Bianca King, muntik nang magpa-in vitro; but got pregnant the natural way

PHOTOS: @bianca_king on Instagram
Dahil kapwa na sila in their mid-thirties nang lumagay sa tahimik, hindi umano naging madali sa kanila ang naging pregnancy journey nila. Umabot pa umano sa puntong sa nawalan na s’ya ng pag-asawa sa natural method at binalak nang sumailaim sa IVF o in vitro fertilization. “I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened,” pagbabahagi ng soon-to-be mommy.
Itinuturing na milagro ni Bianca King ang pagbubuntis n’ya sa panganay nila ng mister n’yang si Ralph Wintle.
Sa kanyang Instagram post nitong weekend, inanunsyo ng aktres ang magandang balita dahil pangarap na daw talaga nila ng kanyang asawa na magka-anak.
“I lived my life exactly the way I wanted. Took my time and did everything I needed to do. When it was time for us chase the dream of becoming parents, we were ready as ever,” panimula n’ya kanyang Instagram post nitong weekend kalakip ang photo nila ni Ralph.
Hindi raw naging madali sa kanila ang lahat. Last June 2021 pa sila ikinasal ni Ralph pero hirap daw silang makabuo ng baby.
Umabot pa umano sa puntong sa nawalan na s’ya ng pag-asawa sa natural method at binalak nang sumailaim sa IVF o in vitro fertilization.
“It was a long journey to get here. It was not easy – being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened,” pagbabahagi ng soon-to-be mommy.
Kumpiyansa naman daw s’ya nagiging mabuti silang magulang sa blessing na ipinagkaloob ng Itaas sa kanila.
“I thank my beautiful husband for setting me on the path to becoming a mama. Ralph is already the best dog dad, being so hands on with Willow. We both feel confident that we will be the best parents,” pagtitiyak n’ya.
Wala pa mang gender reveal sina Bianca sa magiging anak nila pero hiling n’ya na sana daw ay mamana nito ang good looks ni Ralph at makuha naman daw ang creative personality n’ya.
“I hope our baby inherits his looks and athleticism, but my personality and creativity, and our shared wit and wisdom,” pagtatapos ng aktres.
Ikinatuwa ng kanyang fans and celebrity friends— gaya nina IC Mendoza, Marc Nelson, Michelle Madrigal, Leila Alcasid, Raymond Gutierrez, and more—ang masayang balita na ito.


Congratulations, Bianca and Ralph!
YOU MAY ALSO LIKE:
Kapuso actress Arny Ross gives birth to first baby, Jordan Franco
Iza Calzado is expecting her first baby at 40
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment