Rita Avila, pumalag sa pagsasabong sa kanila ni Elizabeth Oropesa


Para kay Rita Avila, malisyoso ang pagkakagawa sa mga titles ng mga YouTube videos na nilalakipan pa ng mga photos n’ya sa thumbnails para mas maintriga ang netizens at panoorin ang mga iyon.  “Whew! May mga ganito pala. Making titles shocking plus putting angry pics of mine na hango sa mga guestings and VOILA! Trending sila at my expense. Parang tabloids nung kapanahunan ko,” Rita laments.

PHOTOS: @RitaAvilaBooksforChildren & @jacquelineelizabethfreeman on Facebook

Para kay Rita Avila, malisyoso ang pagkakagawa sa mga titles ng mga YouTube videos na nilalakipan pa ng mga photos n’ya sa thumbnails para mas maintriga ang netizens at panoorin ang mga iyon.  “Whew! May mga ganito pala. Making titles shocking plus putting angry pics of mine na hango sa mga guestings and VOILA! Trending sila at my expense. Parang tabloids nung kapanahunan ko,” Rita laments.

Pinalagan ng seasoned actress at kilalang supporter ni dating vice president na si Leni Robredo na si Rita Avila ang mga kumakalat na fake news online tungkol sa kanya na naglalagay sa kanya sa palabang stance against sa mga taong identified, either by loyalty or association, sa mga Marcoses.

Sa kanyang Instagram post kahapon, August 23, isa-isang sinagot ng aktres ang mga nakaka-intrigang balita na kagaya ng galit umano s’ya sa TV host na si Boy Abunda, na kontra umano siya sa mga rebelasyon ni Elizabeth Oropesa, at ang pag-insulto daw n’ya sa pelikulang Maid in Malacanang (MiM). 

“May ganito pala na mga titulo ng balita? Wow ha?” reak ni Rita sa inilagay n’yang text sa kanyang IG photo na naglalaman ng naka-collage na screenshot photos mula sa YouTube videos patungkol sa kanya. 

Una n’yang in-address ang headline na nagsasabing galit daw s’ya kay Boy Abunda. 

“Gigil na gigil? Habang maayos kami ni Boy all the time, ganyan pala ang chismisan,” aniya.

Marahil nag-ugat ang pang-iintrigang ito noong campaign period nang punahin n’ya ang TV host sa madalas na pagsingit nito sa sagot ni dating Vice President Leni Robredo sa isinagawa nitong one-on-one interviews sa mga presidential candidates. Ganu’n pa man, hindi daw s’ya nagtanim ng galit dito kailanman.

Pinabulaan din n’ya ang umano’y pagkontra n’ya sa naging rebelasyon ng kapwa n’ya artista na si Elizabeth Oropesa tungkol sa umano’y mga di kanais-nais nitong pinagdaanan noong rehimeng Aquino. 

Nabanggit kasi ni La Oro in one of her interviews kamakailan na naranasan n’ya umanong dukutin noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino. Sumasama daw kasi s’ya noon sa mga rallies bilang pagsuporta sa mga Marcos matapos mapatalsik ang mga ito sa palasyo noong 1986.

Sinaktan daw s’ya ng mga dumukot sa kanya at sinabihang huwag na s’yang sasama sa mga pro-Marcos rallies. 

“May away kami ni Ms. Oro? D ko alam un ah. Wala nga akong alam sa sinapit nya,” pagtutuwid ni Rita sa balitang nagsasangkot sa kanya.

Wala rin daw s’yang negatibong komento tungkol sa pelikulang Maid in Malacanang dahil hindi naman daw n’ya ito napanood. 

“Ininsulto ko ang MIM? Di ko napanood kaya wala akong dapat sabihin,” pahayag pa n’ya. “Hay naku. Kawawa naman ang mga ginalit ng mga titulong yan.”

Mas naging detalyado pa ang paliwanag ni Rita sa inilagay n’yang caption sa nasabing IG post.

Malisyoso daw ang pagkakagawa sa mga titles ng mga YouTube videos na nilalakipan pa ng photos n’ya sa thumbnails para mas maintriga ang netizens at panoorin ang mga iyon. 

“Whew! May mga ganito pala. Making titles shocking plus putting angry pics of mine na hango sa mga guestings and VOILA! Trending sila at my expense. Parang tabloids nung kapanahunan ko,” Rita laments.

Hindi lang naman daw s’ya ang biktima dito kundi maging ’yong mga naniwala sa mga nasabing fake news na naitulak tuloy na husgahan siya o magalit sa kanya.

“It may appear na biktima ako pero in the end, ang mga biktima ay ang mga napaniwala ng mga exag na balita. Naging masama sila dahil dun eh,” pangri-real talk ni Rita. 

“Happy ang mga naniwala dahil may nasirang tao. Happy din ako na alam ko ang totoo,” dagdag pa n’ya. 

Nanawagan din s’ya sa publiko na mas piliin sana ang gumawa nang tama dahil may kalalagyan daw sa huli ang mga nagpapakalat ng fake news at naninira ng kapwa kapalit ng views at revenue online. 

“Mga kapatid/anak, may isang napakamahalagang Judge. D tayo perpekto pero ang dapat maging goal natin ay mapunta sa piling ng Panginoon. Bale wala lahat ng success kung sa impyerno ang goal nyong puntahan,” lahad ni Rita. 

Dadgad pa niya, siya na rin daw ang unang nag-reach out kay Elizabeth ngayong tila pinagsasabong sila ng mga gumagawa ng fake news. 

“Ms. @elizabethoropesa, I sent you a dm and an email,” pagtatapos n’ya sa kanyang post.

Sa kasunod n’yang IG post, ibinalita ni Rita na nagkapag-usap na sila ni Elizabeth at maging ng actor-producer na si Toni Co. 

“Nagkausap na din kami ni Toni. Co hindi Gonzaga,” pag-a-update niya na ,may halong paglilinaw. “Nililinaw ko lang po at baka ang mga ano eh magpista na naman.”

Aniya, ikinagulat din daw ni Elizabeth na may gumagawa ng isyu para pag-awayin silang dalawa. 

“Nagulat si Ms. Oro sa mga balita. Bakit daw kami pinag-aaway. Mahal daw nya ako,” pagbabahagi ni Rita mula sa mga napag-usapan nila. 

Giit pa n’ya, kahit naman daw magkaiba sila ni Elizabeth ng political stand – dahil proud Marcos loyalist ito habang s’ya naman ay isang Kakampink – hindi daw s’ya nagbitiw ng kahit ano laban sa aktres dahil maganda naman ang turingan nila. 

“Never ako nagsalita against Ms. Oro. Magkaiba man kami ng paniniwala sa pulitika, respetado ko siya dahil maayos ang naging samahan namin sa showbusiness,” pagtatapos ni Rita. 

YOU MAY ALSO LIKE:

Payo ng dating sex symbol na si Elizabeth Oropesa sa baguhang screen nymphet na si Cindy Miranda: “Hindi p’wedeng sikat o naghubad lang kasi kahit sinong babae p’wedeng maghubad…”

Rita Avila, tinabla ang offer ng “other station” dahil kay Maricel Soriano

Rita Avila humorously answers the hate directed towards her character Belen from “Ang Sa Iyo Ay Akin”

Rita Avila to Isko Moreno: “Meron ka namang nagawang tama kaso mas malakas ang tama mo.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together