dyan @angelica_114 #SanaAll,” pahayag ng netizen sa kanyang tweet.

Malugod naman itong sinagot ni Angelica at nagbigay ng maikling payo.

“Salamat hintayin mo lang, at titila rin ang ulan ng kamalasan. Tiwala, manalig at manatiling mabuting tao kahit ano pa sabihin nila tungkol sayo,” saad n’ya. 

Matatandaan na nito lang September 20 nang isilang ng aktres ang baby girl nila ni Gregg na si Amila Sabine.

Last weekend naman sa kanilang YouTube vlog nang ipaalam nila na ganap na silang engaged.

We’re happy for you, Angelica!

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa tagal na walang dyowa, Angelica Panganiban, muntik na raw magpa-freeze ng eggs

Pika’s Pick: The Gregg Homan-organized maternity shoot for girlfriend Angelica Panganiban is simply breathtaking

Angelica Panganiban, kinakabahan sa galante moves ni “Ninang” Kim Chiu sa kanyang magiging anak; “Parang kukunin po niya [ang baby] sa dami po ng kanyang ipinadala.”

Bitbit si Baby Bean, Angelica Panganiban, binisita ang kanyang Ate Judy Ann Santos para sa kanyang “mental health”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together