Beauty Gonzalez at asawang si Norman Crisologo, okay na sa isang anak; unica hijang si Olivia, umapela


Bagama’t desidido na raw sila ng kanyang asawa na isa lang ang maging anak, umapela naman daw ang unica hija nilang si Olivia na bigyan siya ng kapatid. “Nanghihingi… I gave her a dog,” natatawang pag-amin ni Beauty. “His name is Pepito. Boy and girl na, so okay na kami.”

Photos: @beauty_gonzalez

Bagama’t desidido na raw sila ng kanyang asawa na isa lang ang maging anak, umapela naman daw ang unica hija nilang si Olivia na bigyan siya ng kapatid. “Nanghihingi… I gave her a dog,” natatawang pag-amin ni Beauty. “His name is Pepito. Boy and girl na, so okay na kami.”

Muling kinumpirma ng Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na anim na taon na lang ang ibinibigay niya sa sarili bago mamahinga sa pag-aartista.

Nabanggit na ito ni Beauty sa isa sa mga huling zoom mediacons niya. At sa naganap na contract signing niya bilang female face ng beauty clinic na BeautéHaus by BeauteDerm, muli niyang nabanggit na six years na nga lang daw ang gugugulin niya sa pagpapaka-aktibo sa showbiz.

“Yeah, inaway nga ako ng husband ko, sabi niya, ang yabang-yabang mo, six years,” natawang sabi ni Beauty.

Nang tanungin ito kung ano ang nakikita niya sa sarili six years from now…

“Well, six years from now, I want to look like Ms. Rei [Anicoche-Tan, Beautéderm CEO]—payat, sexy and beautiful. ‘Yan ang goal ko.

“Siyempre, marami na akong nagawang projects, hopefully na magaganda. And gusto kong mag-retire, pero kung meron man magandang project that I can do, who am I to you know, say no, kung maganda talaga.

“Pero kung kaya, I really want to retire young and beautiful… that I’m still up there. Ayokong umalis ako na parang hindi na maganda. Gusto ko, kapag nakatalikod ako, masaya pa rin ako.”

Samantala, naging mabilis naman ang sagot si Beauty tungkol sa usaping Baby No.2.

“Hindi mangyayari ‘yon,” natatawang saad niya.

Napag-usapan na rin daw nila ito ng kanyang Mister na si Norman Crisologo, who is 20 years her senior.

“Napag-usapan namin and honestly, okay lang sa amin na isang baby lang talaga. Kasi, parang mas gusto ko na i-enjoy na lang namin ang time namin together.”

Ang totoo, nanghihingi raw ng kapatid ang unica hija nilang si Olivia.

“Nanghihingi… I gave her a dog,” natawang sabi niya. “His name is Pepito. Boy and girl na, so okay na kami,” natatawa pa ring kuwento niya.

Sa isang banda, natuwa raw talaga si Beauty nang alukin siya bilang face of BeatéHaus na isang major beauty clinic sa Angeles City, Pampanga ngayon.

“I’m very happy and privileged to be part of BeautéHaus and I know that she [Rhea Tan] will always be there for me just the way that I’ll always be there for her.”

Ang pinaka-paborito raw niyang procedure na pinapagawa niya sa BeautéHaus ay ang snow lazer.

“I like the snow lazer, ‘yung puputi ‘yung mga dating pimple marks, dark eyebags. Mestiza ako, medyo prominent ‘yung dark under eyelashes ko….Yun ang mga procedure na ginagawa ko sa kanila.

“Of course, a little botox, konting-konti lang,” natatawang dagdag niya.

May magandang balita naman si Ms. Rei na malapit na rin daw magkaroon ng BeautéHaus clinic sa Metro Manila.

“We’re actually scouting for an area. Kasi, magtatayo na rin ng BeautéHaus dito. Dapat gano’n daw lagi, lahat ng pangarap natin, if you can dream it, you can do it.

“Kaya I’m dreaming of a building here in Manila…itatayo natin ang BeautéHaus at Beautéderm office, very, very soon.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Beauty Gonzalez, suportado ang unica hija niyang si Olivia kung papasok ito sa showbiz pero may kondisyon

Beauty Gonzalez is newest face of BeautéHaus

Beauty Gonzalez, naapektuhan din ng Bagyong Odette; nananawagan din ng tulong para sa mga Negrenses

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together