Gabrielle Basiano, inakalang babawian siya ng korona habang nagaganap ang kontrobersyal na mabahang pause sa Bb. Pilipinas announcement of winners
PHOTO: @gab.basiano.9 & @bbpilipinasofficial on Facebook Habang nagaganap umano ang lull a pag-aanunsyo ng mga kasunod na winners sa Bb. Pilipinas pageant, aminado si Gabby Basiano na inatake s’ya ng matinding kaba dahil inisip n’ya na baka nga nagkamali nang natawag na winner. Kung ganu’n daw kasi ang nangyari ay posibleng bawiin sa kanya ang kanyang korona, ang Bb. Pilipinas-Interncontinental 2022 crown. “Bale ako po, kinabahan ako sa part na ’yon kasi baka mali po ’yong natawag nila, baka hindi po ako ’yong [totoong winner ng Bb Pilipinas] Intercontinental. Baka po mali’ yong nasabi nila,” natatawang pagre-recall ni Gabby. Inamin ng newly-crowned beauty queen na si Gabrielle Basiano na kinabahan s’ya nang husto matapos s’yang koronahan bilang Bb. Pilipinas Interncontinental 2022 nitong July 31. Sa virtual interview sa kanya ni Cristy Fermin sa radio and online show nitong Cristy Ferminute nitong August 3, sinabi n’yang kinabahan siya pagkatapos n’yang makoronahan...