Vhong Navarro, pinakakasuhan ng Court of Appeals ng salang rape and acts of lasciviousness; Deniece Cornejo, nakahalungkat ng lumang tula na nagpa-alala ng sandaling pagkaka-kulong niya noon

PHOTOS: @vhongx44 on Instagram & @onlydeniececornejo on Facebook
Matatandaan na ibinasura ng DOJ ang apela ni Deniece Cornejo na muling i-review ang two counts of rape: by sexual intercourse at sexual assault – na isinampa n’ya noon laban kay Navarro na naganap umano noong January 17 at 22, taong 2014. Subalit ayon sa DOJ, wala umanong probable cause para maparusahan ang It’s Showtime co-host sa mga nasabing krimen. However, sa inilabas na desisyon ni Associate Justice Florencio M. Mamauga, Jr. na may petsang July 21, 2022, granted ang petisyon ni Cornejo. “Reversed” at “set aside” ang naunang desisyon ng DOJ, at ipinag-uutos n’ya ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.
Nagulantang ang publiko sa inilabas na utos ng Court of Appeals (CA) sa Taguig Prosecutors Office para muling kasuhan ang comedian-TV host and dancer na si Vhong Navarro sa salang rape and acts of lasciviousness.
Nag-ugat sa ito sa reklamong isinampa noon ng model-stylist na Deniece Cornejo na kalaunan ay ibinasura ng Department of Justice (DOJ).
Matatandaan na ibinasura ng DOJ ang apela ni Cornejo na muling i-review ang two counts of rape na isinampa n’ya noon laban kay Navarro na naganap umano noong mga petsang January 17 at 22, taong 2014. Subalit ayon sa DOJ, wala umanong probable cause para maparusahan ang It’s Showtime co-host sa mga nasabing krimen.
However, sa inilabas na desisyon ni Associate Justice Florencio M. Mamauga, Jr. na may petsang July 21, 2022, granted ang petisyon ni Cornejo. “Reversed” at “set aside” ang naunang desisyon ng DOJ, at ipinag-uutos n’ya ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.
Narito ang excerpt sa desisyon ng Court of Appeals:
“The resolutions promulgated on April 30, 2018 and July 14, 2020 of the Department of Justice in NPS Docket No. XVI-INV-16E-00174 and XVI-INV-15J-00815 are hereby RESERVED AND SET ASIDE.
“The Office of City Prosecutor of Taguig City is thus DIRECTED to the Informations against Ferdinand ‘Vhong’ H. Navarro for: (1) Rape by Sexual Intercourse under Article 266-A (1) of the Revised penal Code, as amended by Republic Act No. 8353; and (2) Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code.”
It could be recalled na naging malaking kontrobersya ang mga paratang na ito ni Deniece way back January 2014 na matindi namang pinabulaanan ng dancer-comedian.
Nasundan pa ito ng insidente ng pambubugbog at pagde-detina kay Vhong sa condo unit ni Deniece ng mga kaibigan nito led by businessman Cedric Lee.
Eventually ay na-convict sina Deniece, Cedric, at isa pa nilang kasamahan ng grave coercion at serious illegal detention charges na isinampa ni Vhong laban sa kanila ngunit nakalaya rin matapos nilang makapagpiyansa.
As of this writing ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo nina Deniece at Vhong tungkol sa development na ito.
Maliban sa isang post ni Deniece sa Facebook ngayong araw, August 1, na larawan ng isang notebook na may nakasulat na tula na ginawa umano para sa kanya ng hindi nya pinangalanang tao habang naka-detain siya sa kulungan eight years ago.
Ang tula, inspired by her name and dated August 1, 2014, reads (as is):
“Delighted beauty of nature
Expressing thru the eyes that heart so pure
Nice if you will know her more
intelligent mind with good soul
Entire world need her wisdom to cure
Conquer her words
Each day the Kingdom of God will be yours…
That’s DENIECE can assure.”

YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: Vhong Navarro is one proud dad to son Fredriek who just graduated college
Komedyanteng si Mura, paika-ikang nagsasaka sa Bicol; Vhong Navarro, handang magpadala ng tulong
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment