Kristoffer Martin, bumaba ang pride mula nang magpakasal


Mula raw nang ikasal ay mas naging understanding na raw si Kristoffer Martin at nawala na raw ang pagiging mainitin ng ulo niya.  "Nu’ng mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, mataas talaga ako. Short-tempered at mataas ang pride ko. May mga maliliit na bagay na napapalaki ko. "Kapag nag-away kami noon ni AC, one week hindi kami mag-uusap, pero ngayon hindi ko na pinapatagal ng five minutes, nag-so-sorry na agad ako. Naging madali na sa akin to say sorry. Nakikita ko agad kung saan ako ang mali. Sabi ko nga, ‘May magic ’yung kasal e, ’no!’ Akala ko dati title lang siya, hindi po pala. ‘Yun ang pinakamalaking bagay na nagbago sa amin, ang bilis naming mag-sorry sa isa’t isa."

Photos: @kristoffermartin_

Mula raw nang ikasal ay mas naging understanding na raw si Kristoffer Martin at nawala na raw ang pagiging mainitin ng ulo niya.  “Nu’ng mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, mataas talaga ako. Short-tempered at mataas ang pride ko. May mga maliliit na bagay na napapalaki ko. ”Kapag nag-away kami noon ni AC, one week hindi kami mag-uusap, pero ngayon hindi ko na pinapatagal ng five minutes, nag-so-sorry na agad ako. Naging madali na sa akin to say sorry. Nakikita ko agad kung saan ako ang mali. Sabi ko nga, ‘May magic ’yung kasal e, ’no!’ Akala ko dati title lang siya, hindi po pala. ‘Yun ang pinakamalaking bagay na nagbago sa amin, ang bilis naming mag-sorry sa isa’t isa.”

Bumalik sa kanyang “first love” ang Sparkle artist na si Kristoffer Martin. First love as in sa pagkanta.

Sa pamamagitan ng bagong single niya under GMA Music titled “’Di Ba?,” na ni-release noong nakaraang September 30, muling nabuhay ang hilig ni Kristoffer sa music at ang hangad niyang magsulat ng mga original songs.

Kuwento ng 27-year old actor-singer, bata pa lang daw siya ay ang pagkanta na ang paborito niyang gawin sa school at tuwing may party sa kanilang bahay.

Noong 2007, naging contestant si Kristoffer sa Little Big Superstar ng ABS-CBN. Binigyan pa siya ng title na “Prince Charming”.

Hindi man siya sinuwerte na manalo ay naging maganda naman ang nangyari sa career ni Kristoffer noong kunin siya ng GMA para gumanap na batang Dingdong Dantes sa 2010 teleserye na Endless Love at makasama sa teen series na Reel Love Presents Tween Hearts.

Naging leading man si Kristoffer sa mga teleserye na Kakambal Ni Eliana, Kahit Nasaan Ka, Paraiso Ko’y Ikaw, Healing Hearts, at Hahamakin Ang Lahat. Pero ang pagkanta pa rin ang binabalik-balikan niya.

“Singing naman talaga ang first love ko. I remember, bata pa lang ako mahilig na ako sa music. Bida-bida ako noon kapag may school program, may videoke party sa amin, hindi ako nahihiyang kumanta. Medyo naiba lang ang direksyon ko kasi pinasok ko ang pag-arte sa mga teleserye at movies. Pero hindi pa rin nawawala ’yung love ko sa music, pati na sa songwriting.

“Na-miss ko ang singing because of the pandemic, tapos naging busy rin ako sa mga ginawang teleserye, sabi ko nga nami-miss ko na kumanta, kaya sakto nung gusto ako ni GMA Music na mag-record ulit,” pahayag ni Kristoffer sa naganap na Zoom mediacon noong nakaraang September 27.

Extra proud si Kristoffer dahil may iba pa umano siyang contribution siya sa bagong single niya na “’Di Ba?”

“Nakapag-record na ako ng ilang singles before tulad ng ‘The Lazy Song,’ ‘I’ll Never Go,’ at ’yung duet namin ni Julie Anne San Jose na ‘I’ll Be There.’ Kinanta ko rin ’yung theme song ng Alyas Robin Hood na ‘Sa Piling Mo’ and theme song ng Hahamakin Ang Lahat na ‘Dahil Sa ‘Yo.’

“Pero itong ‘’Di Ba?,’ ito ’yung first single ko na talagang masasabi kong may ambag ako. Hindi lang basta kinanta. 

“‘Yung areglo, sinabi ko ’yung gusto kong feel ng kanta, particularly sa bridge part ng song and I requested to mix the song with a guitar. I’m hoping that my next single  will be my own composition. Marami na akong mga nasulat at karamihan ay mga hugot songs siya.”

Ang song na  “’Di Ba?” ay isinulat ni Nicholai Ramil Basilonia at tungkol ito sa muling pagbuhay ng pag-asa sa taong mahal mo.

“Kuwento siya ng isang tao na akala niya nasa cool off stage lang sila, hoping pa siya na magkakaayos pa sila, na babalik ka pa, na kailangan lang natin ng pahinga. Ito po ‘yung pinakapuso ng kanta. Longing siya, hoping na sana babalik ka pa. Kaya super nakaka-relate ako sa song na ito,” ngiti pa ni Kristoffer.

Samantala, kinasal si Kristoffer noong February 3 sa kanyang long-time girlfriend na si AC Banzon at sobrang laki raw na nabago sa kanya simula noon. 

“I think what happened po in the past was a big lesson talaga. For me, kailangan ko siyang pagdaanan. ‘Yung contentment ko ngayon iba…sa family ko, sa wife ko, sa anak naming si Pre’. 

“Kung hindi po dumaan ’yung mga dumaan sa buhay namin before, ’yung contentment na nararamdaman ko ngayon hindi po ganito.

“Pini-place talaga lahat ni Lord ang mga bagay na mangyayari sa buhay natin, nasa sa iyo na lang kung paano mo siya makikita. Iba kapag once may blessing talaga from the Lord, mag-iiba talaga lahat ng takbo. 

“Parang sinasabi ni God na ‘O, ayan ’yung gusto mo hindi nag-work, so ibalik kita dito kung saan ’yung gusto ko para sa’yo.’”

Mas naging understanding na raw si Kristoffer at nawala na raw ang pagiging mainitin ng ulo niya. 

“Nu’ng mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, mataas talaga ako. Short-tempered at mataas ang pride ko. May mga maliliit na bagay na napapalaki ko. 

“Kapag nag-away kami noon ni AC, one week hindi kami mag-uusap, pero ngayon hindi ko na pinapatagal ng five minutes, nag-so-sorry na agad ako. 

“Naging madali na sa akin to say sorry. Nakikita ko agad kung saan ako ang mali. Sabi ko nga, ‘May magic ’yung kasal e, ’no!’ Akala ko dati title lang siya, hindi po pala. ‘Yun ang pinakamalaking bagay na nagbago sa amin, ang bilis naming mag-sorry sa isa’t isa.”

Sa Instagram account ng aktor, puno ng photos ng bonding moments niya kasama ang kanyang mag-ina. Tulad noong mag-birthay si AC noong nakaraang August, kung saan makikitang sa Boracay sila nag-celebrate na pamilya. 

Caption pa niya sa birthday photos ni AC: “You are a blessing from God to all of us. Every day, you make me a better man. Salamat, Mommy, sa pag-remind sa ‘kin na always to believe in myself. You know how much I love you. Mahal ka namin ni Pré. Happy birthday again, my love.”

Sa October 7 ang premiere ng music video ng “’Di Ba?” at mapapanood ito sa GMA Music’s YouTube channel and Facebook page.

YOU MAY ALSO LIKE:

Kristoffer Martin reveals his hopeless romantic side through his latest single

Kristoffer Martin weds long-time girlfriend AC Banzon through a civil rite

Non-showbiz partner ni Kristoffer Martin na si AC Banzon, napatawad na ang pagliko ng aktor?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together