Maja Salvador and Rambo Nuñez, aasikasuhin na ang wedding preps pagkatapos ng Oh My Korona launch


Ayon kay Maja Salvador, wala pa umano sila sa wedding planning stage ng fiancé niyang si Rambo Nunez dahil pareho silang busy sa mga projects and commitments. S’ya kasi ang lead star ng Oh My Korona habang si Rambo naman ang isa sa mga producers nito kaya busy rin talaga ito sa pagpo-promote ng show at pagha-handle sa talent agency nilang Crown Artist Management, Inc. “Sa maniwala po kayo sa hindi, wala pa kaming mga listahan ng kung ano-ano. Kasi naka-focus muna kami dito sa launch ng Oh My Korona. But after, ’yon… Wala na kaming choice kundi ’yon na. Mag-focus naman kami sa wedding namin,” lahad ng aktres.

PHOTOS: @maja on Instagram

Ayon kay Maja Salvador, wala pa umano sila sa wedding planning stage ng fiancé niyang si Rambo Nunez dahil pareho silang busy sa mga projects and commitments. S’ya kasi ang lead star ng Oh My Korona habang si Rambo naman ang isa sa mga producers nito kaya busy rin talaga ito sa pagpo-promote ng show at pagha-handle sa talent agency nilang Crown Artist Management, Inc. “Sa maniwala po kayo sa hindi, wala pa kaming mga listahan ng kung ano-ano. Kasi naka-focus muna kami dito sa launch ng Oh My Korona. But after, ’yon… Wala na kaming choice kundi ’yon na. Mag-focus naman kami sa wedding namin,” lahad ng aktres.

Kapwa abala sa kanilang trabaho ang magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez kaya hindi pa umano nila naipa-plano ang kanilang magiging kasal. 

Nanggaling mismo ’yan sa aktres sa virtual media conference para sa upcoming sitcom n’ya na Oh My Korona last August 3.

Natanong kasi s’ya ng entertainment press kung sino ba sa kanila ng fellow Dabarkad n’yang si Maine Mendoza ang unang ikakasal ngayong pareho na silang engage sa kani-kanilang nobyo. 

“Secret,” pabiting sagot ni Maja. 

Pero nang magpaliwanag na ay sinabi n’yang wala pa umano sila sa planning stage ni Rambo dahil pareho silang busy sa mga projects and commitments. 

S’ya kasi ang lead star ng Oh My Korona habang ang fiancé naman n’ya ang isa sa mga producers nito kaya busy rin talaga ito sa pagpo-promote ng show at pagha-handle sa talent agency nilang Crown Artist Management, Inc.

Sa maniwala po kayo sa hindi, wala pa kaming mga listahan ng kung anu-ano. Kasi naka-focus muna kami dito sa launch ng Oh My Korona. But after, ’yon… Wala na kaming choice kundi ’yon na. Mag-focus naman kami sa wedding namin,” lahad ng aktres. 

Hindi naman daw nila inakala ni Maine na kapwa sila mae-engage ngayong taon. Unang na-engage sina Maja at Rambo nitong April, habang nitong nakalipas na July lang nang mag-propose ng kasal si Arjo Atayde kay Maine. 

Sabi lang namin magka-batch kami. Hindi namin akalain na parehas kaming mae-engage this year. Ayon, exciting,” saad n’ya. 

Wala naman daw s’yang maibibigay na detalye sa magiging kasal nina Maine at Arjo. 

Kung ako lang, p’wede akong mag-share. But with Maine, hindi ko naman din po alam ang exact details and all,” say pa n’ya. 

Gusto ko naman ibigay ’yon sa kanya muna because alam kong nasa Cloud 9 pa sila. Ganyan na ganyan din po ako nu’n, e. I know in time si Maine and Arjo mismo ang magbibigay ng details kung paano ’yong nangyari.

Hirit na tanong pa sa kanya, may nag-iba ba sa trato nila ni Rambo sa isa’t isa ngayong engage na sila?

Hindi naman nag-iba. Mas minamahal pa ako lalo ni Rambo. Wow! Haha!” confident na sagot n’ya.

Hindi naman po nag-iba. Mas alam namin na ito na talaga. ’Yong responsibility and obligation namin sa isa’t isa ay talagang legit na legit na. Wala nang atrasan. Ever since naman since nag-start ’yong relationship namin alam namin na dito kami papunta,” pagtatapos ni Maja. 

Mapapanood ang Oh My Korona ni Maja Salvador, kasama sina Joey Marquez, RK Bagatsing, Pooh, Kakai Bautista, and more, simula August 6 sa TV5.

YOU MAY ALSO LIKE:

Kahit balitang sasali sa Eat Bulaga, Maja Salvador, tuloy ang trabaho sa Niña Niño ng TV5

Pika’s Pick: Maja Salvador receives warm welcome from the Eat Bulaga Dabarkads

John Lloyd Cruz sa manager niyang si Maja Salvador: “Pa-Tita Angge na siya.”

Maja Salvador advocates health and wellness

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together