Nadine Lustre, hindi ide-delete sa memory ang nag-viral niyang stolen shot habang bumibili ng lechon sauce sa Siargao


“Sobrang na-amaze ako. Personally, I’m a huge [fan]… gusto ko ’yong mga memes, gusto ko ’yong mga funny videos. So, nakakatuwa na makita ko ’yong sarili ko sa mga photos na ganyan,” saad ni Nadine Lustre nang mapa-throwback tsika regarding her viral stolen shot habang bumibili ng lechon sauce sa isang tindahan sa Siargao way back August 2021.

PHOTOS: Anna Pingol & Arah Mae Conte

“Sobrang na-amaze ako. Personally, I’m a huge [fan]… gusto ko ’yong mga memes, gusto ko ’yong mga funny videos. So, nakakatuwa na makita ko ’yong sarili ko sa mga photos na ganyan,” saad ni Nadine Lustre nang mapa-throwback tsika regarding her viral stolen shot habang bumibili ng lechon sauce sa isang tindahan sa Siargao way back August 2021.

“I would not delete it. Hahaha!”

Iyan ang natatawang pahayag ng singer-actress na si Nadine Lustre sa press people tungkol sa nag-viral n’yang stolen shot kung saan makikitang bumibili s’ya ng lechon sauce sa isang grocery sa Siargao.

Natanong kasi ang talented Viva actress tungkol dito during the grand media conference nila for their upcoming film, Deleter, na entry ng Viva Films this year sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Base sa title ng kanilang pelikula ay natanong si Nadine kung idi-delete ba n’ya, kung mabibigyan ng chance, ang moment na iyon—as if it didn’t happen—na caught on cam na napagpasa-pasahan na sa internet at ginawan pa ng iba-ibang versions ng meme.

Matatandaang nag-viral ang stolen shot ni Nadine sa palengke sa Siargao way back August 2021 habang bumibili s’ya ng lechon sauce.

Dahil pinagkatuwaan ito online ay napa-tweet pa s’ya ng: “[P]ara di na kayo magisip… lechon manok yung ulam.”

Muli ngang naungkat ang meme na ito sa press conference nila dahil pa-minsan-minsan ay lumilitaw pa rin ito sa social media.

Ayon sa kanya, hindi daw n’ya buburahin ang incident na yon sa memory niya at sa memory ng lahat dahil maging s’ya ay aliw na aliw sa kinalabasan ng pangyayari.

“Personally, I was really…I think I was entertained when that photo came out,” lahad n’ya sa press people. 

Isa pa umano sa ikinatutuwa n’ya ay ang effort ng mga fans sa pag-edit ng stolen photo n’ya kaya lalo itong naging katawa-tawa. Patalbugan kasi sa kani-kanilang entry ang mga netizens.

Sobrang gusto ko ’yong reactions ng mga tao, especially, ’yong mga reactions na… ’yong mga may nag-edit, nag-photoshop ng sarili nila doon sa photo,” she said.

Narito ang ilan sa mga nakakatawang tweets na related doon:

Bukod pa roon, somehow ay naging attraction din umano ang palengke sa Siargao dahil sinadya na rin ito ng mga fans para magpa-picture din doon.

Meron talagang mga tao na nu’ng nasa Siargao sila nag-photo talaga sila doon [sa tindahan]. Meron pang iba na ginawang costume noong Halloween. Haha! So hindi, hindi ko s’ya idi-delete,” natatawang saad n’ya.

Pag-amin pa ni Nadine, mahilig daw talaga s’ya sa mga memes and funny videos na ang lakas maka-good vibes at masaya daw s’ya na nagkaroon at napasali siya sa mga funny memes na ito na hindi pilit at hindi sinadya. 

Sobrang na-amaze ako. Personally, I’m a huge [fan]… gusto ko ’yong mga memes, gusto ko ’yong mga funny videos. So, nakakatuwa na makita ko ’yong sarili ko sa mga photos na ganyan,” saad pa ng aktres.

Pero kahit na mahilig sa mga nakakatawang memes at videos ay game din naman s’ya sa mga takutan. Katunayan, ang Deleter movie nila ang nag-iisang horror film na entry sa MMFF ngayong taon.

Dito ay gaganap si Nadine bilang si Lyra na isang online content moderator. Isa s’ya sa mga namamahala sa pagpi-filter sa mga i-a-upload na graphics sa mga hawak na social media platforms ng pinapasukan n’yang kompanya.

However, hindi alam ng kanyang co-workers na meron s’yang dark secret na pilit n’yang dini-delete, na later on ay makakaapekto sa kanyang work and personal life.

Kasama ni Nadine sa upcoming psychological tech horror movie na ito sina Jeffrey Hidalgo, McCoy de Leon, at Louise delos Reyes.

Mapapanood ang Deleter simula sa araw ng Pasko, December 25, in cinemas nationwide.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together