Danica Sotto and Marc Pingris’ incoming Baby No. 3 is a boy!

Tila na naka-jackpot ang former PBA player na si Marc Pingris dahil lalaki ang paparating na baby nila ng misis n’yang si Danica Sotto.

Iyan ay kung pagbabasehan ang mga larawang kinunan sa ginanap nilang gender reveal party last September 14 na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Sa series of photos nga ni Marc sa Instagram kahapon, September 15, tila nahati ang kanilang pamilya sa kanilang hula sa kung ano ang gender ng kanilang baby ni Danica. Team Boy si Marc at ang panganay nilang si Jean Michael, habang Team Girl naman si Danica at ang unica hija nilang si Micaela.

At nang i-shoot na ng tinaguriang Pinoy Sakuragi ang bola sa covered na basketball ring, blue confetti ang lumabas na nangangahulugang lalaki ang Baby No. 3 nila ng kanyang magandang misis.

Sa inilagay naman n’yang caption ay nagpasalamat si Marc sa kanilang mga ka-pamilya’t kaibigan na dumalo sa simple pero masaya nilang gender reveal party. 

“Super salamat sa lahat ng kaibigan at pamilya namin ni danica!!!!! To mama @joywsotto and @pauleenlunasotto super super super salamat sa lahat alam nyo na yan mahal namin kayo!!!” he wrote.

Hindi n’ya rin nakalimutang magpasalamat sa Itaas sa panibagong blessing sa kanilang pamilya. 

“Yesssssss thank you Lord!!! It’s a boy!!! abangan nyo po sa vlog namin,” pagtatapos n’ya.

May magkasunod na series of photos din na ipinost si Danica sa kanyang Instagram kahapon. Dito ay pinasalamatan rin n’ya ang mga naging punong abala sa event sa pangunguna ni Joy Sotto, ang wife ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, at ni Pauleen Luna na wife naman ni Bossing Vic Sotto.

“Still on a high from yesterday! Thank you @joywsotto and @pauleenlunasotto for organizing the perfect gender reveal party. Thank you @niceprintphoto for capturing our precious moments and to all our friends and family who came to celebrate with us. Love you all!” pahayag ni Danica.

Congratulations, Marc and Danica!

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Danica Sotto and Marc Pingris celebrate 14th wedding anniversary; Danica says her love for her husband “ay mas lumalalim pa.”

Danica Sotto, mami-miss daw manood ng games ng asawang si Marc Pingris sa hardcourt

Danica Sotto sa pagtakbo ni Marc Pingris nang naka-bra: “Ano ba naman kasi itong idea mo?”

Pika’s Pick: Marc Pingris invites wife Danica Sotto to “make our marriage more awesome” as they celebrate their 15th wedding anniversary

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together