Christine Bermas, napasabak sa kakaibang aksyunan


Kahit na na-challenge nang husto, looking forward pa rin daw si Christine Bermas to do another action film. “Nagustuhan ko ’yong first action film ko. And if ever sa future o kung sa susunod na project is action film uli, okey din. Kasi gusto ko ’yong film na natsa-challenge ako. Like, every film na ginawa ko merong ibang atake, meron pa akong kayang ibigay,” pahayag n’ya.

PHOTOS: @christinebermas_ on Instagram

Kahit na na-challenge nang husto, looking forward pa rin daw si Christine Bermas to do another action film. “Nagustuhan ko ’yong first action film ko. And if ever sa future o kung sa susunod na project is action film uli, okey din. Kasi gusto ko ’yong film na natsa-challenge ako. Like, every film na ginawa ko merong ibang atake, meron pa akong kayang ibigay,” pahayag n’ya.

Thankful ang sexy-drama actress na si Christine Bermas dahil natupad na sa wakas ang hiling n’ya na makagawa ng pelikula na talagang iba raw sa mga nagawa na n’ya before. 

Nalinya kasi sa pagpapa-sexy ang aktres kaya naman itinuturing n’yang dream come true ang pinagbibidahan n’yang revenge action movie na Nightbird.

Matatandaan nga na very vocal s’ya sa mga nagdaang media conferences n’ya na gusto umano n’yang makapag-explore ng ibang genre sa pelikula bukod sa paghuhubad sa harap ng kamera. 

At sa virtual media conference nga ng Vivamax original movie nilang Nightbird kamakailan, ipinahayag ni Christine na masaya s’ya sa Nightbird bagamat na-challenge daw s’ya nang todo dahil ibang-iba nga daw ito sa nakasanayan n’yang pelikula. 

“Finally… dream come true na nagawa ko ang isang action movie. Pero hindi pala s’ya madali. Sobrang hirap n’ya kasi physical s’ya, e. Like, buong katawan mo talaga ang gumagana,” lahad n’ya.

Itong film na Nightbird po namin is a revenge action film and ’yong difference nito sa mga nagawa kong film, very challenging ’to sa’kin now,” pagbabahagi pa n’ya. 

Kasi first time kong gumawa ng action film talaga na walang sexy scene and everything. More on action talaga and physical talaga ’yong ginawa namin.

Natanong pa s’ya kung saan ba s’ya mas nahirapan, kung sa paggawa ba ng action movie o ng sexy film. 

Para sa akin mas mahirap ’yong action film, kasi before sa paghuhubad, it’s [more on] confidence naman, e. Dito nahirapan lang talaga ako kasi it’s more on physical talaga,” sagot ng aktres.

Naikumpara na pa n’ya ang Nightbird movie sa mga sexy films n’ya in the past. 

Sa Relyebo (2022) kasi, drama s’ya. Nakita natin it’s more on drama. Sa Scorpio Nights (2022) naman po is more on sexy,” ani Christine. 

“And now, dito naman sa Nightbird (2023), thankful ako and happy ako na makagawa ako ng isang action film which is very challenging for me.”

Sumailalim naman daw sila sa training bilang paghahanda sa mga maaaksyon nilang mga eksena. 

Marami po kaming paghahanda dito. Nag-training kami for one week. We did training sa Yaw-Yan [martial arts]. Nag-training kami [para sa fight scene gamit ang] knife…lahat,” pagbibida pa n’ya. 

Present din daw ang mga martial arts coaches nila sa set para mas matutukan silang mga cast member para sa tamang execution ng kanilang fight scenes. 

Sa set naman, nandu’n naman ’yong mga coaches namin so gina-guide naman nila kami sa shoot namin,” saad pa n’ya.

Kahit na na-challenge nang husto, looking forward pa rin daw si Christine to do another action film. 

Nagustuhan ko ’yong first action film ko. And if ever sa future o kung sa susunod na project is action film uli, okey din,” masayang pahayag n’ya. 

Kasi gusto ko ’yong film na natsa-challenge ako. Like, every film na ginawa ko merong ibang atake, meron pa akong kayang ibigay,” pagtatapos n’ya. 

“Don’t mess with the wrong woman” ang naging description ng co-star niyang si Mark Anthony Fernandez sa role ni Christine na isang femme fatale which literally translates to “deadly woman.”  But Mark, along with co-actors Felix Roco, Aaron Villaflor, and Sid Lucero will try to mess up with her. Ano kaya ang kahahantungan? 

Mapapanood na ang Nightbird simula January 13 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

YOU MAY ALSO LIKE:

Christine Bermas, “nagpapa-init” sa harap ng salamin nang nude bago sumabak sa kanyang sexy scenes

Christine Bermas at Chloe Jenna, nagka-gulatan na may girl-to-girl love scene pala sila; “successful naman,” say ni Christine

Christine Bermas, type makatrabaho ang crush niyang si Joshua Garcia; “Pero impossible ’yon kasi wholesome siya.”

Christine Bermas, reserved off-cam, pero palaban sa pagpapa-sexy on-cam: “Kung kailangan mag-transform, go!”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together