“Apo” ni Phoemela Baranda na si Crystal Paras, Kapuso recording artist na


Hindi man nagtagal sa StarStruck si Crystal Paras noong 2019, naging sunud-sunod naman ang mga naging projects niya sa TV. Nakasama siya sa teleserye na Love Of My Life at The Lost Recipe. Na-cast din siya sa BL (Boys Love) series na Boys Lockdown. Nakapag-guest din siya sa Pepito Manaloto at Daig Kayo Ng Lola Ko.

Photos: @crystalparas

Hindi man nagtagal sa StarStruck si Crystal Paras noong 2019, naging sunud-sunod naman ang mga naging projects niya sa TV. Nakasama siya sa teleserye na Love Of My Life at The Lost Recipe. Na-cast din siya sa BL (Boys Love) series na Boys Lockdown. Nakapag-guest din siya sa Pepito Manaloto at Daig Kayo Ng Lola Ko.

Masayang-masaya ang Kapuso singer-actress na si Crystal Paras dahil sa pag-launch ng kanyang single titled “Hintay” under GMA Playlist.

Si Rina Mercado ang nag-compose ng song at noong marinig ito ni Crystal ay agad siyang naka-relate sa mensahe nito.

“I’m really glad that GMA Playlist family made this as collaborative as possible. They gave me a chance to give a part of myself to the song.

“‘Hintay’ is a soft pop ballad that speaks about love and waiting,” patuloy niya. “I can relate to it because it encourages me to not hesitate telling someone about my feelings, being straightforward with what I want. Walang paligoy-ligoy ’yung meaning ng kanta. The melody is catchy.

“I hope many will get to relate to it dahil sobrang ganda ng kanta, may kilig talaga. ‘Yun ‘yung nararamdaman ko talaga and I hope they feel the same way,” pahayag ni Crystal sa naganap na Zoom mediacom kamakailan.

Excited rin si Crystal na ma-promote ang kanyang single sa mga regional shows ng GMA. Dasal din niya na ma-share ang kanyang music sa ilang Filipinos abroad via GMA Pinoy TV. 

Naging contestant si Crystal ng reality artista-search ng GMA na StarStruck Season 7 noong 2019 kunsaan ang tinanghal na winners ay sina Kim de Leon at Shayne Sava.

Hindi raw masyadong naipakita ni Crystal ang kanyang kakayahan sa pag-awit at pag-arte dahil siya ang unang na-eliminate sa contest.

“Yun ang hindi ko nagawa because I was the first to be eliminated. Hindi ko na po inabot ‘yung ibang challenges ng StarStruck tulad ng singing, dancing and acting. But I have no regrets in joining StarStruck. I was able to make new friends and it opened doors for big opportunities in this business.”

Bata palang daw si Crystal ay exposed na siya sa performing arts kaya naman hindi talaga naiwasang dito din siya nag-gravitate kalaunan.

“Bata pa lang kasi ako, exposed na tayo sa theater because my mom is a theater actress. Kaya nakahiligan ko na rin ang mga nakikita ko sa kanya noon. Acting is one of them kaya sumali ako sa ilang theater groups like Repertory Philippines and PETA where I was able to be part of the musical Rak of Aegis in 2018. 

“Sumali rin po ako sa contest ng Eat Bulaga na Music Hero: The Vocal Battle. And through that, it led me to audition for StarStruck.”

Hindi man nagtagal sa StarStruck si Crystal, naging sunud-sunod naman ang mga projects niya sa TV. Nakasama siya sa teleserye na Love Of My Life at The Lost Recipe. Na-cast din siya sa BL (Boys Love) series na Boys Lockdown. Nakapag-guest din siya sa Pepito Manaloto at Daig Kayo Ng Lola Ko.

Sa mga hindi nakakaalam, lola ni Crystal ang 41-year old TV host and former model na si Phoemela Baranda

Sa isang naging interview ni Crystal, pinaliwanag niya kung paano niya naging lola si Phoemela.

“Lola ko po talaga siya. But I call her Tita Phoem. She is the sister of my grandfather, which is my mom’s dad. She’s the youngest sa magkakapatid. 

“Kaya lola ko po siya in real life. Marami nga pong hindi makapaniwala dahil she’s still young at hindi mukhang lola. That’s why I call her my beautiful Tita Phoem.”

Anyway, available for streaming and downloading on iTunes, Apple Music, YouTube Music, and Spotify ang single ni Crystal na “Hintay.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together