Alden Richards, ready sa comparison at criticisms ng Start Up Korean fans; “Kahit paano, based do’n sa trailer, may laban po ang show.”


Aminado si Alden Richards na ni-level niya ng konti ang work ethics niya dito sa show na una nilang pagtatambalan ni Bea Alonzo dahil alam umano niya kung gaano ka-seryosong aktres ang bago niyang leading lady. “She puts good pressure on me… on us, actually. “Kasi, never akong nagkaroon ng eksena with Bea na hindi niya memorized ang linya niya. So, the way sha handles her character, sabi ko sa sarili ko no’ng nakaka-eksena ko na siya dito sa Start-Up, sabi ko, ‘Parang hindi ako p’wedeng petiks ah’… ’yung style ko before na chill-chill lang, medyo dinagdagan ko nang konti.”

Photos: @aldenrichards02 / @beaalonzo

Aminado si Alden Richards na ni-level niya ng konti ang work ethics niya dito sa show na una nilang pagtatambalan ni Bea Alonzo dahil alam umano niya kung gaano ka-seryosong aktres ang bago niyang leading lady. “She puts good pressure on me… on us, actually. “Kasi, never akong nagkaroon ng eksena with Bea na hindi niya memorized ang linya niya. So, the way sha handles her character, sabi ko sa sarili ko no’ng nakaka-eksena ko na siya dito sa Start-Up, sabi ko, ‘Parang hindi ako p’wedeng petiks ah’… ’yung style ko before na chill-chill lang, medyo dinagdagan ko nang konti.”

Ipinagmamalaki ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang bago niyang primetime series, ang Start-Up PH, ang Pinoy adaptation ng isang hit Korean series sa Netflix, na magsisimula ng mapanood sa September 26 sa GMA Telebabad.

Aware daw si Alden na maraming naging tagahanga ang Korean drama na ito kaya’t naka-ready naman daw sila sa comparison at criticisms. Pero aniya rin, base sa napanood ng lahat na trailer, ay hindi naman daw sila mapapahiya.

“I can say that we have a show. We have something that we can be very proud of,” bungad niya sa ginanap na short media con prior to the cinema screening ng pilot week ng show na ginanap sa Robinsons Galleria noong weekend.

“And gano’n naman po talaga, and especially, hindi naman po natin masisi ang mga fans ng K-drama version dahil sobrang minahal nila ang show,” pagpapatuloy niya.

“Sobrang minahal nila ang Korean version ng Start-Up. So, sa kanila, s’yempre, to protect their love for the show. Gusto rin nilang makita if ang Filipino version ng Start-UP is something worth their while.

“And kahit paano, based do’n sa trailer na napanood natin, may laban po kami.  May laban po ang show.”

Samantala, naunang gawin ni Alden and Bea Alonzo ang Start Up kesa sa isa pang Pinoy adaptation of a Korean movie naman na dapat sana ay una nilang pagtatambalan. At aminado naman ang Kapuso prime talent na noon pa man na “fan” siya ni Bea Alonzo at maging ng loveteam nito kay John Lloyd Cruz.

Pero ngayong nakasama na niya nang mas matagal si Bea, sino na si Bea para sa kanya ngayon.

Sa kanyang naging sagot, binalikan ni Alden ang unang pagkakataon na nagkasama raw sila sa Thailand sa isang commercial shoot.

“Noong first time naming mag-work ni B po sa isang endorsement sa abroad, do’n kami unang nagkita. Nasa kabila [ABS-CBN] pa siya no’n.

“Sabi ko, parang looking forward ako na sana one day, magkaroon kami ng project together. Tapos, eto na nga… parang gano’n din. Like sa Start-Up, natutupad talaga ang mga pangarap. 

“Sabi nga, be careful what you wish for. ’Yung mga nakita ko with Bea dito sa Start-Up, she puts good pressure on me… on us, actually.

“Kasi, never akong nagkaroon ng eksena with Bea na hindi niya memorized ang linya niya. So, the way sha handles her character, sabi ko sa sarili ko no’ng nakaka-eksena ko na siya dito sa Start-Up, sabi ko, ‘Parang hindi ako p’wedeng petiks ah’… ’yung style ko before na chill-chill lang, medyo dinagdagan ko nang konti.

“Kasi, ang hirap naman na parang itong taong ’to, pinapakitaan ka ng effort at binibigay ang 100% niya every taping day and yet, hindi mo gagawin ang trabaho mo ng tama. So it puts pressure on us.”

Dugtong pa ni Alden: “Sobrang galing makasama nitong si B. Nakita ko na rin naman ‘yon the first time we met sa Bangkok.

“Parang four hours straight po yata kaming nag-usap, hindi kami nauubusan ng topic. So, gano’n pa rin. Gano’n din dito. So, very happy kami. I’m sure me and all of the cast. 

“We’re very proud that we have a Bea Alonzo in this show.”

Pinoy adaptation ng Korean drama na Start-Up ang Start-Up PH. Sa mga nakapanood na ng orihinal nito, alam na isa sa iikutan talaga ng kuwento ay ang pagkakaroon ng Sandbox, isang establishment na nagbibigay ng pagkakataon sa mga baguhang IT practitioners na palawigin ang kanilang idea at gawing negosyo.

At bilang isang entrepreneur sa totoong buhay, tinanong namin si Alden kung nakikita ba niyang dapat na magkaroon din ng sariling version ng Sandbox sa bansa.

Positibo naman itong sinagot na: “Sobrang dapat po.

“’Yung Sandbox po kasi is a tool for people who has a dream…para magkaroon sila ng backbone.  S’yempre, madaling mangarap, pero kailangan din natin ng mga taong tutulong sa atin behind our backs para ma-put into action ang mga pangarap nating ito.

“And I believe that Sandbox is a tool for Filipinos who aspire to be somebody para matulungan sila at mabigyan sila ng guidance. Guidance para matupad ang mga pangarap nila.”

Dagdag na biro pa niya: “Pero baka mag-usap-usap na po kami nila Bea. Kami na po ang mag-iinvest, mag-start ng Sandbox dito sa Pilipinas.”

Sakay naman ni Bea: “Kayang-kaya ni Alden yan.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Alden Richards, nagpahakot ng mga personal wardrobe sa Laguna para gamitin sa Start Up PH

Direk Gina Alajar, natatalinuhan kay Bea Alonzo; nakukulitan naman kay Alden Richards

Alden Richards, naghahanap ng blood donors para sa kanyang Lolo Danny

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”