Iya Villania, ikinumpara sa “saging” ang mister niyang si Drew Arellano at sa “itlog” naman ang kanyang sarili
Napuno ng tawanan ang naganap na virtual media conference nina Iya Villania at Chef Jose Sarasola nitong October 7 para sa nalalapit na Season 4 ng cooking show nila na Eat Well, Live Well. Stay Well.
Nabigyan kasi ng ibang pakahulugan ang mga naging sagot ng Kapuso actress-TV host sa mga tanong ng entertainment press.
Dahil pagluluto at pagkain ang sentro ng usapan ay natanong si Iya sa kung anong pagkain ba n’ya p’wedeng ikumpara ang mister n’yang si Drew Arellano.
Medyo napaisip pa ang Chika Minute anchor bago sumagot ng “saging,” na agad namang nabigyan ng ibang pakahulugan ng mga malilikot ang isip.
Pero kahit na natatawa ay wholesome pa ring nagpaliwanag si Iya.
“Saging dahil paborito ko ang saging, e, paborito ko s’yang tao at nagbibigay s’ya ng sustansya, ’di ba? And I feel there is a certain boost and energy that he gives me na nakukuha ko sa saging,” esplika n’ya.
Pasok naman ang paliwanag n’ya dahil versatile nga naman ang saging at p’wedeng ihalo sa mga putahe gaya ng pork/beef nilaga o pochero.
Pero nang matanong naman s’ya kung sa anong pagkain n’ya inihahalintulad ang kanyang sarili, “itlog” ang naisagot ni Iya.
“Dahil… bakit nga ba? Bakit itlog ang nasabi ko? Hindi ko rin alam bakit ’yon ang nasabi ko,” natatawang sagot n’ya.
At nang makabawi ay nakapagbigay naman ng magandang sagot ang TV host.
“Because I feel like it’s essential… and it’s easy to get. It’s readily available. Parang feeling ko, itlog ako para sa pamilya ko. Gusto ko maging itlog para sa pamilya ko. I want to always be available for them,” pagse-segue n’ya.
“At kung gutom ka, gusto mo ng something na will sustain you, that has good nutrients, na mabilis lang lutuin… P’wede mong ilaga. Kahit anong gawin mo sa itlog it’s gonna taste na. Kahit ilaga mo lang ’yan okey na ’yon, ’di ba?” dagdag pa n’ya.
At nang mausisa naman s’ya kung mahirap pang ipagluto ang asawa n’yang si Drew, sabi n’ya, “Yes and no.”
Aminado si Iya na mas mahusay daw si Drew kesa sa kanya pagdating sa kusina kaya minsan ay nako-conscious s’ya kapag nakabantay ito sa kanya habang nagluluto.
“Yes, dahil magaling din s’ya sa kusina at alam ko tutok s’ya sa akin kapag nagluluto ako. So, medyo nako-conscious ako. Hahahaha! Nako-conscious ako kapag sasabihin n’ya na, ‘Love, itaas mo pa ’yong apoy mo,’” pagbabahagi n’ya.
“Basta…parati s’yang may say. S’ya ’yong mas chef sa aming dalawa. S’ya ’yong mas confident sa kusina. S’ya ’yong mas naunang natuto magluto kesa sa akin,” she added.
That’s why nagpapasalamat din s’ya sa programa nila ni Chef Jose na nasa fourth season na ngayon dahil natulungan daw s’ya ng show na ma-improve ang kanyang cooking skills.
“Kaya it was a big deal for me nu’ng ngakaroon na din ako ng confidence sa kusina. Pati s’ya [si Drew] sobrang proud sa akin kasi nakita n’ya ’yon. Nakita n’ya noon na ’yong mga galawan ko sa kusina na hindi ako sure. Tapos ngayon parang I’m more care free because I’m more confident.”
Appreciative naman daw at hindi pihikan si Drew sa kanyang mga inihahain.
“In a sense, hindi naman s’ya mahirap [ipagluto] kasi he will appreciate anything that I make,” pagtatapos ni Iya.
Mapapanood ang Eat Well, Live Well. Stay Well Season 4 with Iya Villania and Chef Jose Sarasola simula ngayong October 14 sa GMA Network.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment