Matapos makahanap nang mas maayos na contractor, K Brosas, nakalipat na finally sa four-years-in-the-making niyang dream house


Humihingi ng pasensya si K Brosas sa kanyang mga social media followers sa pagpa-flooding niya ng post tungkol sa kanyang bagong bahay na finally, matapos ang mga pinagdaanang problema sa dating contractor, ay natapos din at nalipatan na niya. Thankful lang daw kasi s’ya dahil heto’t matitirhan na n’ya ang pinag-ipinunan at ipinagawa n’yang dream house. “Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe.. sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat Lord natapos din,” lahad ni K. 

PHOTOS: @OfficialKBrosas on Facebook

Humihingi ng pasensya si K Brosas sa kanyang mga social media followers sa pagpa-flooding niya ng post tungkol sa kanyang bagong bahay na finally, matapos ang mga pinagdaanang problema sa dating contractor, ay natapos din at nalipatan na niya. Thankful lang daw kasi s’ya dahil heto’t matitirhan na n’ya ang pinag-ipinunan at ipinagawa n’yang dream house. “Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe.. sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat Lord natapos din,” lahad ni K. 

Masaya ngayon ang comedienne-singer na si K Brosas dahil sa wakas ay nakalipat na s’ya sa ipinatayo n’yang bahay. 

Sunod-sunod ang pag-a-update ng komedya sa social media nitong nga nakalipas na araw at ibinida n’ya ang bago achievement at iyon nga ay ang pagkakaroon n’ya na ng sariling bahay. 

Unang ipinasilip ni K ang kanyang kusina sa kanyang online followers nitong September 10. 

“[W]elcome to my kitchen! waaaaahh! soon pag lipat ko this week house tour na! thank you Lord! at super thank you architect ar roald sugapong!!! aylabeeeet!” patikim ng Sing Galing/Tropang LOL host sa kanyang FB post kalakip ang photo and video na kinunan sa maliwalas n’yang kusina.

welcome to my kitchen! waaaaahh! soon pag lipat ko this week house tour na! thank you Lord! at super thank you architect ar roald sugapong!!! aylabeeeet! 🤩🥹🙏

Posted by K Brosas on Saturday, September 10, 2022

Last September 15 naman nang ipaalam n’yang nakalipat na s’ya sa bagong bahay n’ya and that day ay abala s’ya sa pagsasaayos ng interior noon. 

“[N]aka move in na officially keme! sensya na bathroom ko pa lang ang super ayos hehe.. madami pang gamit naka kalat kaya haggard.. Thank you Lord! thanks architect/contractor ROALD SUGAPONG,” pagbabahagi ni K sa post n’ya. 

Kasama sa FB post n’yang ito ang photo ng facade ng kanyang three-storey house, at ang ipinagmamalaki n’yang banyo na may bathtub. 

naka move in na officially keme! sensya na bathroom ko pa lang ang super ayos hehe.. madami pang gamit naka kalat kaya haggard.. Thank you Lord! thanks architect/contractor ROALD SUGAPONG 🥰🙏💖

Posted by K Brosas on Thursday, September 15, 2022

At nito namang September 17, humingi ng pasenya si K sa kanyang online followers dahil sunod-sunod ang pagpo-post n’ya sa social media tungkol sa kanyang new house. 

Thankful lang daw kasi s’ya dahil matapos ang mga na-encounter n’yang problema noon ay heto’t matitirhan na n’ya ang pinag-ipinunan at ipinagawa n’yang bahay. 

“Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe.. sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat Lord natapos din,” lahad ni K. 

This time, kalakip naman ng post n’ya ang photos ng kanyang living room, dining area, at kitchen. 

“[A]t last mukhang bahay na talaga hindi bodega hehe.. yung room ko na lang magulo,” pabibida pa n’ya. 

Inisa-isa n’ya ring pasalamatan ang mga supplier at mga tumulong sa kanya para maisakatuparan ang pangarap n’yang ito. 

“[T]hanks Sylpauljoyce Furniture, Lights & Decor sa aking dining set at sofa.. Laminwood DECO Corporation sa aking kitchen.. at sa aking lawyer na si atty nico valderrama na nagbigay ng painting na bumagay sa house.. aylabet!” she wrote. 

“[A]t syempre sa aking architect at contractor na si roald sugapong salamat sa lahat, highly recommend ko sha sa inyo infer! house tour video vlog soon hehe.. habanaysdey! Lablablab!” pagtatapos ni K.

Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe.. sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat…

Posted by K Brosas on Friday, September 16, 2022

Matatandaan na noong September 2021 ay nagsampa ng reklamo si K laban sa taong kinontrata n’ya sa pagpapatayo ng kanyang dream house.

Noong 2018 pa kasi n’ya sinimulang ipatayo ang nasabing bahay sa pag-aakalang malilipatan nila ito by 2019. 

Nasa 7M na rin umano ang naibayad n’ya para dito mula sa kanyang ipon mula sa pag-aartista. 

Pero huli na nang malaman n’ya na nasa 35% pa lang ang nagagawa sa bahay ay inabandona na ito ng nasabing contractor.

Dahil sa nangyari ay nag-back to zero sa pag-iipon si K. 

Wala pa s’yang update sa isinampa n’yang reklamo. Pero nagbunga ang pagsisipag n’ya dahil heto’t natupad rin ng pangarap n’ya na magkaroon ng sariling bahay sa tulong nang mas maayos na arkitekto at contractor.

Congratulations, K!

YOU MAY ALSO LIKE:

K Brosas, gumawa ng “huling habilin” video nang magka-COVID

The Butcher | Next possible move for K Brosas

Ethel Booba and K Brosas hit the road with morning tsikahan in Lakwatsika

K Brosas, nagtamo ng sugat at pasa matapos silang maaksidente ni Pokwang sa US

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together