Pinay skin-care expert na si Olivia Quido, muling nag-renew ng partnership with Miss Universe Organization for another three years
Maraming ginulat ang nakaraang anunsyo ng Miss Universe Organization (MUO) na pinapayagan na nilang sumali ang mga married women at single mother simula sa taong 2023 o sa 72 nd edition ng Miss Uiniverse. Matatandaang mula edad 18-28 years old lang at never na nagkaroon ng anak ang mga pinapayagang makasali sa Miss Universe noon. Kaya sa bagong anunsyong ito ng MUO ay maraming natuwang married women at single mothers dahil may chance na silang matupad ang kanilang pangarap na maging beauty queen someday. Isa ito sa paksang naitanong sa kilalang US-based Filipina skin expert na si Ms. Olivia Quido, CEO at Founder O Skin Care and Medspa na four years ng official beauty partner ng Miss Universe Organization. Saglit kasing dumalaw sa Pilipinas si Ms. Olivia para sa isang sa special event ng O Skin na tinawag na Beauty Day. Ginanap ito sa EDSA Shangri-La Hotel kamakailan. At doon, nabanggit ni Ms. O na kumporme siya sa desisyong ito ng MUO. “For me, it’s okay because you’re givi...