Direk Gina Alajar, natatalinuhan kay Bea Alonzo; nakukulitan naman kay Alden Richards


“Napakatalino na bata” ang description ni Ms. Gina Alajar kay Bea Alonzo. “I didn’t expect her to be like that. I didn’t expect her to talk about anything. Minsan ako pa ang natututo.” Si Alden Richards naman daw ay mabait pa rin pero mas kumulit lang. “Mas reserved siya before. Ngayon, parang bata,” natawang sabi niya. Parang kiti-kiti na kung sino-sino ang kinakausap. Basta nakukulitan ako sa kanya. Pero kulit na in a good way, ha. Kasi, lagi siyang bubbly. “Paglabas niya ng dressing room niya, he’s prepared to work and lagi siyang on the go. Para bang laging maganda ang gising niya sa umaga.”

Photos: @ginalajar @bealaonzo @aldenrichards02

“Napakatalino na bata” ang description ni Ms. Gina Alajar kay Bea Alonzo. “I didn’t expect her to be like that. I didn’t expect her to talk about anything. Minsan ako pa ang natututo.” Si Alden Richards naman daw ay mabait pa rin pero mas kumulit lang. “Mas reserved siya before. Ngayon, parang bata,” natawang sabi niya. Parang kiti-kiti na kung sino-sino ang kinakausap. Basta nakukulitan ako sa kanya. Pero kulit na in a good way, ha. Kasi, lagi siyang bubbly. “Paglabas niya ng dressing room niya, he’s prepared to work and lagi siyang on the go. Para bang laging maganda ang gising niya sa umaga.”

Napaka-importante ng karakter na ginagampanan ng multi-awarded actress/director na si Gina Alajar sa bagong GMA Telebabad show na Start-Up PH bilang si Lola Joy.

Siya kasi ang madalas na ka-eksena ng dalawang bida—ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ang New Generation Movie Queen na si Bea Alonzo—sa kabuuan ng Pinoy adaptation na ito ng hit Korean drama.

Kung unang pagkakataon ni Direk Gina na makasama si Bea, ilang beses naman nang naka-trabaho at naidirek ni Direk Gina si Alden sa ilang programa ng Kapuso.

Kinumusta namin siya kung na-meet ba ng expectations niya ang Bea-Alden tandem ngayong nakasama na niya ang dalawa at kung may mga bago ba siyang discoveries sa mga ito.

“With Bea, first time ko siyang naka-trabaho at first time ko rin siyang na-meet,” panimula ng premyadong aktres.

“Siguro kung hindi siya lumipat, I wouldn’t have the chance to work with her. Pero, I was surprised kasi, napakabait na bata. 

“Ang ganda-ganda ng pagpapalaki ng magulang niya. I want to commend, I want to congratulate the parents. And to the mother, she’s very, very close to her mother at sa magandang pagpapalaki sa bata.

“She’s very intelligent,” pagpapatuloy niya about Bea. “Alam niya kung paano patakbuhin ang buhay niya. Alam niya kung ano ang gusto niya. Diretso ang pag-iisip niya.

“May mga plano siya sa buhay niya and alam niya on how to get it. Alam niya kung ano ang dapat gawin sa buhay niya.”

Nanggaling din kay Direk Gina na mukhang wala pang plano si Bea at ang boyfriend nito na si Dominic Roque na magpakasal na.

“Matagal pa bago siya magpakasal pero I don’t know lang ha… but she’s so in-love, e. 

“Pero sa mga k’wentuhan namin, marami pa siyang gustong magawa. Marami pa siyang gustong gawing pelikula. She writes so, gusto niyang magsulat. Siguro, eventually one of these days, baka makita natin siyang magdidirek. Baka nasa plano niya ‘yan.

“Napakatalino na bata.”

Hindi raw niya inaasahan na gano’n pala si Bea.

“I didn’t expect her to be like that. I didn’t expect her to talk about anything. Minsan ako pa ang natututo.”

Pag dating naman sa pagiging aktres ni Bea, wala  daw siyang duda sa husay nito. Halos karamihan daw ng pelikula ni Bea ay napanood niya.

Galing na galing si Direk Gina kay Bea sa pelikula nitong Four Sisters and a Wedding. At napakahusay rin daw mag-memorize.

“Kapag ka-eksena ko siya, ramdam. Hindi naman kami nag-uusap, pero ramdam. Habang nagre-rehearse kami, ramdam ko na kung ano ang emosyon.

“Ako, I’m very much surprised sa character niya as a person. Napakabait na bata. She come to the set prepared. She come to the set early.”

Si Alden naman, nakasama na niya noong Tween Hearts days pa. Nagkasama rin sila sa Alaala at naidirek din niya ito sa Magpakailanman nang gawin ang buhay nito.

“Mabait naman siya noon pa,” k’wento niya about Alden.

Tinanong namin si Direk Gina kung hindi ba niya napansin kung nagbago ito kahit papaano.

“Mas naging makulit lang,” bulalas niya.

“Kung meron man pagbabago sa kanya, dati kasi, hindi naman siya gano’n kakulit. Mas reserved siya before.

“Pero ngayon, parang bata,” natawang sabi niya.

“Parang bata na he jokes with everyone. Parang kiti-kiti na kung sino-sino ang kinakausap. Basta nakukulitan ako sa kanya. Pero kulit na in a good way, ha. Kasi, lagi siyang bubbly. Hindi mo makikitaan kung meron man siyang problema o dinadala, hindi mo makikita ’yon sa kanya.

“Paglabas niya ng dressing room niya, he’s prepared to work and lagi siyang on the go. Para bang laging maganda ang gising niya sa umaga.” 

Naikumpara pa niya si Alden, ang “Good Boy” ng Start Up PH, sa taong nasobrahan sa kape. 

“E, ’di ba, minsan may gising tayong hindi maganda. Pero siya, para bang naka-limang espresso, parang gano’n.”

Katulad din daw ni Bea, rehearsal pa lang, ramdam na ramdam na niya si Alden. Lalo pa nga’t marami silang eksenang dalawa.

Dugtong din niya, “Ang galing-galing niya.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together