BenLy couple—Benj Manalo at Lovely Abella— may mall na!

Patuloy ang paglago ng matagumpay na negosyo ng mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo.

Noong nakaraang December 10, natuloy ang ribbon-cutting ceremony nila para sa opening ng kauna-unahang live-selling mall sa Pilipinas na tinawag nilang BenLy’s Live Studio.

Ayon sa post ni Lovely sa Instagram tungkol dito, one month in the making daw ang preparations nila pero hassle-free ang lahat.

“Open na ang ating 1ST LIVE SELLING MALL IN THE PHILIPPINES! Para sa mga LIVE SELLERS Along Edsa (Waze) Benly’s Live studio,” masayang anunsyo niya.

Bukod sa Diyos, isa-isa ring pinasalamatan ni Lovely ang mga umalalay sa kanilang mag-asawa sa pagpu-put up ng business na to.

“Lord thank you sa Business mo po na pinagkatiwala sa amin makakaasa po kayo, na di namin sisirain ang tiwala ninyo at ang purpose ng negosyo na to. 1 month in the making, pero walang aberya talagang binigay ni Lord ng walang hadlang.

“Pastor @francis_cutiongco maraming salamat sa pag Blessed ng aming Live Mall, @ppshpmnl thank you sa forever support Sir Al from mayors office salamat po sa inyong time @shine.real Ma salamat sa napakasarap na grazing table thank you sa pagmamahal ma. @upmeshph thank you sa gift at sa support.

“Family and Friends salamat aa inyong lahat. Love you all!! Sa aming mga angels grabe di namin kakayanin lahat ng to kung wala kayo salamat sa inyong lahat.”

Pinaka-huli niyang pinasalamatan ang asawang si Benj na siyang naging katuwang nya sa lahat ng ito.

“Sa aking Poging Asawa Babe @benj we made it!!!! Baby!!!!! Di ako makapaniwala dati lng iyak tayo ng iyak ngayon nasa harapan na natin, Congratulations sa atin lalo pa nating pagbutihan para mas marami pa tayong matulungan #1stlivesellingmallinthephilippines #Benlylivestudio”

It was last November nang i-announce nila Lovely at Benj via IG ang nakatakdang opening ng BenLy’s Live Studio na may layong makakatulong din sa iba pang business owners pagkatapos ng dalawang taong pandemya.

Kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020 nang kapwa natengga sa trabaho ang mag-asawang Lovely at Benj dahil pansamantalang tumigil ang mga ganap sa entertainment industry na siyang pinagkukunan nila ng kanilang pang-araw-araw na gastusin. Walang taping at live appearances para kay Lovely at walang shooting ng indie films, paglabas sa teatro, at pag-perform ng banda sa bars na sya namang raket ni Benj.

Ang online selling ang naging paraan nila para ma-survive nila ang naging sitwasyon. Nagsimula raw ang lahat sa pagbenta ng mga naipong signature bags ni Lovely.

Sa kuwento ng Bubble Gang comedian sa 24 Oras, wala na raw space sa bedroom nila dahil sa dami ng bags niya. Nag-collapse na raw ang lalagyan ng bags sa sobrang dami. Na-suggest daw si Benj na ibenta na lang ang ibang bags ni Lovely online para sa mga gastusin nila. 

Sinubukan daw ni Lovely ang mag-live selling online since kilala naman daw siyang komedyante sa TV. Mabilis daw nabenta ang mga bags niya. Encouraged, naghanap pa raw sila ni Benj ng iba pang pre-loved items sa bahay nila na hindi na nila ginagamit at p’wede pang ibenta.

Dahil patok sa live selling si Lovely, ang ilang celebrity friends niya ay nagpabenta na rin sa kanya ng kanilang mga pre-loved bags, shoes, and clothes at may komisyon si Lovely sa mga mabebenta.

Nilunok daw ni Lovely ang pride niya dahil kailangan daw nilang kumita ng pera ni Benj at walang ibang puwedeng magawa noon kundi ang magbenta online.

“Actually, may times na parang, ‘Tama ba na gawin ko ito, na artista ako, pero I’m doing this?’” pagtatapat niya sa 24 Oras.Pero nu’ng panahon na yun, hindi yun ang naging focus ko. Ang naging focus ko is kailangan naming mabuhay. Naniniwala po ako na minsan na ang mukha po natin kahit manipis, kumakapal pag kinakailangan. Ako po, makapal na po pero mas mukhang kumapal pa po lalo dahil po dito.

“Kumbaga, ginagawa ko ring comedy kung papano magla-live selling, and dahil yan sa character na nabubuo ko sa Bubble Gang, na nabigay na opportunity nila sa akin. And at the same time s’yempre napapanood ako lagi sa Bubble Gang. So, ‘yung tiwala nandun po talaga,” sey ni Lovely na nag-celebrate ng kanyang 37th birthday noong nakaraang December 11.

Dahil sa live selling business ay lumaki ang negosyo nina Lovely at Benj. Mula sa pre-loved items, napagkatiwalaan sila na magbenta ng branded cosmetics, perfumes, at mga alahas on consignment. 

Nagpapasalamat ang mag-asawa sa tiwala na binigay sa kanila ng ibang tao para ibenta online ang mga produkto nila. Ngayon ay may sariling staff na sila na noo’y silang dalawa lang ang nagtutulungan.

Dahil umabot na sa milyones ang kinita nila Lovely at Benj, nakapagpatayo sila ng malaking bahay kunsaan nandoon na rin ang kanilang kumpanya at ang kanilang in-house staff. Nakabili na rin daw sila ng mga sasakyan para sa delivery ng kanilang mga items at pinag-ipunan nila ang pagpapatayo ng BenLy’s Live Studio.

Sa sobrang biyaya raw na natanggap nila mula kay Lord, nais nilang i-share ito sa maraming negosyante na pinadapa ng pandemya ang business na muling makabangon.

“We’re so blessed because we can use our profession to share and help others stand up again,” sey ni Benj na nagbibigay ng libreng orientation on live selling sa mga interesadong pasukin ang ganitong negosyo. 

Noong nakaraang December 4, ginawaran ang mag-asawang Lovely at Benj bilang Top Entrepreneur Couple of the Year ng Online Seller Association at Brand Asia Magazine sa Okada Manila.

Sa post ni Benj sa IG tungkol dito, hindi raw niya inakalang aabot sila sa puntong gagawaran pa sila ng award sa kanilang effort.

“TOP ENTREPRENEUR COUPLE OF THE YEAR! 2 years in the making, we never expected anything because we just wanted to have a business that would give opportunities to a lot of people. Give products to our customers that are #benlysapproved quality.

“To be recognized by people is something big for us but we never really wanted to be in the bright lights, why? Because we know that it is God who should shine brighter in these moments. He made everything for us possible. We are just instruments for us to extend grace to the people around us.

“In that note, I wanna thank our TEAM since day one na kasama namin sa journey namin. You guys helped us reach this state in our life where in we could give more opportunities to alot of people.

“Thank you to our team you know who you are, for your hard work and dedication to our mission and vision, alam namin na hindi kami perfect leaders/boss niyo but we are so lucky kasi we became a happy family who understands what is the importance of our job so we can fulfill Gods mission for us!

“Thank you to our family, friends for supporting us.”

Sa huli, pinasamalatan niya ang kanilang mga anak for providing inspiration at si Lovely mismo na tinawag niyang “partner, lover, best friend, boss, and inspiration” for leading the way.

“And sympre our princess @crishakaye_ and our prince @iamnathanm_ for pushing us to be a better person every day.

“To my one and only partner/lover/bestfriend/boss/inspiration @lovelyabella_ i will always be here for you, ill be the man behind you always. Thank you for leading our company. We appreciate you so much! And I love you so much! Cheers to more years to come! @benlysonlineshopofficial #benlys #benlysonlineshop #benlyslivestudio #1stlivesellingmallinthephilippines”

Pangako naman ni Lovely sa kanyang post na lalo nilang pagbubutihang mag-asawa ang nasimulang enterprise.

“After 2 years of hard work siguro deserve na namin ang kumuha ng Award Together. Thank you so much Online Seller Association and Brand Asia Awards for the Top Entrepreneur Couple of the Year. Lalo naming pagbubutihang mag Asawa. Baby congrats sa atin @benj.

“Thank you so much din po kay ate @reginetolentino and @reginetolentinoatelier sa napakaganda kung gown, and thank you @restandleisure_ sa napakaganda naming room sa okada for more great deals hotel room. Message niyo lang po sila. Thank you so much ate @riannayoga sa napakaganda kung bag super bagay sa gown ko #Benly #brandasiaaward #topentrepreneur”

Noong birthday ni Lovely last December 11, pinost naman ni Benj, sa Instagram pa rin, ang ilang photos at isang dance video ni Lovely at nilakipan niya iyon ng isang heartfelt caption.

“Happy Birthday My LOVE!!! Im so happy to spend the past 8 year and celebrating life with you. Wishing all your dreams to come true, especially when it comes to helping alot of people. Wala man ako regalo na bongga sayo today pero alam ko binigyan na tayo ni Lord ng MALL na best gift mo for this year and yes you are healthy. Wish to spend more years with you mama! Tignan mo oh ang layo na ng itsura natin sa ngayon hahha! Love you baby gurl ko!!! @lovelyabella_ happy happy birthday!”

YOU MAY ALSO LIKE:

Lovely Abella, napatunayang ideal husband si Benj Manalo habang nagbabakasyon sila sa Thailand

Pangako ni Lovely Abella sa namayapa niyang mother-in-law: “Di ko pababayaan ang anak mo.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together