Baby Koa nina Andi Eigenmann, at Philmar Alipayo, school boy na; recess agad ang favorite subject
PHOTOS: @andieigengirl on Instagram Sa murang edad ni Baby Koa ay kinakitaan na umano ito ni Andi Eigenmann ng pagiging independent. Ito daw ang na-obserbahan n’ya sa unang araw nito sa school. “Koa would slowly move to the corner whenever he felt uncomfortable. But all in all, he was ok. Didn’t even need us quite the opposite of Lilo!” pagbabahagi ng Siargao Island-based celebrity mom. Nakaka-good vibes ang recent update ng actress-vlogger na si Andi Eigenmann sa kanyang mga anak lalo na sa bunso niyang si Koa. Sa kanyang Instagram Stories nitong Lunes, January 9, ibinahagi ng aktres ang nakakatuwang obserbasyon niya sa bunso nila ni Philmar Alipayo. Nagsimula na kasing pumasok sa school ang kanilang almost two-year-old son kasama ang three year-old nitong ate na si Lilo. “Lilo and Kia’s first day at @isla_learning_academy,” panimulang lahad ni Andi sa kanyang IG Story kalakip ang collaged photo ng kanyang mga anak kasama ang mga kaklase nito. SCREENSHOT: @andieigeng...