Celeste Cortesi, nananawagan sa kanyang fans na huwag pumatol sa mga online bullies and bashers niya


Panawagan ni Celeste Cortesi ngayong binu-bully s’ya online: “I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate.”

PHOTOS: @celeste_cortesi on Instagram

Panawagan ni Celeste Cortesi ngayong binu-bully s’ya online: “I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate.”

May panawagan si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa kanyang supporters na huwag pumatol o makipagsagutan sa mga bullies n’ya online. 

Kasunod ito ng sunod-sunod na pag-atake sa kanya ng kanyang mga online bashers na nagkukubli sa iba’t ibang social media accounts.

“And again, people keep tagging me in edited photos of me, insults and threats. I have seen quite a lot just today and now before going to sleep,” pahayag ng Filipino-Italian beauty queen sa kanyang Instagram Story kagabi, August 2.

Sa mga nakalap nga ng FB page na EL Tocuyo Award, makikita ang iba’t ibang meme na ginawa para insultuhin at gawing katatawanan si Celeste. 

May ilan ding nang-iintriga sa umano’y pagpaparetoke n’ya ng mukha at dibdib, at paglalagay ng malisya sa photo nila ni Willie Revillame noong kandidata pa s’ya sa Miss Philippines Earth 2018.

Tila dismayado si Celeste na hindi pa rin humuhupa ang ganitong pag-atake sa kanya kahit na nagkaroon sila ng virtual discussion tungkol sa cyberbullying nina Miss Universe Organization President Paula Shugart at Miss Universes Indonesia 2022 Laksmi De Neefe Suardana sa YouTube. 

“After the talk we had last week I was hoping that this unnecessary cyberbullying would somehow stop or lessen,” aniya. 

Ganu’n pa man, pinakikiusapan n’ya ang kanyang mga tagasuporta na huwag ng sumagot sa mga namba-bash sa kanya. 

“I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate,” pagtatapos n’ya. 

SCREENSHOT: @celeste_cortesi on Instagram

Samantala, naghahanda ngayon si Celeste to represent the Philippines sa darating na Miss Universe 2022 competition sa December.

YOU MAY ALSO LIKE:

Kahit beauty titlist na, Celeste Cortesi, matagal ipinagdasal na masungkit ang Miss Universe Philippines crown

Rabiya Mateo, napa-throwback sa kanyang Miss Universe journey

Pia Wurtzbach, tinulak ng pagkakasakit ng Covid-19 para sumali sa New York City Marathon

Catriona Gray, hindi raw na-Steve Harvey

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”