Pilipinas Got Talent Season 1 winner Jovit Baldivino, pumanaw na sa edad na 29


"ANONG SAMA NG PAPASKO MO SMEN 😭😭😭😭😭😭😭😭😭," hinagpis ng asawa ni Jovit na si Camillle Ann Miguel sa Facebook na tila naka-address sa namayapang mister.

PHOTO: Jovit Baldivino on Facebook

“ANONG SAMA NG PAPASKO MO SMEN 😭😭😭😭😭😭😭😭😭,” hinagpis ng asawa ni Jovit na si Camillle Ann Miguel sa Facebook na tila naka-address sa namayapang mister.

Nagluluksa ngayon ang mga fans at mahal sa buhay ng singer at Pilipinas Got Talent Season 1 winner na si Jovit Baldivino dahil sa kanyang pagpanaw. Kaka-29 niya lang last October 16.

Ayon sa mga lumabas na report, aneurysm ang ikinamatay niya madaling araw ng December 9 sa  isang ospital sa Batangas. 

Dama ang paghihinagpis ng kanyang partner na si Camille Ann Miguel sa magkasunod na Facebook nito.

“ASAWA KO😭😭😭😭😭😭😭😭😭,” saad niya sa kanyang FB post kalakip ang larawan nilang dalawa.

“ANONG SAMA NG PAPASKO MO SMEN 😭😭😭😭😭😭😭😭😭,” pahayag naman niya sa kasunod niyang FB post na tila naka-address sa late singer.

Matatandaan na nito lang December 6 ay umalma si Camille sa mga taong nagpapakalat umano ng fake news tungkol kay Jovit matapos itong maospital.

May mga nagsabi kasing isinugod umano sa ospital ang singer matapos itong mag-collapse sa dinaluhan nitong party.

“Sa Lhat po ng nag Popost sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at d kau nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission,” she wrote.

“[W]ag nyo pong palalain ang sitwasyon nya!!!!!!makapag post lng kau…prayers po ang kailangan nmn d ang maling post nyo!”

Sa recent FB post naman ng singer at malapit na kaibigan ni Jovit na si Limuel Llanes, ibinalita niyang nagka-hemorrhagic mild stroke nga si Jovit noong last December 4 at sumailalim ito sa operation.

Matagumpay naman umano ang operasyon. Ganu’n pa man, nanawagan siya ng financial support mula sa mga fans nito dahil mahaba-haba pa ang magiging gamutan lalo pa’t na-comatose ang kanyang kaibigan.

“Sa aming mga kakilala, kaibigan at kapamilya, kumakatok po kami sa inyong mabubuting puso, para po humingi ng tulong financial at prayers para sa aking mahal na kaibigan na si Jovit Baldivino, as he suffers from hemorrhagic mild stroke last dec 04,” panawagan ni Limuel.

“He went through successful operation and trying to fight his life under coma. On behalf of his family and love ones, I stand for my good friend to extend his life,” pagtatapos niya.

Sumikat si Jovit matapos siyang tanghalin bilang kauna-unahang winner ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN noong 2010.

Nakilala siya sa kanyang revival ng mga kantang “Ika’y Mahal Pa Rin” at “Faithfully.”

Nakasali rin siya sa Kapamilya musical series na Idol (2010) na pinagbidahan nina Sarah Geronimo, Sam Milby, at Coco Martin, at sa Growing Up (2012) nina ng KathNiel couple na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Huli siyang napanood sa telebisyon nito lamang November 28 sa Family Feud ni Dingdong Dantes sa GMA Network.

Rest in peace, Jovit.

FOLLOW US ONLINE

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together