Sawsawerang si RR Enriquez, bumawi kay Jane de Leon


Inihalingtulad ni RR Enriquez si Jane de Leon kay Gal Gadot na gumanap namang Wonder Woman sa Hollywood. “Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (wonder woman in her) Hindi din sya pa super sexy di ba? So, that’s what I saw with Jane.. Pinatunayan nya na hindi kailangan maging super pa-sexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body.”

Photos: @rr.enriquez / @imjanedeleon

Inihalingtulad ni RR Enriquez si Jane de Leon kay Gal Gadot na gumanap namang Wonder Woman sa Hollywood. “Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (wonder woman in her) Hindi din sya pa super sexy di ba? So, that’s what I saw with Jane.. Pinatunayan nya na hindi kailangan maging super pa-sexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body.”

Isa si RR Enriquez, dating Wowowee co-host ni Willie Revillame sa ABS-CBN na ngayo’y negosyante na, sa mga hindi pumabor noon sa pagkakapili kay Jane de Leon bilang Darna.

Ani RR, na isang self-proclaimed sawsawera, bland umano si Jane for the role. Aniya sa kanyang now-deleted Instagram post, base umano sa napanood niyang trailer ng Darna ay hindi niya raw nakitaan ng oozing se appeal ang dalaga kumpara sa mga naunang Darna. Sa tingin nga niya ay kinabog pa ito ni Iza Calzado na gumanap bilang unang Darna sa show na siyang nagpasa ng bato kay Jane.

Pero sa kanyang latest sawsaw post, may konting bawi na si RR kay Jane matapos niyang mapanood ang mga naglipanang videos ng Darna sa social media.

Sa caption niya sa kanyang inirepost na poster ng Darna, sinabi n iyang muli siyang makikisawsaw dahil marami raw nag-aabang ng follow up sa kanyang naunang observation post, na incidentally ay hindi naman daw nangangahulugan na hate na siya.

“Agang sawsaw. Kagabi ko pa ito kinompose kaso nakatulog ako kakaisip ng isusulat. Gravity ‘yung effect ng comment ko as a SawsaweRRa Queen kay Darna. Dami nag aabang ng comment ko.

“’Yung iba talagang mahina lang ang IQ na akala mo once you gave your opinion or comments akala nila hater ka na. But anyways since some of you wants me to sawsaw kahit busy ako sa vacation gogogo.”

Aniya, base nga sa mga bagong videos na napanood niya ay sexy naman daw pala si Jane bagama’t hindi pa rin ito ang “oozing” kind na ine-expect niya.

“Infairness sexy po s’ya, pinanood ko din ‘yung video pero mga clips pa lang. Sexy po ng dating nya but not oozing… (Good criticism ito ha)

“I think what I will say next is still a compliment.”

Para sa kanya, mala-Gal Gadot daw ang peg nito na inosente ang dating.

“Hindi sya yung tipo na pag nanasaan mo dahil napaka-inosente ng dating nya

“Hindi katulad ng dating nila Angel and Marian na pagnanasaan mo agad. Yung makakaubos ka ng madaming tissue CHAROT.

“Parang gets ko na why she was chosen as Darna.

“Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (wonder woman in her) Hindi din sya pa super sexy di ba?

“So, that’s what I saw with Jane.. Pinatunayan nya na hindi kailangan maging super pa-sexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body.

“Siguro nasanay kasi ako na kapag Darna pina-fantasize agad (marami kasing maniac sa Pinas isa na ako dun) CHAROT.

“But sa character na nakita ko parang na-gets ko na they wanted to show us na hindi lang pang sex symbol, sexy fantasize si new Darna. You can love her and focused on her other characteristics…. A strong define classy young empowered DARNA!”

Obserba pa niya, kumpara raw sa past Darnas, hindi daw catering to the male fantasies ang pagkaka-package kay Jane.

“One thing, I noticed also pina-package s’ya as Darna pero hindi pang FHM or Maxim or Playboy where people can fantasize you.. Pansinin n’yo Metro Mag sy’a lumabas because her beauty is not for any sexy magazine… Pang high class packaging🥰

“Maganda po ang packaging n’ya so gets ko na po si ABS CBN

“So ayun po congrats Jane! You nailed it.”

Sa huli ay binakan naman niya ang mga tumuligsa sa kanya matapos niyang ihain ang una niyang komento kay Jane.

“Yung mga low IQ and mahina ang reading comprehension at hindi marunong umintindi ng honest opinion, constructive criticism sa bashing and hating lang, please mag aral kayo mabuti. Sayang ang tuition fee CHAROT.

“PS. Again my sawsaw is not to bash people and not to sugarcoat. I want to give my honest opinion and to #SawsawWithAHeart so bare with me.”

Pa-baklang dagdag pa niya:  “Thank you also everyone for all the positive comments that I get as a Sawsawerra Queen.  In a world full of hating, bashing, pretentious people, fake it till you make it society let’s be the #SawSaweRRaWithAHeart I thank you.”

YOU MAY ALSO LIKE:

RR Enriquez, nakukulangan ng dating kay Jane de Leon as Darna; “Parang mas panalo pa si Iza Calzado… Nasapawan talaga.”

Marcos supporter RR Enriquez, tutol na ipangalan kay former President Macoy ang NAIA; “It will only divide us.”

RR Enriquez, binanatan si Dawn Chang para depensahan si Toni Gonzaga: “So ikaw pwede mag-make stand? Si Toni hindi? So yung paniniwala mo lang ang importante? Yung paniniwala ni Toni hindi?”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together