Direk Darryl Yap eyes February 25, 2023 as screening date of his Maid in Malacañang prequel, Martyr or Murderer (MoM)
May patikim na detalye na ang writer-director and content creator na si Darryl Yap sa release date ng pelikulang Martyr or Murderer (MoM), ang prequel movie ng Maid in Malacañang (MiM).
Sinagot kasi n’ya ang ten most common questions sa kanya ng mga fans sa kanyang Facebook post kagabi. Nangunguna na nga rito kung kelan ba ilalabas ang inaantabayanan nang Martyr or Murderer o MoM.
Ang MoM umano ang isa tatlong istorya na ipinitch ni Direk Darryl sa mga boss ng Viva nang ilatag n’ya ang kuwento ng Maid in Malacañang. Trilogy daw kasi talaga ang plano niya.
Kung ang MiM ay tungkol sa last 72 hours in power ng mga Marcos bago sila napatalsik sa palasyo noong 1986, iikot naman daw trma ng MoM sa assassination ni late Senator Ninoy Aquino noong umuwi s’ya sa bansa taong 1983 matapos ang kanyang three-year exile sa Amerika.
(Ang isa pang kuwento ay ang Mabuhay aloha Mabuhay (MaM) na tungkol naman sa naging buhay ng mga Marcos during their exile in Hawaii hanggang sa makabalik sila sa Pilipinas.)
Maraming netizens ang agad na naintriga dito at nangungulit kay Direk Darryl kung kailan ba n’ya gagawin ang MoM. Ito ay kahit na kaka-showing pa lang sa sinehan ng Maid in Malacañang.
Naging vocal din kasi s’ya sa pagsabing tina-target n’yang makuhang artista si Jerome Ponce para gumanap na batang Ninoy kaya’t ganu’n lang ang kasabik ang mga manonood.
Dahil naging makulit ang mga fans, nakiusap si Direk Darryl na huwag na munang mag-demand ng kung ano-ano sa kasunod na pelikula at suportahan na lang muna ang Maid in Malacañang.
“[I] just saw this online petition for #MoM to be shown on September for the Martial Law Anniv. Kalma Tayo. [S]howing pa yung part 1,” panawagan n’ya.
i just saw this online petition for #MoM to be shown on September for the Martial Law Anniv. Kalma Tayo. showing pa yung part 1.
Posted by Darryl Yap on Tuesday, August 9, 2022
At kagabi nga, nag-share ng konting detalye ang director. Tina-target umano n’yang mai-release ang prequel movie sa anniversary ng People Power Revolution next year.
“Yes, if the universe conspire (sic), it is to be released February 25, 2023,” pagbabahagi n’ya.
Aside kasi sa MoM ay may tatlo pa daw s’yang movie projects na nakalatag sa ngayon na nakatakda rin umanong ipalabas sa mga sinehan.
Nasa kasunduan daw nila ng mga boss ng Viva na kailangan n’yang matapos ang isa sa mga nakalinyang pelikula bago n’ya p’wedeng simulan ang paggawa sa MoM.
“I have 3 approved projects, Viva decides what I’ll do next… ‘Biglang Rich Bisaya,’ ‘Ang Huling Japayuki,’ at ‘SeoulMeyt.’ [A]fter doing one of these, saka lang ako makakapag #MoM,” pagtatapos ni Direk Darryl.
At present ay showing pa rin sa mga sinehan ang blockbuster movie n’yang Maid in Malacañang na kumita na nang mahigit P330 million to date.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment