Para sa balik-GMA na si Eula Valdes, walang paulit-ulit na role; “Nasa sa’yo ’yun kung paano mo gagawing iba.”


Natawa ang magaling na aktres na si Eula Valdes sa tanong kung natsa-challenge pa ba siya sa mga roles na nabibigay sa kanya. Hindi na kasi mabilang ang mga nagampanan niyang characters sa mga teleserye, “Bakit naman?,” natatawang sabi niya. “Lahat naman ng trabaho may challenge. Sabi nga nila, nasa tao ‘yan. Gawin mong pucho-pucho...eto, example lang…kahit na hindi gano’n kahirap ang ibigay sa’yo na eksena, kailangan mong trabahuhin”

Photos: @eulavaldes

Natawa ang magaling na aktres na si Eula Valdes sa tanong kung natsa-challenge pa ba siya sa mga roles na nabibigay sa kanya. Hindi na kasi mabilang ang mga nagampanan niyang characters sa mga teleserye, “Bakit naman?,” natatawang sabi niya. “Lahat naman ng trabaho may challenge. Sabi nga nila, nasa tao ‘yan. Gawin mong pucho-pucho…eto, example lang…kahit na hindi gano’n kahirap ang ibigay sa’yo na eksena, kailangan mong trabahuhin”

Makalipas ang walong taon, muling nagbabalik bilang isang Kapuso ang actress na si Eula Valdes

Kasama si Eula sa magpi-premiere ngayong hapon, August 1, sa GMA Afternoon Prime na Return to Paradise. Kaya ang biro namin sa kanya nang makausap namin during the zoom mediacon ay bagay sa kanya ang title dahil return to GMA naman siya.

Nakangiting sabi naman ni Eula, “Masaya ako na nakabalik ako ng GMA at masaya namang katrabaho—ultimo sa crew, ha. Masasabi ko nga na ito ’yung kapag nagte-taping ka, pantay-pantay lahat.

“Wala ’yung nagka-camera ka, quiet ka lang, ‘yung director lang ang magsasalita. Ito, magaan ba, magaan ang trabaho kapag magkakasundo lahat. At masasayang lahat.”

Eight years ago pa raw siya huling nakapag-trabaho sa GMA pero dahil 2017 nagtapos ang Hahamakin ang Lahat sa ere at napanood din siya sa Encantadia ng parehong taon, kaya’t sa suma ay tila limang taon pa lang nang huli siyang gumawa ng serye sa GMA-7.

Natawa naman si Eula nang tanungin namin kung may challenge pa rin ba sa kanya ang karakter na ginagampanan niya ngayon sa Return to Paradise.

Makikita sa trailer na siya ang ina rito ng leading lady na si Elle Villanueva na nakulong. Masasabing challenging naman ang role, pero sa rami na nang mga nagawa niyang karakter sa mga nakaraan niyang teleserye na lahat ay mahusay niyang nagampanan, mapapatanong ka talaga kung natsa-challenge pa ba siya.

“Bakit naman?,” natatawang sabi niya. “Lahat naman ng trabaho may challenge. Sabi nga nila, nasa tao ‘yan. Gawin mong pucho-pucho…eto, example lang…kahit na hindi gano’n kahirap ang ibigay sa’yo na eksena, kailangan mong trabahuhin. 

“Kailangan mong intindihin para maging special, ’di ba? Hindi ’yung okay, kinunan lang, tapos, chika na ulit tayo. Kumbaga, may assignment ka, kailangan pag-aralan pa rin. Kahit na pare-parehong nawawalan ng anak, normally, palagi akong naghahanap ng anaknahihiwalay sa anak [sa teleserye], pero gawin mong espesyal ang paghahanap mo, ’di ba?”

“Walang maliit na role,” may diing dagdag niya. “Walang paulit-ulit na role. Nasa sa’yo ’yun kung paano mo gagawing special or paano mo gagawing iba.”

Samantala, pinuri naman ni Eula ang leading actress ng Return to Paradise, ang baguhang si Elle Villanueva. Nakikitaan daw niya ng pokus ang newbie actress.

“Bukod sa maganda siya at maganda ang kulay—gustong-gusto ko ’yung kulay niya. Tinitingnan ko siya sa mata kapag nag-e-eksena kami. Naka-focus naman siya. 

“May mga ibibigay pa siya. Baguhan siya pero mukhang malalim naman ’yung bata. Willing to learn. Tinatantiya ko pa siya minsan, ewan kung nararamdaman niya ’yon, pero head on siya. Kumbaga, nakikisabay, nakikipagsabayan din.”

Dugtong pa ni Eula, “Hindi siya nai-intimidate. Hindi ko nararamdaman na parang hesitant siya or ‘Bahala na, natatakot ako.’ Walang gano’n.

“Seryoso siya, gusto niyang mag-artista talaga.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together