Filipino-French boyfriend ni Nadine Lustre, hindi raw fan ng mga horror films, pero nangako daw na "tatapangan ang sarili" para panoorin ang Deleter niya


“Sa tingin ko matatakot s’ya. Pag gusto ko manood ng horror movie, ayaw n’ya. So, alam kong ayaw n’ya talaga pero tatapangan daw n’ya ’yong sarili n’ya para manood sa sinehan,” natatawang pagbabahagi ni Nadine Lustre tungkol sa pangako ng boyfriend na si Christophé Bariou.

PHOTOS: Viva Films & @nadine on Instagram

“Sa tingin ko matatakot s’ya. Pag gusto ko manood ng horror movie, ayaw n’ya. So, alam kong ayaw n’ya talaga pero tatapangan daw n’ya ’yong sarili n’ya para manood sa sinehan,” natatawang pagbabahagi ni Nadine Lustre tungkol sa pangako ng boyfriend na si Christophé Bariou.

Natatawang inilahad ng singer-actress na si Nadine Lustre na pipilitin umano ng French businessman boyfriend n’yang si Christophé Bariou na panoorin ang horror movie n’ya.

Sinabi n’ya ito sa naging grand media conference nila recently for their psychological tech horror film na Deleter na kalahok sa papalapit ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 25.

Natanong kasi ng entertainment press si Nadine kung gaano ba ka-supportive sa kanya ang kanyang nobyo at kung kasali ba sa suporta nito ang panonood nito ng Deleter.

Ayon sa aktres, bagama’t wala daw kahilig-hilig sa mga nakakatakot na pelikula si Christophé ay manonood ito bilang pagsuporta sa kanya.

Hindi s’ya mahilig sa horror movies pero sabi n’ya manonood daw s’ya for me,” nakangiting lahad naman Nadine. 

S’ya nga daw ang mas mahilig at sanay manood ng mga horror films kesa sa kanyang boyfriend kaya sigurado daw s’ya na talagang matatakot ito sa pelikula nila. 

Sa tingin ko matatakot s’ya. Pag gusto ko manood ng horror movie, ayaw n’ya. So, alam kong ayaw n’ya talaga pero tatapangan daw n’ya ’yong sarili n’ya para manood sa sinehan,” natatawang pagbabahagi pa ng talented Viva artist. 

S’yempre, ibang experience nga naman daw kapag sa sinehan pinanood ang isang movie lalo na kung ito ay nakakatakot. 

Iba din kasi pag sa sinehan mo mapapanood ang horror movie, e, kesa sa TV lang. Iba sa pakiramdam kasi ’yong audio, ’yong surround sound… Iba po talaga ang pakiramdam pag sa sinehan. So, I’m sure matatakot s’ya,” pagtatapos n’ya.

Gaganap si Nadine sa movie bilang si Lyra, isang online content moderator na namamahala sa pagpi-filter sa mga i-a-upload na graphics sa mga hawak na social media platforms ng pinapasukan n’yang kumpanya. Iyon marahil ang dahilan kaya Deleter ang title ng pelikula. 

However, hindi alam ng kanyang mga katrabaho na meron s’yang sikreto na pilit n’yang dini-delete, na later on ay makakaapekto sa kanyang work and personal life.

Kasama ni Nadine sa pinagbibidahan n’yang horror movie sina Jeffrey Hidalgo, McCoy de Leon, at Louise delos Reyes.

Mapapanood ang Deleter, ang nag-iisang horror movie entry sa MMFF, simula sa araw ng Pasko, December 25, sa mga sinehan nationwide.

YOU MAY ALSO LIKE:

Nadine Lustre, ni-real talk ang mga nagsasabing tumanda na ang kanyang mukha

Nadine Lustre, handa bang tanggapin ang titulong Horror Queen?

Nadine Lustre, gustong i-delete ang gastadora phase sa kanyang buhay

Nadine Lustre, hindi ide-delete sa memory ang nag-viral niyang stolen shot habang bumibili ng lechon sauce sa Siargao

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together