Kylie Verzosa, mataas ang kumpiyansa kay Herlene Budol


Nagpahayag na si Herlene Budol na iyon na ang una’t huling sabak niya sa isang national pageant. Pero kung si Kylie Verzosa raw ang tatanungin, gusto nitong lumaban muli ang tinaguriang Hipon Girl. “Isa pang try, kaya pa niya,” sey nito.

Photos: @kylieverzosa / @herlene_budol

Nagpahayag na si Herlene Budol na iyon na ang una’t huling sabak niya sa isang national pageant. Pero kung si Kylie Verzosa raw ang tatanungin, gusto nitong lumaban muli ang tinaguriang Hipon Girl. “Isa pang try, kaya pa niya,” sey nito.

Aprubado kay Miss International 2016 na si Kylie Verzosa si Nicole Borromeo na siyang nanalo bilang Binibining Pilipinas-International 2022 na siyang kakatawan sa Pilipinas sa Miss International in 2023.

“I think very fit siya sa Miss International na peg. Two years pa, e, bago siya mag-compete. So, there’s always time for her to improve. So, happy ako for her.”

In fact, open daw siyang tulungan ito sa anumang paraan basta’t lumapait lang daw.

“Sana she reaches out to me, marami akong maibibigay na tips,” sey pa niya.

Hindi pa raw sila magkakilala ni Nicole. Ang na-meet na niya ay ang predecessor nitong si Hannah Arnold, who will represent naman the Philippines sa 2022 Miss International sa December.

Masaya rin si Kylie para kay Herlene Budol na naging pinaka-maingay na contestant sa nakaraang Binibining Pilipinas 2022.

Bukod sa pagiging First Runner-Up, tinagurian din itong hakot-awards dahil sa dami nang naiuwing special awards.

“Deserve niya, deserve niya lahat ng ingay na nakukuha niya,” saad ni Kylie.

“Noong panahon ko, parang hakot awards din. So happy ako,” dagdag pa niya na may halong throwback. “At saka, ang ganda ng sagot niya. Parang nasubaybayan ko ang journey niya.

“At saka, ang ganda ng transformation niya all through-out. And happy ako na First Runner-Up. Pero ako, personally, sana nanalo siya ng crown.”

Nagpahayag na si Herlene na iyon na ang una’t huling sabak niya sa national pageant. Pero kung si Kylie raw ang tatanungin, gusto nitong lumaban muli ang tinaguriang Hipon Girl.

“Isa pang try, kaya pa niya,” sey nito.

Aprubado din kay Kylie na wikang Filipino ang ginamit ni Herlene nang sumagot ito sa Question and Answer segment.

“Sobrang okay ako do’n, e,” saad ni Kylie. “Alam mo ’yung parang celebration of Pinoy language. You have to speak on your own tongue…kung saan ka ba talaga kumportable.

“At tamang-tama lang talaga na Tagalog ang ginamit na language. Sobrang strong, sobrang nakaka-touch. Sobrang from the heart ’yung sagot niya, ‘di ba?

“Sobrang nakakakilabot…so for me, isa pang try,” may diing pag-uulit niya.

Nagbigay rin ng komento si Kylie tungkol sa ibinatong tanong ni Joshua Garcia tungkol sa kung ano ang kaibahan ng history sa Marites.

“Hindi ko kasi siya kilala personally,” lahad niya about Joshua. “Pero, he’s worked with a friend of mine before. 

“Pero maganda ’yung question, e.”

At puring-puri din ni Kylie ang magandang naging sagot ni Stacey Daniella Gabriel—mula sa Cainta at siyang naging 2nd runner-up—sa tanong ng ABS-CBN leading man.

“Sobrang galing ng sagot ni Stacey,” saad niya. “One of the best answers for me during the night, ’no? Napaka-memorable and one of the strongest answers. Parang do’n niya talaga na-showcase ang personality niya.”

Natawa naman si Kylie dahil binatuhan na rin siya ng press ng tanong tulad ng isa sa mga naging tanong sa nakaraang pageant—na kung ano ang hope niya para sa susunod na anim na taon ng bagong administrasyon?

“Tatanungin n’yo pa talaga ko dito!,” natawang sagot niya. “Well, a better Philippines and a more progressive Philippines. ’Wag niyo na ’kong hingan… Naka-focus na kasi ako sa work ko.”

Samantala, naging maingay ang isyung alleged  “switching” sa mga winners. Isa rin kaya si Kylie sa nagulat sa mga nanalo?

“Happy ako sa naging choice ng winners,” maikling saad niya.

Naka-update tsikahan ng entertainment press si Kylie sa ginawang story conference ng latest film project niyang Baby Boy, Baby Girl kamakailan.

Kasama niya sa said movie, na tungkol sa mga sugar babies—o ’yong mga nagpapabayad kapalit ng either se or companionship—ang kaibigan in real life na si Marco Gumabao.

At press time ay malamang na gumigiling na ang production ng pelikulang sinulat at ididirek ni JP Laxamana.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”