Billy Crawford, buong linggo nang mapapanood sa TV sa magka-ibang network; “Hindi ko mapaliwanag kung ano ’yong pakiramdam. It feels unfair but it feels like a blessing.”


Ang The Wall Philippines ang nagbigay-daan para makabalik sa Kapuso Network si Billy Crawford after 15 long years. Matatandaang dito siya nagsimula sa kanyang showbiz career as a child performer noon sa That’s Entertainment.

PHOTOS: @billycrawford on Instagram

Ang The Wall Philippines ang nagbigay-daan para makabalik sa Kapuso Network si Billy Crawford after 15 long years. Matatandaang dito siya nagsimula sa kanyang showbiz career as a child performer noon sa That’s Entertainment.

Feeling blessed ngayon ang singer-actor and TV host na si Billy Crawford dahil nagbabalik for its second season ang game show n’yang The Wall Philippines na mapapanood this time sa GMA-7.

Ito na rin ang hudyat ng pagbabalik n’ya after 15 long years sa Kapuso network kung saan s’ya nagsimula bilang child performer noon sa That’s Entertainment.

Masasabing naging advantage ni Billy ang pagiging Viva contract artist na p’wedeng umikot at makapagtrabaho sa mga TV stations kaya naman feeling extra blessed s’ya ngayon. 

Maliban kasi sa upcoming Sunday game show n’ya, na co-produced ng GMA Network and Viva TV, ay mananatili pa rin s’yang co-host sa noontime program na Tropang LOL ng Brightlight Productions na napapanood naman every Mondays to Saturdays sa TV5 at A2Z.

Ibig sabihin, everyday s’yang mapapanood on TV sa magkakaibang channels at hindi uso ang network war sa kanya.

Sobrang nagpapasalamat ako sa blessing na I still have Tropang LOL sa Kapatid [network]. Pero nandito pa rin ang GMA to put me inside somehow, working with Viva,” pahayag ni Billy nang kumustahin s’ya ng entertainment press during the virtual media conference para sa game show n’ya last August 23. 

“It’s unexplainable, e. Hindi ko mapaliwanag kung ano ’yong pakiramdam. It feels unfair but it feels like a blessing. So, you just have to accept our blessings and thank God.”

However, hindi naman daw madali ang lahat for him dahil kahit he’s been doing hosting jobs for years ay nakaka-encounter pa rin s’ya ng challenges. 

Sa lahat naman ng trabaho, in any show, ang pinakamahirap lang talaga is adjusting. And ’yong adjustment period namin, ’yong unang araw namin dito sa The Wall [Philippines] natapos kami ng almost 5AM,” pag-amin n’ya.

“You know, lahat…everyone works so hard to make this work. At first maninibago nang maninibago ang mga tao. At the end of the day, we felt at home and we felt welcomed. And we feel na sobrang saya namin.”

Dahil dito ay natanong pa ng press people si Billy kung may particular hosting skills ba s’ya na kailangang ipakita dahil kahit paano ay iba pa rin ang pagho-host sa game show kumpara sa variety show. 

Napa-throwback naman nang slight ang international performer at inalala ang mga trainings na dinaanan n’ya noon bago n’ya narating ang kinalalagyan n’ya ngayon. 

“It’s always a new experience sa show kasi iba na ’yong maglalaro, iba na ’yong mga kasama mo. There’s still a getting to know period. Pero ako kasi, I try to love and enjoy what I do. And I’m given, actually, the opportunity na kilalanin pa ang mga contestants especially sa game shows like this,” paglalarawan n’ya.

Sa puntong ito n’ya binigyan credit ang mga naging trainers n’ya noon na nakatulong sa kanya nang malaki when it comes to hosting. 

“Guided na ako, honestly, ni Direk Bobet [Vidanes]. From the time na lumipat din ako sa ABS [CBN] to TV5 puro reality shows and game shows ang hinahawakan ni Direk Bobet. And he molded me into being host…sina Tito Boy Abunda, even Bossing [Vic Sotto], even Luis Manzano,” lahad ni Billy. 

Lahat sila tinuruan ako, alam mo ’yon, one after the other so I tried to put everything in one and in every show I do I tried to find kung ano ’yong magma-match, kung kailangan ba mataas ’yong energy, kailangan ba galawgaw, kengkoy ba ako dito o kailangan ba seryoso ako dito. Pinag-aaralan din naman lahat ng ginagawang trabaho,” dugtong pa n’ya. 

At ngayong mapapanood na s’ya araw-araw sa magka-ibang channel, hiling n’ya na manumbalik sa dati ang viewing habit ng pamilyang Pilipino. Nabago na kasi ang landscape ng panonood ng telebisyon dahil sa pagkakaroon ng social media at mga streaming platforms. 

Sana maulit uli ’yong habit ng mga Pinoy na manood ulit [ng TV] kasama ng buong pamilya. Kahit ano namang programa na panoorin nila sana mag-enjoy lang sila sa mga content na pino-produce, katulad ng sa GMA,” pagtatapos ni Billy.

Mapapanood ang Season 2 ng The Wall Philippines with Billy Crawford simula ngayong August 28 sa GMA Network.

YOU MAY ALSO LIKE:

Billy Crawford and Coleen Garcia reveal plan of migrating to another country after ABS-CBN shutdown: “It was a lot of depressing moments.”

Billy Crawford opted to look at his blessings amidst problems brought about by the COVID-19 pandemic

Pika’s Pick: Billy Crawford and Coleen Garcia’s “beautiful baby boy” Amari turns 1!

Pag-a-unfollow nina Vice Ganda at Billy Crawford sa isa’t isa sa Instagram, matagal na

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together