Nikko Natividad, gusto rin sanang i-parody ang Expensive Candy look ni Julia Barretto: “Kaso baka tuluyan na akong hiwalayan ng misis ko, e.”


Hindi umano approved sa non-showbiz wife ni Nikko Natividad noong umpisa ang pagpa-parody n’ya sa sexy photos nina Elisse Joson at Loisa Andalio sa takot na baka lumuwag o masira ang kanyang damit.

PHOTOS: @hashtag_nikko, @elissejosonn, @iamandalioloisa, & @juliabarretto on Instagram

Hindi umano approved sa non-showbiz wife ni Nikko Natividad noong umpisa ang pagpa-parody n’ya sa sexy photos nina Elisse Joson at Loisa Andalio sa takot na baka lumuwag o masira ang kanyang damit.

Nagpaliwag ang comedian-actor na si Nikko Natividad sa mga ginawa n’yang pagpa-parody sa dalawang aktres na si Elisse Joson at Loisa Andalio. 

Matatandaan kasing nitong mga nakalipas na linggo ay naging sentro ng katatawanan online ang aktor dahil sa panggagaya n’ya sa dalawang naggagandahang artista. 

Una n’yang kinopya si Elisse nang magsuot s’ya ng yellow one-piece bikini at ginaya n’ya ang posing nito base sa mga ipinost nitong Instagram photos. 

“@mccoydeleon mamili ka?” hamon pa n’ya sa partner ni Elisse na si McCoy de Leon na co-member din n’ya sa boy group nilang Hashtag. “Kunwari lasing na lasing na kame ni @elissejosonn . Baket AKO ang iuuwi mo?”

Napa-comment tuloy si Elisse sa IG post n’ya at sinabing, “Gusto ko magsalita ng masasamang words [N]ikko!!!!!!!!”

Pabirong rejection naman ang inabot n’ya kay McCoy. 

“Ikaw sana [ang pipiliin] kaso nakita ko may nakatayong tissue,” sakay ng kaibigan n’yang aktor sa kanyang paandar. 

Sa ikalawang pagpa-parody n’ya kay Elisse, kinopya naman n’ya ang pagsusuot ng aktres ng one-piece animal print bikini.

“@mccoydeleon nahihirapan ka paren ba mamili samen ni @elissejosonn?” muli n’yang pangungulit sa magkasintahan sa Instagram. “Bilisan mo na mamili pagod na pagod na itlog ko sa pagkaka ipit.”

Muling sakay ni Elisse sa panibagong n’yang online paandar, “Nikko!!!!!!!!!!! Baka mamaya di na talga makapili!!!!!!”

Ang pinakahuli naman n’yang napag-trip-an ay ang aktres na si Loisa Andalio at pinarody n’ya ang pagsusuot nito ng mini black dress. 

“@iamandalioloisa isa lang ang masasabe ko. BASIC!!!!!! KAILANGAN LANG DUGUAN ANG NGUSO (@iamr2alonte tampalin moko sa muka),” caption n’ya sa ini-upload n’yang series of photos. 

Reply naman ni Loisa sa kanya sa comment section, “[K]aya nakakatakot mag maganda sa IG eh hahhahahaha wasak nanaman po ang damit ni @_cielovesyou.”

Kaya naman after ng kanyang virtual media conference matapos s’yang ipakilala bilang isa ng Viva artist kamakailan ay natanong namin si Nikko sa aming exclusive interview kung saan ba n’ya nakuha ang idea na i-parody ang sexy photos dalawang artista. 

May kung ano lang daw na pumasok sa isip n’ya habang nagso-social media at nagpapaantok. 

Una ko kasing nakita kay Elisse…’yong damit n’ya. Ngayon nagpapaantok ako, naisip ko na parang nakita ko sa bahay namin na may ganu’n [na damit] ang partner ko. Tapos tinanong ko lang sa kanya, ‘Nasaan ’yong damit mo na ganu’n?’ Tinanong n’ya, ‘Bakit?’ ‘Isusuot ko. Gagayahin ko si Ellise,’” pagbabalik-tanaw ni Nikko. 

Hindi pa nga raw ito approved sa wife n’ya noong umpisa sa takot na baka lumuwag o masira ang kanyang damit. 

Ayaw pa nga n’ya pumayag kasi masisira daw kasi masikip [sa akin], e. Nagagalit s’ya na pag pinilit ko ’yon mawawarak. Ang ipinangako ko sa kanya iingatan ko. So ’yon, ginaya ko na,” lahad pa n’ya.

Happy naman daw s’ya na maraming natuwa sa kanyang ginawang pagpa-parody. 

Nakakatuwa. Pinost nga ng kagaya n’yo, Pikapika… Natutuwa naman ’yong mga tao. Sige, try ko uli. Sunod naman kay Loisa,” natatawang sabi pa n’ya. 

Trip mga din daw sana n’yang i-parody ang sexy photos ni Julia Barretto sa movie nitong Expensive Candy. Iyon nga lang, baka tuluyan na raw silang mag-away ng asawa n’ya sa pakikialam n’ya sa mga damit nito.

Gusto ko nga sana gayahin si Julia, e. ’Yong Expensive Candy kaso baka tuluyan na akong hiwalayan [ng misis ko], e. Daring na ’yon, e,” pagtatapat ng aktor. 

Tingnan natin kung sino pa ’yong gagayahin ko. Siguro kailangn ko mag-invest. Mamimili muna ako ng mga swimwear,” seryosong pagtatapos ni Nikko. 

Samantala, showing na ang pelikula ni Julia na Expensive Candy simula ngayong araw, September 14, in cinemas nationwide.

YOU MAY ALSO LIKE:

McCoy de Leon and Elisse Joson excitedly celebate their Baby Felize’s first birthday: “Hay ang bilis ng panahon…”

McCoy de Leon at Elisse Joson, maagang nag-celebrate ng kanilang anniversary

Pika’s Pick: LoiNie couple—Loisa Andalio and Ronnie Alonte—celebrate their 67th monthsary in Dubai

Carlo Aquino, nahirapang tingnan nang may “malisya” si Julia Barretto sa Expensive Candy movie nila

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together