Birthday message ni Kiray Celis sa sarili: “Sobrang proud ako sayo…”

May maikli pero malalim na birthday message ang comedienne-actress na si Kiray Celis para sa kanyang sarili. 

The Kapuso star turned 27 last July 29 at idinaan n’ya sa Instagram post ang kanyang mensahe para sa kanyang sarili. 

“Happy happy birthday, Self! Sobrang proud ako sayo kasi kung gaano ka katapang noon, ganun parin hanggang ngayon,” pagbati ng aktres sa kanyang sarili sa kanyang IG post that day.

Kalakip nito ang series of photos kung saan hawak-hawak n’ya ang kanyang cake habang nakasakay sa isang yate. 

In-acknowledge din niya ang kanyang pagiging hard-working para itaguyod ang kanyang pamilya.

“Kahit pagod ka na, pinapahinga mo lang. hindi ka sumusuko. Patuloy mo lang mahalin at tulungan yung pamilya mo. Kahit hanggang sa magka pamilya ka,” aniya.

Hindi rin n’ya nakalimutang magpasalamat sa kanyang fans and supporters na pinaghuhugutan umano n’ya ng lakas. 

“Kaya sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sakin hanggang ngayon, Salamat sainyo. Kayo ang nagpapalakas sakin,” pagtatapos ni Kiray.

Kabilang si Kiray sa teleseryeng Return to Paradise na mapapanood na ngayong August 1 sa GMA Afternoon Prime.

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Kiray Celis tributes friend, bday boy Enchong Dee, with this “squeeze-my-butt” funny post

Pika’s Pick: Kiray Celis surprises her mother with Php56K cash gift during her 56th birthday

Pika’s Pick: Kiray Celis enjoys feeding the penguins at Manila Ocean Park; says “Kinabahan lang ako. Pero normal lang po yang ganyang mukha ko promise.”

Pika’s Pick: Kiray Celis mounts elaborate Valentine surprise for boyfriend Stephan Estopia

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together