Pinay skin-care expert na si Olivia Quido, muling nag-renew ng partnership with Miss Universe Organization for another three years

Maraming ginulat ang nakaraang anunsyo ng Miss Universe Organization (MUO) na pinapayagan na nilang sumali ang mga married women at single mother simula sa taong 2023 o sa 72nd edition ng Miss Uiniverse.

Matatandaang mula edad 18-28 years old lang at never na nagkaroon ng anak ang mga pinapayagang makasali sa Miss Universe noon.

Kaya sa bagong anunsyong ito ng MUO ay maraming natuwang married women at single mothers dahil may chance na silang matupad ang kanilang pangarap na maging beauty queen someday.

Isa ito sa paksang naitanong sa kilalang US-based Filipina skin expert na si Ms. Olivia Quido, CEO at Founder O Skin Care and Medspa na four years ng official beauty partner ng Miss Universe Organization.

Saglit kasing dumalaw sa Pilipinas si Ms. Olivia para sa isang sa special event ng O Skin na tinawag na Beauty Day. Ginanap ito sa EDSA Shangri-La Hotel kamakailan.

At doon, nabanggit ni Ms. O na kumporme siya sa desisyong ito ng MUO.

“For me, it’s okay because you’re giving opportunity to those who wish to join but already have children. Now they have the chance. I think, it’s more of an equality and an opportunity, pantay-pantay.”

Pero may mga nagdududa kung kakayanin ba ng mga may asawa na at ng mga single moms ang hectic na schedule para sa nasabing beauty pageant.

Katwiran ni Ms. O ay walang imposible kung talagang pursigidong maabot ang pangarap.

“There are lots of women who are wishing to become a beauty queen, so I think giving them the opportunity na kahit married at may anak na is a beautiful thing,” pagra-rationalize niya.

“I’ve also met women of that age [bracket] who wanted to join but got pregnant. Ako, I’m okay with that [new rule]. Gusto ko silang mabigyan ng chance to be on that stage and showcase their beauty and talent globally.”

Samantala, muling na-renew, for another three years si Ms. O sa kanyang partnership with the Miss Universe Organization. Kaya or the next three years ay siya pa rin ang magpo-provide ng skin care sa lahat ng mga kandidata during the Miss U season.

“I’m on my 4th year na, nagsimula akong maging partner nila noong 2019 and every three years ang renewal,” pagbabalik-tanaw niya.

Samantala, sa nakaraang Beauty Day in Manila, dumalo ang mga VIP friends and customers ni Ms. O na excited muling makita nang personal ang beauty expert dahil parati na lang sa Zoom o kaya ay Facebook Live sila nagkaka-kumustahan.

Sa tsikahan ay naibahagi ni Ms. Olivia kung ano ang mga struggles niya noong nagsisimula palang siyang as an aesthetician sa Amerika noong 2003.

“’Yung bangko [seat] nakadikit sa wall, ’yung feet ng client nakadikit sa wall. So, you can imagine the size of the place ko for five years. We can only sit face to face at parang halos mag-kakabanggaan talaga ’yung tuhod namin pag nakaupo,” she shared.

“So, I’m very grateful to the Lord for giving me this opportunity and blessings. When you pray and say to the Lord all the desires of your heart and trust in Him, blessings will truly pour,” patuloy ni Ms O.

Dagdag pa niya, namamahagi raw siya ng flyers noon para makilala at makakuha ng customers.

“About 50 flyers na nailagay ko, walang tumawag. Sa 100 (flyers) naman, meron isang tumawag kaya talagang ginawa ko ang lahat at may masahe pa kasi natuwa ako may isang pumunta,” sambit ni Ms. Olivia.

Taon 2007 naman nang magsimula siyang magkaroon ng Medspa pero kailangan daw muna niyang pag-aralan ito.

“Nag-aral rin ako paano gumawa ng nails but every time our topic is skin care, super excited ako that’s why from cosmetology, I went to skincare alone. It was 2012 when I started my second branch and then I started a TV show on The Filipino Channel called Beauty By O. It was a five-minute segment about beauty, the latest technology and the latest beauty treatment. The show was also featured on Balitang Amerika and on Rated-K.”

Bukod sa skin-care services, nakaag-develop na rin ng sariling mga skin-care products si Ms. O at marami doon ay na-feature na sa iba’t ibang sikat na fashion and beauty and lifestyle magazines.

In fact, maging sa Forbes Magazine ay na-feature na ang naging popular na produkto niyang Secret Gold, ang mask na infused with 24K gold.

Naimbitahan na rin siya noong 2017 sa 46th Emmy Awards Academy Lounge Gifting Suite event kung saan nagkaroon siya ng chance na mas mai-promote ang kanyang mga produkto.

Kabilang sa mga Hollywood celebrities na naging client niya sa kanyang LA clinic ay sina American R&B singer Patti Austin at anak ni Michael Jackson na si Prince.

“Si Prince Jackson doon s’ya nag-celebrate ng birthday sa spa,” banggit ni Ms. Olivia.

Samantala, busy as a bee si Ms. O dahil bukod sa pakikipag-reunion sa pamilya niya rito sa Pilipinas na ilang taong din hindi niya nakita dahil sa pandemya ay kinailangan niyang lumipad ng Bangkok noong Agosto 19 dahil naimbita siya ng Miss Universe Thailand para sa isang dinner at makilala na rin ang kanilang mga kandidata doon.

Sa Setyembre ay sa Ecuador naman siya papunta para para sa product promotion sa Latin America market.

“I just came from Paraguay because a department store there opened a door for us na magiging headquarters to reach Latin countries,” masayang kuwento nito.

Makakapanayam naman siya ng King of Talk na si Boy Abunda para sa Private Conversations with Boy Abunda na gaganapin sa New York City, USA sa Setyembre 23. Inimbitahan din niya si Miss Universe 2021 Harnaaz Saur Kandhu of India for a reunion.

Sa Oktubre ay patungo naman siya ng Dubai. Marami na rin daw kasing intresado doon sa mga produkto niyang pampaganda ng kutis kaya’t ilalatag niya ang mga ito doon.

“I am really, really thankful to the Lord for the wonderful blessings and the opportunity to be with Miss Universe in providing skin care for the beautiful ladies around the world,” sambit ni Ms. Olivia Quido.

Samantala, wala pa raw siyang idea kung saang bansa gaganapin ang next Miss Universe pageant.

“Wala pang place but I’ll be flying with them wherever they go,” assured na sagot niya. “This is my fourth year as the official skin-care partner of Miss Universe.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together