Direk Crisanto Aquino, all praises for his Relyebo star Sean de Guzman; says he is a Coco Martin in the making

Isang malaking tagumpay noon ang pelikulang Write About Love na idinirehe ng magaling at premyadong director na si Crisanto Aquino para sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Katunayan, humakot ito ng maraming awards tulad ng special jury prize, best supporting actress para kay Yeng Constantino, best supporting actor para kay Joem Bascon, best screenplay at iba pang technical awards sa nabanggit na taunang pista ng pelikulang Pilipino.

Nanalo rin ito ng ABC Award para kay Aquino sa 2020 Osaka Film Festival dahil sa orihinal na kuwento nito at sa topnotch performances ng kanyang cast.

Ngayon, kakaibang challenge naman ang kinakaharap ni Direk Crisanto dahil sumabak na rin siya sa paggawa ng content para sa Vivamax na kilala for its sexy adult contents.

Ani Direk, ang Vivamax debut movie niyang Relyebo ang kauna-unahang mature-themed concept na nagawa niya.

“I want to challenge myself if I can do mature or iyong adult ang concept. As a writer and director, magandang challenge ito to test my flexibility, if I can adapt also to other genres,” paliwanag niya samin nang makatsikahan naming siyang saglit sa Relyebo special screening.

“Itong Relyebo ay isang hamon sa akin para sa Vivamax na gumawa ng isang pelikula na kahit may mga sex scenes ay buo pa rin ang k’wento at masasabi mong isa itong pelikula na dapat panoorin ng mga Pilipino dahil kwento natin ito, ganito tayo, lahat tayo ay nagkakamali at sa huli, kailangan nating maintindihan ang proseso ng pagpapatawad at pagbabago,” dugtong niya.

Hirit pa niya sa kanyang pinakabagong obra, gusto niyang bigyan ng pagpupugay ang kuwento ng mga ordinaryong tao tulad ng mga SG o sikyu (security guards).

“Tuwing pauwi ako ng bahay galing shoot, usually madaling araw or early morning, lagi akong may nakikitang mga security guard na nakakatulog sa labas ng establishment na binabantayan nila in the performance of their duties.

“Just imagine, magdamag silang gising to do their job at napakarami nating security guards compared to other countries. So, why not a story about them. Gusto ko silang bigyan ng mukha at ipakita rin ano pinagdadaanan nila,” paliwanag niya.

Security guard ng isang apartelle ang role ng  bidang si Sean de Guzman sa Relyebo na bagama’t may maganda at mabait na aasawa (played by Christine Bermas) ay nakuha pa ring ma-obssess sa isang misteryosang babae (Jela Cuenca) na bagong-lipat sa apartment building na binabantayan niya. Ang paghakumaling na ito ang magsisilbing mitsa para masira ang relasyon niya sa kanyang asawa.

Very apt din ang titulong relyebo (kapalitan, kasalisihan) dahil lingo ito ng mga sikyu na nagka-double meaning dahil sa naging sitwasyon ng character ni Sean.

At dahil first time nga mag-direk ng mga sexy scenes with his actors in the nude, kaya’t aminado si Direk Crisanto na nangapa siya. In fact, very minimal daw ang directing niya pag love scenes at pinaubaya na niya sa mga actors niya kung paano aatakihin ang love scenes.

“Halimbawa, sa eksena nina Sean at Jela, kakainin niya di ba? Nakatayo si Jela...so, isasampa ba ni Jela ang leg niya sa balikat ni Sean? Dumidikit ba talaga [ang mukha]? Sabi ko, ‘Paano kaya?’ Sabi ni Sean, ‘Ako na bahala, Direk.’”

Si Boss Vic [del Rosario] daw ang namili mismo sa cast at hindi niya akalaing napaka-huhusay pala ng mga artista niya at sadyang bumagay sa mga karakter na binuo niya.

“Ang galing ni Boss Vic, pagka-pitch ko, alam na niya kung sino bagay, e.”

“Si Jela napaka-approachable, hindi siya mahirap kausap,” panimulang paglalarawan niya sa bawa’t isa.

“Madali siyang makaintindi ng instruction, willing siyang makinig at matuto. Palagi siyang lumalapit sa akin sa monitor para mangamusta at manood ng mga eksena. Magandang practice iyan ng artista to show na interesado ka talaga sa character at sa project mo.

“Si Christine, para siyang fragile na bagay. Napaka-sensitive niya sa lahat. Alam niya kung ano ang dapat maramdaman sa eksena. Napakahusay niya. Minsan kapag dramatic ang scene sasabihin n’ya, ‘Direk, tulungan mo ako ha.’ And as a director I really appreciate the actors who trust their directors. And may isang bagay lang ako sasabihin sa kanya, makikita ko nangingilid na luha niya. She is very emotional. Magaling na artista.

“Si Sean, isa siyang actor na masasabi kong maganda ang path ng career niya. Mahusay si Sean. Lagi siyang nagtatanong tungkol sa eksena. Magandang attitude yan sa artista kasi alam mong gusto niyang maintindihan ang bawat gagawin niyang eksena.

“At may understanding na kami ni Sean sa ibang scene, pag di ko gusto performance niya, magkakatinginan lang kami, at pag pareho kami na hindi gusto ang ginawa niya, then we do take 2 or 3. Then we agree na okay na siya. Gusto niyang  maganda rin ang maging output ng pelikula, pareho kami. I’d just say Coco Martin in the making itong si Sean De Guzman.”

Sa Relyebo, litaw ang malaking mga improvements ng matatawag na mga pandemic stars na sina Jela, Sean, at Christine. Sa loob lamang ng dalawang taon ay naging ganap silang mga aktor in the true sense of the word. Bagama’t mga naturingang mga sexy stars, napapatunayan na nilang hindi lang katawan ang dapat panoorin sa kanila.

Patunay ang pagpalakpak ng audience sa makatotohanang confrontation scene nina Sean at Christine na tunay na nakadadala.

Si Sean, for his part, has two best actor awards na.

Ang role niya sa Fall Guy ni Joel Lamangan ang nagpanalo sa kanya. Una siyang nanalo sa CHITHIRAM International Film Festival sa India na sinundan ng another best actor award sa Anatolian Film Awards in Turkey.

Ang Relyobo, which is a well-made sexy-drama, ay mapapanood na sa Vivamax starting this Friday, October 12.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”