Zeinab Harake, panatag sa bagong love life; “After ng lahat na pinagdaanan ko, may ibinigay si God na talagang magpapa-okey sa’yo.”

Ang social media influencer na si Zeinab Harake ang isa sa pinakabagong celebrity endorsers ng BeautéDerm. Ang oral-care line nito ang natoka sa kanyang i-endorso sa kanyang Gen Z market, partikular na ang Koreisu toothpaste.

 At mismong si Zeinab ay hindi makapaniwalang nangyayari na raw sa kanya ang mga bagay na ito.

“Kasi po, para akong nananaginip,” masayang pahayag ni Zeinab.  “Matagal na po kaming nagkaka-follow-han ni Ms. Rei (Anicoche-Tan) sa Instagram. Tapos, hindi ko ine-expect na isa ko sa mapipiling maging babies niya sa dami ng naging babies na meron siya.

“Sobrang saya. Grabe akong i-welcome ng BeautéDerm family, lalo ka na Ms. Rei. Palagi akong magiging thankful sa’yo,” pag-a-address nya dito.

Aminado naman ang BeautéDerm CEO na si Ms. Rei Tan na talagang wala siyang masyadong kilala sa mga batang artista, much more, mga influencers ngayon.

Pero nagulat daw ito na iba raw pala talaga ang followers ni Zeinab na isang pagla-live lang sa social media ay libo na agad ang nanonood.

“Sabi ko nga, welcome to BeautéDerm. Wala talaga akong kilalang mga bagets. Kaya kinukuha ko sina Gabby Concepcion, Lorna Tolentino… mga gano’n ang kilala ko.  So, sabi ko, well, it’s time na kumuha ng mga bagets-bagets, ano ba ’yung mga influencers na yan?

“Aba, grabe pala ang mga batang ’to kung magkaroon ng followers. Magla-live pa lang, libo na agad ‘yung kanilang mga viewers. Tapos, nagko-comment-comment kami. ’Yun din ang isa sa nagugustuhan ko sa ambassadors ko, parang baby lang siya, ’di ba?”

Ang bilang nga ng followers ni Zeinab across all her social media platforms ay nasa mahigit 50M na.

Gayunpaman na sanay na sa atensyon, big deal pa rin para kay Zeinab na napili siyang maging bagong endorser ng BeautéDerm dahil first time niya palang maging direct endorser ng isang brand.

Kitang-kita naman ang kasiyahan niyang ito sa ginanap na contract signing niya with BeauteDerm sa Luxent Hotel sa Quezon City.

“Sobrang bago ko lang po sa industry like, hindi po ako artista. Hindi po ako part of anything. Isa lang po akong bata na nagbi-video at hindi ko rin po alam kung bakit ako umabot ng gano’n karaming supporters at taong nagmamahal sa akin.

“Pero ngayon, binubuksan ko na ang next chapter ng life ko na kailangan ko ng sumubok ng mga bago. And ito, ito ang parang biggest sa lahat po ng naging work ko and to think na si BeautéDerm ang pinaka-sobrang saya.

“Ito pong media conference na ‘to, sobrang first time lang po sa akin itong lahat. Bago ako rito, pero gagawin ko lahat ng best ko and ’yung feeling ko ngayon, sobrang saya at hindi ko po ito pababayaan.”

Pagdating naman sa pag-aartista, hindi itinanggi ni Zeinab na noon pa man ay marami ng offers siyang natatanggap. Pero hindi aw siya handang pasukin ang bagay na wala siyang alam.

“Nag-start pa lang po ako sa YouTube career, meron na,” lahad niya. “More on movies, management. Kaya lang po, ayoko rin i-crossover ang linya ko kung nasaan ako. 

“Marami rin po akong responsibilities. Number One, may baby na’ko. Pero hindi ko rin po masabi na 101 percent na hindi ako tatanggap. Pero, may mga offers po talaga. Pero, pinipili po naming maige.

“At hindi po ako magmamagaling at magdudunong-dunungan sa mga bagay na hindi ko naman talaga linya. If ever po, now, sa ngayon, stay muna po ako kung nasaan man ako. Happy and contented na po ako do’n.”

Aminado rin si Zeinab na nanggaling siya sa darkest part ng buhay niya so far at ito ay ang di-kagandahang kinahinatnan ng relasyon nila ng ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee ng Ex-Battalion. 

Pero ngayon daw, mas pinipili niyang maging masaya lang.

“Ako ngayon talaga, mas pinipili ko muna kung saan ako dalhin ng kapalaran ko sa araw-araw,” saad niya. “Kailangan ko lang gampanan ang trabaho ko, number one.  Kailangan kong maging totoo sa sarili ko rin and dapat ma-maintain ko ’yung alaga ko sa sarili ko. Kasi, hindi ka maalagaan ng kahit sino kung hindi mo aalagaan ang sarili mo.

“So, ’yun po, mas pinipili ko na lang na maging happy.”

Nagkatawanan naman nang diretsahang tinanong si Zeinab kung nakinig na raw ba ito sa payo ng mga kaibigan at netizens na “guwapo na” ang piliin niya this time.

“Sa akin naman po kasi, hindi naman po talaga importante ’yung panlabas na kaanyuan. Hindi po ako tumitingin do’n,” sey niya.

“Sa totoo nga lang, lahat ng friends ko sinasabi na ‘Bulag ka!’ Lagi mong nakikita ’yung hindi namin nakikita para sa’yo. Pero sa akin, hindi po talaga ‘ko bumabase ro’n.

“Ang importante ro’n ’yung pag-aalaga at pagmamahal sa’yo ng tao.” 

Hindi rin naman itinanggi ni Zeinab na may bago na siyang karelasyon ngayon.

“Okey lang naman na malaman ng kahit sino as long as private, pero hindi mo itinatago. Okay na ‘ko sa gano’ng set-up.

“Kasi, ang hirap ng lahat inilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw, ang daming nagko-comment and hindi ’yun naging okey sa mental health ko before.

“So, natuto na ’ko ngayon. Low key. Okey na po ’yon.”

“Happy ako ngayon,” dagdag niya. “Sobrang thankful. After ng lahat na pinagdaanan ko, may ibinigay si God na talagang magpapa-okey sa’yo.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Zeinab Harake, ayaw makipag-co-parenting setup kay Skusta Clee para sa anak nila: “’Yong baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon.”

Zeinab Harake and Wilbert Ross together again in new music video

Zeinab Harake is Beautéderm’s official oral care ambassador

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together