Alden Richards, ready sa comparison at criticisms ng Start Up Korean fans; “Kahit paano, based do’n sa trailer, may laban po ang show.”
Photos: @aldenrichards02 / @beaalonzo Aminado si Alden Richards na ni-level niya ng konti ang work ethics niya dito sa show na una nilang pagtatambalan ni Bea Alonzo dahil alam umano niya kung gaano ka-seryosong aktres ang bago niyang leading lady. “She puts good pressure on me… on us, actually. “Kasi, never akong nagkaroon ng eksena with Bea na hindi niya memorized ang linya niya. So, the way sha handles her character, sabi ko sa sarili ko no’ng nakaka-eksena ko na siya dito sa Start-Up, sabi ko, ‘Parang hindi ako p’wedeng petiks ah’… ’yung style ko before na chill-chill lang, medyo dinagdagan ko nang konti.” Ipinagmamalaki ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang bago niyang primetime series, ang Start-Up PH , ang Pinoy adaptation ng isang hit Korean series sa Netflix, na magsisimula ng mapanood sa September 26 sa GMA Telebabad. Aware daw si Alden na maraming naging tagahanga ang Korean drama na ito kaya’t naka-ready naman daw sila sa comparison at criticisms. Per...