Trina Candaza, open sa posibilidad na magbalikan sila ni Carlo Aquino; “S’yempre hindi ko iko-close ’yung door kasi mayroon kaming anak.”


“Okey-okey na” ang description ni Trina Candaza sa estado ng relasyon nila ni Carlo Aquino although hindi niya ito mabigyan ng eksaktong kategorya dahil siya mismo ay pino-proseso pa ang mga nagaganap sa kanila. “Kapag wala siyang work or lakad, stay siya for few hours, nagba-bond sila ni Mithi and nagmo-mall din kami together, kaming family. Ayun kakain tapos dinadala niya si Mithi sa Kidzone na. Video call if busy siya or nasa work siya or nasa ibang country,” kuwento ni Trina.

Photos: @trinacandaza @niceprintphoto

“Okey-okey na” ang description ni Trina Candaza sa estado ng relasyon nila ni Carlo Aquino although hindi niya ito mabigyan ng eksaktong kategorya dahil siya mismo ay pino-proseso pa ang mga nagaganap sa kanila. “Kapag wala siyang work or lakad, stay siya for few hours, nagba-bond sila ni Mithi and nagmo-mall din kami together, kaming family. Ayun kakain tapos dinadala niya si Mithi sa Kidzone na. Video call if busy siya or nasa work siya or nasa ibang country,” kuwento ni Trina.

Sinabi ng ex-partner at ina ng anak ni Carlo Aquino na si Trina Candaza na hindi nito isinasara ang pinto sa usaping second chance o posibleng pagbabalikan nila ng aktor dahil una, may anak sila—si Enola Mithi na nagdiwang ng kanyang 2nd birthday kamakailan sa isang five-star hotel sa Mandaluyong City.

Sa isa sa kanyang latest YouTube vlog entries— called Q&A Life Update and Mini Cooking Show na in-upload last September 8—ay sinagot ni Trina ang mga tanong ng kanyang mga subscribers at ilan nga rito ay tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng tatay ng anak niya.

“Nagtanong kasi ako sa Facebook page ko at halos lahat ng comments ay ito talaga ang tanong,” natatawang panimula ni Trina sa vlog. “So, sabi ko, kailangan ko talagang sagutin ’to.”

Ang tanong ay kung ano ang status nila ngayon ni Carlo.

“Ang status namin ngayon, we’re okay naman nag-uusap kami.  Actually, ngayon lang din kami naging okay-okay na talagang nagkakausap kami and…but of course, para kay Mithi,” seryosong pagpapatuloy niya.

Dati ay hindi umano nakapapasok si Carlo sa condo unit nilang mag-ina dahil hindi pa nga sila okay noon. Pero ngayon daw ay nag-level up na dahil nakakapasok na.

“Kapag wala siyang work or lakad, stay siya for few hours, nagba-bond sila ni Mithi and nagmo-mall din kami together, kaming family.  Ayun kakain tapos dinadala niya si Mithi sa Kidzone na. Video call if busy siya or nasa work siya or nasa ibang country,” kuwento ni Trina.

Ang ikalawang tanong ng fans ay kung may chance bang magbalikan sila lalo’t nakikita pa rin naman sila in public as a family.

“Ang hirap kasing magsabi ng oo o hindi o wala kasi hindi mo naman alam kung ano ’yung mga mangyayari and ang hirap ding i-process ng mga nangyayari pa ngayon. 

“Natatanggap na pero s’yempre pino-process pa ngayon at naga-adjust pa.  So, hindi ko alam, e, s’yempre hindi ko iko-close ’yung door kasi mayroon kaming anak.”

Pero tila riding with the tide muna ang peg ni Trina.

“But I think, masaya naman na siya ngayon. At least okey na rin ‘yung ganito. At least happy lang and okey kami,” paliwanag ni Trina.

Base naman sa pagkakatanda namin sa naging sagot ni Carlo noong huli naming siyang nakapanayam ay hindi naman umano nawawala ang pagmamahal niya sa ina ng kanyang anak.

“Always, always… hindi naman nawawala kasi nanay siya ng anak ko,” sabi ng aktor sa tanong kung mahal pa ba niya si Trina.

So, baka isa sa mga araw na ito ay mababalitaan na lang natin na nagkabalikan na sina Trina at Carlo dahil sabi nga ng una, hindi niya isinasara ang pintuan para sa pagbabalikan nila.

Samantala, sa nasabing birthday party ni Mithi ay present si Carlo kaya marami silang family portraits together. At base sa buong video na napanood namin ay karga-karga ni Carlo parati ang anak.

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Carlo Aquino and Trina Candaza reunite for their Baby Mithi’s second birthday

Trina Candaza ni hindi na-mention si Carlo Aquino sa lipat-bahay vlog; mga cryptic posts, tuloy pa rin

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together