Agot Isidro, immune na sa bashers; "You can judge me all you want, pero kilala ko ang sarili ko."
Photos: Rose Garcia Aminado ang bashing magnet na si Agot Isidro na noong una ay naaapektuhan din siya ng mga bashers. Until she realized na pawang non-entities naman ang mga ito. “And then, eventually nakikita ko na…wala pa ‘kong encounter na personally na nagsasabi sa akin na, ‘Hindi ko gusto ang ginagawa mo.’ Or ‘Gago ka, Agot. ‘ Or anything na ibinabato nila sa akin. Wala pa in person. Kaya alam ko na duwag kayo. Kaya n’yo lang akong atakihin kapag hindi kayo kilala, hindi kayo nakikita…” Naging kapansin-pansin sa amin ang casting ng Cine Ko’s 2022 Metro Manila Film Festival entry na Family Matters na tila pinagsama-sama ang tatlong actresses na prominente noong nakaraang presidential campaign bilang mga “Kakampinks”—sina Mylene Dizon, Nikki Valdez, at Agot Isidro . Kaya nang makausap namin si Agot sa ginanap na mediacon ng movie, natatawa ito nang tanungin namin kung sinadya talaga silang pagsama-samahing tatlo sa casting. “Hindi, actually noong nakita ko, hindi k...