Jimmy Bondoc, nasunugan ng studio damay ang mga pundar na instrumento


“Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years! The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers.” - Jimmy Bondoc

PHOTOS: @jimmybondoc2 on Instagram

“Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years! The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers.” – Jimmy Bondoc

Nananawagan ng dasal at donasyon ngayon ang singer-songwriter na si Jimmy Bondoc matapos magkaroon ng sunog sa kanilang studio.

Sa kanyang Facebook post madaling araw ng August 2, ipinaalam n’ya na nagkaroon ng sunog sa kanilang studio at nadamay doon ang ilan sa mga musical instruments na naipundar n’ya sa loob ng mahabang panahon. 

“Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years! The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers,” lahad  n’ya. 

Marami raw ang nagpaabot ng tulong sa kanya dahil malaking halaga ang gugugulin para mapalitan ang mga nasirang gamit. Pagtatrabahuhan na lang daw n’ya ito. 

“Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao. Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment. Ang dami tuloy gusto tumulong. Wag niyo sana isipin na nagpapaka ‘banal’ ako. Pero yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi,” saad n’ya sa kasunod n’yang FB post kaninang umaga.

Instead, humingi na lang s’ya ng donasyon para sa dalawa n’yang kaibigan na mas nangangailangan ng tulong. 

“May I earnestly ask instead na mag donate po kayo sa dalawang kaibigan ko: (1) Atty. BRUCE RIVERA
He is now in a coma, and is in medical debt of about 1 Million as well. Gcash: 0966 722 9364. (2) JAMIE JEM (Jemelee Tańedo) Musician, Cancer patient, undergoing financially challenging medical treatment. Gcash: 0917 154 0721,” panawagan n’ya. 

“Sa mga mayayaman, wag kayo mahiya kahit tig 50k pa ibigay niyo :)) I will make sure to thank you on some platform. Sa mga karaniwang tao like me, kahit ilang daan o libo, it all matters,” dagdag pa n’ya. 

“This is my sincerest request, hoping it is received by open, non-judgmental ears and hearts. Masakit po mawalan ng gamit, I do not deny it. Please help me to help others who stand to lose much more. I love you all.”

Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao. Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment. Ang dami…

Posted by Jimmy Bondoc on Monday, August 1, 2022

Sa maikling FB Live naman kaninang umaga rin, ipinasilip ni Jimmy ang outlet na pinagsimulan ng sunog. Dahil doon ay nadamay ang mga nakap’westong instrument na malapit doon gaya ng keyboard at gitara.. 

Ipinakita rin n’ya na maging ang mga air conditioning unit na naka-install sa studio ay nalusaw sa sobrang init.

Ipapa-check at ipapa-repair na lang daw n’ya ang mga instruments nila na mga naisalba at p’wede pang mapakinabangan. 

Inulit din ni Jimmy sa kanyang FB Live ang hinihiling n’yang tulong para sa dalawa n’yang kaibigan. 

We are alive. That is all.

Posted by Jimmy Bondoc on Monday, August 1, 2022

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”