Derrick Monasterio, bilib sa pagiging palaban ng baguhang si Elle Villanueva


Photos: @derrickmonasterio

Photos: @derrickmonasterio

Naging madali raw para sa lead actor ng Return to Paradise na si Derrick Monasterio ang mga intimate scenes nila ng baguhang Sparkle artist na si Elle Villanueva dahil naging professional lang sila pareho.

Karamihan sa mga kissing scenes at love scenes nila para sa nasabing GMA Afternoon Prime teleserye na may seksing tema, ay kuha sa isang island. At kapwa preparado na raw sila bago pa man sila nagpunta doon.

“Ang kagandahan po kasi, kaya madali sa amin ang mga intimate scenes namin, kasi hindi naman kami pumunta sa set na hindi kami magkakilala or ginawa lang namin siya. May process din po kami as actors and individuals.

“’Yung sa mga intimate scenes namin, ginawa namin siya professionally and madali na siya, hindi na kami naiilang. Mapi-feel mo naman ’yon sa ka-partner mo kapag medyo ilang siya or medyo may mali kang nagawa. It’s very important, especially for me to ask her what’s her limitation are.

“Ayoko s’yempreng maka-disrespect ng co-actors ko,” dagdag niya. “And with the proper guidance of our director and the acting coach, the cameramen din, maganda ang kinalabasan. Hindi siya malaswa. Full of passion. It’s a passionate scene ang nagawa namin. Maganda naman and na-feel ko naman ang katotohanan.”

Natanong din si Derrick kung meron ba silang eksena ni Elle na hindi niya makalilimutan.

“Meron kaming confrontation scene sa dagat na noong binabasa ko ang script, iba ang nasa utak ko. Iba ’yung kung paano ko siya naiisip,” k’wento niya.

“Pero sabi ni Direk, gusto niyang baliin itong eksena na ‘to. Nasa island kami so it has to be big and everything.”

Samantala, kahit baguhan at unang teleserye pa lang ni Elle ang Return to Paradise, hinangaan na raw ito agad ni Derrick lalo pa’t palaban daw ito.

“Kasi magaling itong si Elle umarte at nadadala na rin ako sa kanya,” papuri niya sa leading lady. Very game siya and very palaban na rin siya sa mga scenes. Binibigay na rin niya best niya. So, ’yun ang feeling ko na mga eksena na hindi ko makakalimutan kasi, ang ganda ng scene. 

“At ang galing lang na gano’n ang kinalabasan ng scene.”

 Sa tanong kung sa tingin niya ay mas makakatulong kung hindi lang on-screen romance ang meron sila ni Elle lalo pa nga’t mukha namang siyang madaling ma-in-love. 

Natatawang salag naman ni Derrick na dati raw ’yong madali siyang ma-fall o ma-in-love pero hindi na raw ngayon.

“Yes, makakatulong siya,” pag-acknowlege niya sa tanong. “I think, but at the same time, makakasira rin. Paano kung mag-away kami, e, ’di sira na rin.

“Actually, maganda ang relationship namin ngayon [ni Elle]. Kung nasaan kami ngayon, I like it. Nakakatulong siya, nakaka-benefit siya sa aming dalawa na mga actors kasi, kaya naming ma-channel ang nararamdaman namin towards the scenes. And ’yung mga sinasabi namin sa isa’t-isa na kami lang ang nakakaalam. Na kapag may sinasabi siya sa aking lines, humuhugot siya sa personal niyang experience and gano’n din ako sa kanya.”

Dugtong pa ni Derrick: “Sobrang comfortable na ako kay Elle. Kaya kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Kaya kong ipakita ang lahat ng gusto kong ipakita sa kanya.”

Natawa ito nang sundan ang sinabi niya kung ano na nga ba ang naipakita niya kay Elle.

“My true self,” natawang sagot naman niya.

“Bihira lang kasi akong mag-open-up sa mga tao rin. Kasi, medyo may hinahanap din tayo na gusto nating vibes or may gusto lang tayong tao. 

“Sobrang suwerte ko na nahanap ko ang vibes na gusto ko with Elle.”

Ang Return to Paradise ay napapanood na ngayon tuwing hapon sa GMA-7 simula nuong Lunes, August 1.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together