Agot Isidro, immune na sa bashers; "You can judge me all you want, pero kilala ko ang sarili ko."


Aminado ang bashing magnet na si Agot Isidro na noong una ay naaapektuhan din siya ng mga bashers. Until she realized na pawang non-entities naman ang mga ito. “And then, eventually nakikita ko na...wala pa ‘kong encounter na personally na nagsasabi sa akin na, 'Hindi ko gusto ang ginagawa mo.' Or 'Gago ka, Agot. ' Or anything na ibinabato nila sa akin. Wala pa in person. Kaya alam ko na duwag kayo. Kaya n'yo lang akong atakihin kapag hindi kayo kilala, hindi kayo nakikita…”

Photos: Rose Garcia

Aminado ang bashing magnet na si Agot Isidro na noong una ay naaapektuhan din siya ng mga bashers. Until she realized na pawang non-entities naman ang mga ito. “And then, eventually nakikita ko na…wala pa ‘kong encounter na personally na nagsasabi sa akin na, ‘Hindi ko gusto ang ginagawa mo.’ Or ‘Gago ka, Agot. ‘ Or anything na ibinabato nila sa akin. Wala pa in person. Kaya alam ko na duwag kayo. Kaya n’yo lang akong atakihin kapag hindi kayo kilala, hindi kayo nakikita…”

Naging kapansin-pansin sa amin ang casting ng Cine Ko’s 2022 Metro Manila Film Festival entry na Family Matters na tila pinagsama-sama ang tatlong actresses na prominente noong nakaraang presidential campaign bilang mga “Kakampinks”—sina Mylene Dizon, Nikki Valdez, at Agot Isidro

Kaya nang makausap namin si Agot sa ginanap na mediacon ng movie, natatawa ito nang tanungin namin kung sinadya talaga silang pagsama-samahing tatlo sa casting.

“Hindi, actually noong nakita ko, hindi ko alam na si Mylene kasama. Alam ko lang, si Nikki, si JC [Santos]. Ang last si My. Sabi ko talaga, ‘Magkakasama tayo sa pelikula? Ang saya nito!’”

Hindi naman ikinaila ng tatlo na paminsan-minsan ay napapa-reminisce sila sa nagdaang national election campaign at ayon nga kay Mylene, happy memories naman para sa kanilang lahat iyon. Sinegundahan din ito ni Agot.

“Tama ang sinabi mo at sinabi ni Mylene na meron talagang mga happy memories. Kasi, happy memories naman talaga ang nangyari sa campaign.

“I mean, we will always go back to that so, no regrets. No ill feelings.”

Sa tatlo, si Agot ang talagang masasabing nabugbog nang todo ng mga bashers sa social media sa panahon ng kampanya.

At hanggang ngayon, meron pa rin daw na patuloy na namba-bash sa kanya.

“Sanay na ‘ko,” kibit-balikat ni Agot. “Pero ‘yun nga lang, parang ang lungkot kasi, hindi naman nila ko kilala as a person. So, parang meron ka rin na, ‘Hindi n’yo naman ako kilala.’ But then, that’s your cost. Ang sa akin, you can judge me all you want, pero kilala ko ang sarili ko.

“Kilala ko that I’ll just stand by my values, principles, what I like, what I think, and what other people think also. So, parang sa akin, nanggugulo na lang kayo.” 

Dahil dito, strong woman ang imahe na naipo-project ni Agot, lalo na sa social media.

Pero, may pagkakataon kaya na iniyakan niya rin ang mga pamba-bash na natatanggap?

“Siguro in the beginning,” pag-amin niya. “And then, eventually nakikita ko na…wala pa ‘kong encounter na personally na nagsasabi sa akin na, ‘Hindi ko gusto ang ginagawa mo.’ Or ‘Gago ka, Agot. ‘ Or anything na ibinabato nila sa akin, wala pa in person. Kaya alam ko na duwag kayo. Kaya n’yo lang akong atakihin kapag hindi kayo kilala, hindi kayo nakikita. Kapag sa social media.”

At dahil Family Matters a titutlo ng kanilang pelikula, natanong na rin namin si Agot kung hindi ba naapektuhan ang pamilya niya sa mga natatanggap niyang bashing? Nasabihan na ba siya ng mga ito na mag-lie-low na sa mga usaping pulitika?

“Hindi,” lahad niya. “Actually, when it [the bashing] started, 2016, nakita ko ‘yung pamilya ko, ‘Ah, okey sila.’ Kasi, maapektuhan ako kung affected ang pamilya ko.

“But then, they’re standing by me. They’re always supportive. Pero hindi naman sila ‘yung uudyukin ako na ‘Sige pa, Agot, sige pa.’

“But never silang nagsabi na, ‘Tigilan mo na ‘yan.’ I guess, worried sila, pero hindi nila pinapakita sa akin. Kasi I’m sure, pag pinakita nila sa akin, alam nila na maapektuhan ako.”

Samantala, ang Family Matters ay isa sa walong official entries sa 2022 Metro Manila Film Festival kunsaan, pinagbibidahan ito ng mga veteran actors na sina Liza Lorena at Noel Trinidad bilang mtriarch at patriach ng isang tipikal na pamilyang Pinoy.

Gumaganap naman bilang daughter-in-law si Agot at kasama pa sa cast bilang mga anak at manugang sina Nonie Buencamino, JC Santos, Ian Pangilinan, Mylene at Nikki, Ito ay sa panulat ni Mel del Rosario at sa direksiyon naman ni Nuel Naval.

Ang family drama movie ay mapapanood sa mismong araw ng Kapaskuhan sa mga sinehan nationwide.

YOU MAY ALSO LIKE:

Agot Isidro, may buwelta sa basher na tumawag na “funeraria look” ang black and white photo niya

Agot Isidro, may patama sa mga pulitikong “wala naman ginagawa kundi ang pumarty”: “Sarap kutusan.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together