Arci Muñoz, aminadong nape-pressure din sa mga comments na: "Ang tanda mo na."


When asked why she chose Arci Muñoz to portray her in her mini-series bio, Glenda Victorio says: “Sa totoo lang, ha. Hindi naman sa nagpi-feeling ako. Pero every time na may photoshoot ako o may glam ako na look, palagi nila sinasabi na kahawig ko daw si Arci Munoz. Pero s’yempre, sobrang feeling ko naman pag sinabi kong ‘Oo nga, ’no?’” Pero TV5 daw ang talagang nag-desisyon.

PHOTOS: Tom Pornel

When asked why she chose Arci Muñoz to portray her in her mini-series bio, Glenda Victorio says: “Sa totoo lang, ha. Hindi naman sa nagpi-feeling ako. Pero every time na may photoshoot ako o may glam ako na look, palagi nila sinasabi na kahawig ko daw si Arci Munoz. Pero s’yempre, sobrang feeling ko naman pag sinabi kong ‘Oo nga, ’no?’” Pero TV5 daw ang talagang nag-desisyon.

Aminadong nakaramdam ng slight pressure sa buhay si Arci Munoz matapos n’yang gampanan sa isang mini-series ang inspiring na buhay ng 25-year-old founder and chief executive officer ng Brilliant Skin Essentials, isang Pinoy beauty and cosmetic brand, na si Glenda Victorio.

Inilahad yan ng aktres kahapon, December 14, sa media conference and pink carpet premiere ng TV5 miniseries na The Brilliant Life: A Yuletide Inspiration na tatalakay sa rags-to-riches story ni Glenda.

Natanong kasi ng entertainment press si Arci kung nakaka-relate ba s’ya sa pagiging masigasig ng young entrepreneur.

Naka-relate po ako kay Miss Glenda kasi pareho kaming very persistent,” aniya. “And hindi talaga kami susuko hangga’t hindi namin nakukuha ’yong gusto namin.”

Ang kaibahan lang daw ay napaka-batang nakuha ni Glenda ang tagumpay at bilib siya sa kung paano nito nalagpasan ang mabibigat na pinagdaanan. Bukod pa roon, pati sa buhay pag-ibig at pagpa-pamilya ay matagumpay ito. At wala pa siya doon.

’Yong nakita ko sa kanya, it’s very inspiring kasi ako at the age of 34… She’s just 25, by the way. So, I’m at my age where I should be like at the standard age of settling down. And they’re like… some people were asking me, ‘Ano ba ’yan, Mona? Ang tanda mo na,’” natatawang pagbabahagi n’ya. 

(Her real name is Ramona.)

Pati tuloy ako, sabi ko, ‘Maglagay na ba ako ng pressure sa sarili ko?’ And when I did her life story, I was like, ‘Hala! Oo nga. Dapat may pressure na ako sa buhay ko.’

Ganu’n pa man, mas lamang sa kanya ang pagiging inspired kesa pressured dahil sa mga natutunan n’ya sa buhay ni Glenda.  

“So, mostly, sa trait na ’yon mas nakaka-relate ako kasi ngayon mas inspired ako, na hindi naman talaga sa age ’cause I know I can still do a lot of things, I can do better,” she said.

Nang matanong naman si Glenda kung bakit ang aktres ang napili n’yang gumanap sa buhay n’ya ay marami daw ang nagsasabing may pagkakahawig sila. 

Sa totoo lang, ha. Hindi naman sa nagpi-feeling ako. Pero every time na may photoshoot ako o may glam ako na look, palagi nila sinasabi na kahawig ko daw si Arci Munoz. Pero s’yempre, sobrang feeling ko naman pag sinabi kong ‘Oo nga, ’no?’” natatawang sagot ni Glenda. 

Pero bukod pa doon, ang mga taga-Cignal Entertainment daw talaga ang nag-suggest sa aktres para gumanap sa talambuhay n’ya. 

Nu’ng nag-propose sa akin ’yong Cignal Entertainment at TV5, naglatag sila sa akin [ng miniseries proposal], sabi nila sa akin na, ‘We think, si Arci talaga ang bagay na gumanap ng buhay mo,’” pagre-recall n’ya.

Um-oo naman daw s’ya agad at laking tuwa n’ya na agad ding in-accept ni Arci ang project.

Nag-approve naman ako kagaad kasi sobrang na-appreciate ko si Arci kasi hindi s’ya nagdalawang-isip [na tanggapin ang project]. Sabi nga n’ya sa akin, usually, binabasa n’ya muna ang script [bago tanggapin] pero hindi ko alam…Siguro, everything happens for a reason,” aniya.

Pero sobrang thankful ako kay Arci kasi tinanggap n’ya itong project na ito at feeling ko papaiyakin n’ya ako nang sobra. Hindi ko alam kung madali bang maging si Miss Glenda pero sobrang excited na po kaming mapanood lahat ng ginawa nila kasi sobra ’yong shoot na ginawa nila for this,” pagtatapos ni Glenda.

Makakasama ni Arci sa four-part miniseries na ito sina JM de Guzman, Eli Padilla, Karen Reyes, Marc Santiago, Hannah Lopez Vito, Lui Manansala, at Axel Torres. 

Mapapanood ang The Brilliant Life: A Yuletide Inspiration simula December 17 sa TV5.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together