Agot Isidro, may patama sa mga pulitikong “wala naman ginagawa kundi ang pumarty”: “Sarap kutusan.”
-feature.jpg?v=1661419223)
PHOTO: @agotisidro on Instagram
Bagama’t walang binanggit na pangalan si Agot, mukhang gets na agad ng kanyang online followers and supporters kung sino-sino ba ang kanyang pinatatamaan.
Nagpasaring ang seasoned actress at proud Kakampink na si Agot Isidro sa mga pulitiko na mas inuuna umano ang pagpa-party.
Sa kanyang kasing Twitter post kamakailan, tila frustrated ang aktres sa mga public servants na hindi umano ginagawa ang kanilang trabaho at nakukuha pang magdaos ng mga handaan at kasayahan.
Ito ay sa kabila nang kabi-kabilang problema ng bayan na nangangailangan nang agarang solusyon kagaya ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin.
“Sarap kutusan yung mga politikong madalas sabihin ang mga katagang ‘dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya’, pero wala naman ginagawa kundi ang pumarty,” pahayag ni Agot sa kanyang tweet last August 22.
Sarap kutusan yung mga politikong madalas sabihin ang mga katagang “dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya”, pero wala naman ginagawa kundi ang pumarty.
— Agot Isidro (@agot_isidro) August 22, 2022
Bagama’t wala s’yang binanggit na pangalan, mukhang gets na agad ng kanyang online followers and supporters kung sino-sino ba ang kanyang pinatatamaan.
Matatandaan na binatikos ng ilang netizens ang naging gathering para sa 50th birthday celebration ni Senator Sonny Angara na dinaluhan ng ilang senador at ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).
Singing during the 50th Birthday of my dear Friend and Seatmate Sen. Sonny Angara! Kasama din namin halos lahat ng Senador and possibly one of the COOLEST Presidents ever!! President Bongbong Marcos ay sumama sa gitna ng kanta! Super Game at super Cool! Maraming Salamat PBBM at Happy Birthday muli Sen. Sonny Angara!
Posted by Senator Migz Zubiri on Saturday, August 6, 2022
Nitong August 21, isang araw bago mag-tweet si Agot, ay ang first family and their friends naman ang nagkaroon ng party para i-celebrate ang birthday ni First Lady Liza Araneta Marcos.
Nag-tweet pa ng tribute si PBBM para sa kanyang birthday celebrant wife.
“To my beloved wife, words have already been said as to how valuable she is as a person and how remarkable she really is. Sometimes its really hard to believe that she did me a favor of marrying me,” pahayag n’ya sa kanyang Twitter post.
BBM VLOG 223: Surprising Liza
To my beloved wife, words have already been said as to how valuable she is as a person and how remarkable she really is. Sometimes its really hard to believe that she did me a favor of marrying me.
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) August 22, 2022
Bagama’t maraming netizens ang bumati sa Unang Ginang, meron ding mga nagpahayag ng negatibong reaksyon hinggil dito.
“Purpo Party. Taas ng Presyo ng asukal. Party. Taas ng presyo ng langis party. What a weak and insensitive leader,” dismayadong saad ng isang netizen sa kanyang tweet.
Purpo Party. Taas ng Presyo ng asukal. Party. Taas ng presyo ng langis party. What a weak and insensitive leader.
— Trolly Aguitar (@TrollyAguitar) August 22, 2022
Presyo din ng bilihin, partikular na ang sibuyas, ang panawagan naman ng isa pa.
“Sir ang mahal ng puting sibuyas pa help naman,” anito.
Sir ang mahal ng puting sibuyas pa help naman
— cgps (@cgpscgpscgps) August 22, 2022
Pinuna rin ng isa pa ang sunod-sunod na pag-attend ng pangulo sa mga kasiyahan.
“Ngayon lang ako nakakita na Ang Pangulo palaging nasa party,” aniya.
Ngayon lang ako nakakita na Ang Pangulo palaging nasa party
— TroPa Laban sa Kasinungalingan (@BlogRonald) August 22, 2022
YOU MAY ALSO LIKE:
Panawagan ni Angel Locsin sa mga kapwa niya Kakampink: “Piliin pa rin natin ang Pilipinas.”
Bianca Gonzalez sa mga nadismayang Kakampinks: “Hindi ako nag ‘change sides’….”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment