Vilma Santos, walang pagsidlan ng kasiyahan sa nalalapit na pagdating ng baby girl apo niyang si “Peanut”


Aminado ang Star For All Seasons na matagal na siyang inip maging lola sa panganay niyang si Luis Manzano and finally it’s happening. Sa kanyang speech during Luis and Jessy Mendiola’s gender reveal party, sinariwa niya ang pangungulit sa dalawa. “Even the time when you get married, I said, ‘Sige na, anak.’ Kahit nu’ng hindi pa kinakasal, ‘Sige na, anak, kahit hindi pa [kayo] kasal. P’wede isunod na lang natin? To follow na lang ’yong kasal,’” natatawang pag-amin n’ya. 

PHOTOS: @luckymanzano & @senorita_jessy on Instagram

Aminado ang Star For All Seasons na matagal na siyang inip maging lola sa panganay niyang si Luis Manzano and finally it’s happening. Sa kanyang speech during Luis and Jessy Mendiola’s gender reveal party, sinariwa niya ang pangungulit sa dalawa. “Even the time when you get married, I said, ‘Sige na, anak.’ Kahit nu’ng hindi pa kinakasal, ‘Sige na, anak, kahit hindi pa [kayo] kasal. P’wede isunod na lang natin? To follow na lang ’yong kasal,’” natatawang pag-amin n’ya. 

Kay Star for All Seasons Vilma Santos na mismo nanggaling na ilang beses n’yang kinulit ang anak n’yang si Luis Manzano at daughter-in-law na si Jessy Mendiola na bumuo na ng baby. 

Inamin n’ya ’yan sa naging gender reveal party para sa ipinagbubuntis ni Jessy na s’yang naging content ng actress-vlogger sa kanyang YouTube Channel kagabi, August 25.

Sa kanyang speech sa okasyong iyon, sinabi ni Ate Vi na noon pa man, bago pa ikasal sina Luis at Jessy, ay kinukulit na n’ya ang mga ito na bigyan na s’ya ng apo. 

“I guess we’re blessed because Peanut is coming. And, Anak, I’ve been waiting for this for so long. You know that,” lahad ng seasoned actress sa kanyang talumpati.

“Even the time when you get married, I said, ‘Sige na, anak.’ Kahit nu’ng hindi pa kinakasal, ‘Sige na, anak, kahit hindi pa [kayo] kasal. P’wede isunod na lang natin? To follow na lang ’yong kasal,’” natatawang pag-amin n’ya. 

Dalangin daw n’ya ngayon na maging masaya ang bagong chapter sa buhay ng anak n’ya at ng binubuo nitong pamilya with Jessy. 

“We’re all excited for Peanut,” banggit niya sa pet name nila sa first baby ng mag-asawa. “And we’re all praying for Peanut. I’m just praying, anak, because this time as I was telling you a while ago, this time it’s not husband and wife anymore. You’re going to be mommy and daddy. Wholistic na ’to. Family na ito,” saad n’ya.

“I’m praying na sana… I’m looking forward for a meaningful life as a family. I wish you good luck. We’re all here. We’re rooting for Peanut and we’re always praying for you both and ’yong coming family n’yong dalawa.

“I love you, both. You know that. I love you, Lucky. And this time, I love you, Jessy. And I love you, Peanut,” pagtatapos n’ya. 

At nang dumating na ang moment of truth, tuwang tuwa ang soon-to-be grandma dahil pink na confetti ang lumabas sa balloon na pinaputok nina Luis at Jessy. Ibig sabihin, babae ang magiging anak ng dalawa at babae ang magiging unang apo n’ya.  

“Team Girl” daw kasi s’ya sa kadahilanang marami na umanong lalaki sa pamilya nila kaya hiling n’ya na babae sana ang panganay nina Luis at Jessy. 

Ikinagulat naman ni Jessy na they are expecting a baby girl dahil “Team Boy” naman daw s’ya. Ganu’n pa man, masaya daw s’ya dahil ramdam n’ya na masaya rin ang baby nila.  

“Oh my gosh! We’re having a [baby] girl!” napatiling sabi ni Jessy. “We’re just really, really happy and I’m sure she’s happy right now kasi nu’ng nagsa-scan kami naka-smile na s’ya kaagad.

“Peanut, ano ba? Peanut pa rin ba ang itatawag namin sa’yo? Hahaha! Parang Sweet Pea na dapat, ’di ba? Ikaw, Love?” tanong n’ya kay Luis. 

Sey naman ng soon-to-be daddy, “Peanut, we love you. Sinasabi namin, first and foremost, the priority is for Peanut to be healthy regardless of the gender. But Mommy and I, we’ll do our best to raise you, for you to be a blessing to other people.”

Umiral na din agad ang pagiging protective father n’ya dahil nga babae ang magiging anak nila. 

Ngayon pa lang, Peanut, alam mo na ha. Wala munang lalabas,” pagbibiro ni Luis na ikinatawa ng mga taong naroroon. 

Hindi p’wede. Lalabas s’ya kahit mga teenager [na s’ya],” singit naman ni Jessy sa kanyang mister. 

Ang p’wede ka lang lumabas after nine months. After that, no more na,” pagmamatigas naman ni Luis. 

Nagre-ready na ang barkada. Ang bahay namin hindi ko lalagyan ng pinto, puro pader lang para walang makadalaw, walang makapasok.

Tanong naman ni Jessy, “Kelan s’ya makakalabas?

Maaarawan s’ya ng 62 years old [na s’ya],” sagot ni Luis. 

Grabe… Wala kang apo,” pananakot ni Jessy sa mister n’ya.

Dito napaisip si Luis at tumawad ng, “Sixty-one years old.”

Natawa tuloy sila pareho sa naiisip na ito ni Luis. 

Pero more than the gender, happy daw silang mag-asawa dahil healthy ang paparating na blessing sa buhay nila.

Humiling din sila sa kanilang fans na mag-suggest ng names sa comment section dahil iyon na daw ang susunod nilang pag-iisipan.

Congratulation, Luis, Jessy, and Ate Vi!

YOU MAY ALSO LIKE:

Vilma Santos, back out sa eleksyon

Vilma Santos sa relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache: “I wish them all the best.”

Star for All Seasons Vilma Santos, looking forward maka-trabaho sina Coco Martin, Jericho Rosales, at Derek Ramsay

Vilma Santos, “inihabilin” na kay Jane de Leon ang bato ni Darna; “Pangalagaan mo ’yang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together