Nagpakilalang ex-girlfriend ni Kelvin Miranda, naglabas ng resibo sa pagiging “cheater” umano ng aktor; Kapamilya actress Kira Balinger, damay sa isyu

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang diumano’y pagtsi-cheat ng young Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend para sa Kapamilya star na si Kira Balinger. 

Ito ang naging pasabog ni Roselle Vytiaco na nagpakilalang dating nobya umano ni Kelvin sa kanyang Instagram Stories kahapon, January 4, na kumalat na ngayon at pinagpipiyestahan sa social media. 

Nu’ng umpisa, pahaging lang ang ginawang pagko-call out ni Roselle kay Kelvin sa kanyang IG. 

“May cheater na pakape-kape lang ngayon sa ig story niya shahzhah [skull emoji] adv happy birthday mwa,” patama n’ya sa dating nobyo.

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Nang i-check namin ang Instagram Stories ni Kelvin ay makikitang nagkakape nga s’ya. 

SCREENSHOT: @iamkelvinmiranda on Instagram
SCREENSHOT: @iamkelvinmiranda on Instagram

Kasunod nito ay nagbigay na ng clue ang digital content creator na ang Kapamilya actress daw na katambal nito sa isang upcoming movie ang naging dahilan ng paghihiwalay nila. Ang nakakaloka, may nobyo rin daw ang aktres habang nakikipagmabutihan ito kay Kelvin.

“Clue: [K]apamilya naman ’tong isa xD may ginagawa silang movie ngayon hahaha i say flop charot. Sinabi pa sa akin ng ex ko kamukha ko daw si ate gurl kaya tuwang tuwa siya kasi madadalian daw siya makipagtrabaho [clown emoji],” lahad ni Roselle.

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Napabalita nga nitong nakalipas na December na magtatambal sina Kelvin at Kira sa isang movie project na may title na “Chances Are, You and.”

“FOR CONTEXT: Meron silang upcoming film. Sila yung bida pareho. Ever since we started dating, I’m very open to our field of work kasi halos same kami na may nakakawork na iba’t ibang tao,” tsika pa ni Roselle.

“Sa kanya nga may mga bed scene pa but full support ako sa kaniya AS IN never naging problem sakin. Minsan iisipin mo na ako pa yung artista kung magselos siya. Little did I know na takot lang siya sa sarili niyang multo. HAHAHA.”

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Isinalaysay pa n’ya kung paano s’ya nakakuha ng kopya ng private conversations ng dalawa. Dala ng duda, hinablot raw niya sa aktor ang cellphone nito at nag-screen record ng laman nito. Nagka-habulan pa nga raw sila. 

“KUNG NAGTATAKA KAYO PANO KO NAKUHA SCREENSHOTS NG CONVO NILA WAIT LANG ANG FUNNY KASI PAANO HAHAHAH LIKE MAY HABULANG NANGYARI xD PARANG NAGING SNATCHER AKO NG PHONE NG [M]GA 2 MINS [three skull emojis],” kuwento n’ya. 

“BASTA NUNG KUMUHA AKO [NG] PHONE NIYA, NAG SCREENRECORD LANG AKO TAPOS KUNWARI BINABASA KO CONVO NILA PERO INIISCAN KO LANG TALAGA TAPOS NUNG NAKITA NIYA NA MAY RECORDING SA TAAS, DUN AKO TUMAKBO PAPALAYO [three skull emojis] like may recording ako ng hingal tsaka takbo ko HUHU AHAHAHA

“TAPOS NUNG NA-AIRDROP KO NA DUN KO DINELETE TAPOS BINIGAY PHONE SA KANYA.”

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Pagbabahagi pa ni Roselle, s’ya pa raw ang sinisisi ni Kelvin kaya sila nagkalabuan. 

“Ok I never thought I’d do this but ako kasi yung sinisisi niya bakit siya ‘na-attract sa iba.’ I say [BOANG] Cheater daw ako. GINAWAS PA AKONG SALAMIN AMP. HAHAHA,” aniya.

Pakiramdam daw n’ya ay naghanap pa ng butas ang aktor para tuluyan na itong makipaghiwalay sa kanya.

“ANYWAY, he has an issue about me being too mabait sa mag ex ko and followers ko. Like u guys know me, I love talking to everyone here but that doesn’t mean nakikipaglandian ako,” pagbabaliktanaw pa n’ya. 

“So ininvite ako ng mom ng ex ko sa opening ng salon nila so as courtesy, I showed up and congratulated them. Tapos ayan na, dun na siya nakahanap ng butas sakin na for me matagal na niyang hinihintay. HAHAHA.

“PLOT TWIST: Nagustuhan daw niya si ___ Marie kasi raw ‘MABAIT’ xD sobrang bait talaga siguro nyan. May jowa ba naman tapos kinakausap ka ng ganyan [BOANG].”

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Sa isa pa n’yang IG Story, inilahad n’ya kung gaano umano ka-toxic si Kelvin sa kanilang relasyon. Binalak na daw n’yang makipaghiwalay dito pero palagi daw ito nananakot na sa kanya. 

“He’s toxic AF [as f*ck]. Manipulative and narcissistic. Matagal na ako nakikipaghiwalay sa kaniya pero lagi siyang mananakot na m[a][email protected][ma][email protected] siya. Self-harm to manipulate the situation,” she shared.

“Me being empathetic person, maawa sa kaniya. Maniniwala sa mga sinasabi niya na magbabago siyta at hindi na siya magiging kung ano mang klaseng tao siya.

“Sample ng selos niya: May nakakilala sakin sa gym tapos inistory ko na nakita ako ganun pero di ako pinicturean. Bakit ko pa daw inistory, for sure nagtututuwad daw ako don. [BOANG] tapos hahagilapin daw niya yon etc etc HAHAHAHA.”

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Ipinost din n’ya ang sagutan nila ng aktor nang minsang umiral pagiging seloso nito. 

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Ipinakita din ni Roselle ang selfie photo n’ya last December 25 kung saan makikitang umiiyak s’ya. Paliwanag n’ya, nasaktan daw talaga s’ya sa ginawa ng aktor dahil minahal naman daw n’ya ito. 

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Nakipaghiwalay daw kasi ito noong dapat sana ay first anniversary nila bilang magkasintahan.

“Anyway, he doesn’t deserve my respect anymore kasi bastos siyang tao. Just to give you an idea gaano siya kabastos, here’s what happened: Last Dec. 23 we supposed to be our 1st anniversary,” salaysay n’ya.

“Nasa lock in siya since Dec. 11-21 so sabi niya bigyan ko lang muna siya [ng] space para makapag focus sa trabaho. I did. Di ko siya ginulo o kung ano man. Mag-uusap daw kami paglabas niya dun.”

At dito na n’ya ini-reveal kung paano nakipagkalas sa kanya si Kelvin. 

“Hanggang Dec. 23 na, nasa [B]aguio ako tapos dun siya nakipagbreak. Pinuntahan ko siya from [B]aguio tapo[s] dinudump na niya ako,” pagbabahagi pa n’ya.

“Like all of a sudden, biglang ibang tao na siya. I already knew that he’s talking to someone pero benefit of the doubt kasi hindi naman daw siya ganung klaseng lalaki.

“Long story short, inamin niya sa akin na hindi na daw siya attracted sakin at attracted na siya sa iba PERO wala pa daw iba. So iyak iyak diba, BIGLANG NAGHILIK. Ayan na. Basta, noong inamin niya sakin totoo na gusto na niya si [g]irl pero wala daw meron [silang relasyon], I left them in peace. (smiley) AYON LANG OK NA YAN.”

However, nadiskobre umano n’ya na before sila mag-break last December 23 ay nagkakamabutihan na sina Kelvin at Kira sa set ng ginagawa nilang pelikula. 

“But then, I discovered last Dec. 30 na matagal na pala sila naglalandian sa set. Tapos tinuloy lang nila sa text kesyo ‘kailangan niya raw paniwalaan’ na gusto niya si girl,’ she revealed.”

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

At sa puntong ito na na niya direstsahang ibinunyag na ang kausap ni Kelvin ay ang katambal nito sa pelikula, ang Kapamilya actress na si Kira Balinger. 

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Ipinost din n’ya ang ilan pa sa mga naging kulitan ng dalawa sa chat na naganap umano nang makauwi na sila from their lock-in taping. 

Makikita nga dito na nagpalitan pa ng selfie photos sina Kelvin at Kira maging ang video holiday greeting ng aktres. Mababasa rin ang umano’y personal nilang usapan gaya ng kung ano-ano ang mga nagustuhan ng Kapuso actor sa Kampamilya actress.

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram
SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

“Somehow concerned pa rin ako dito sa ex ko eh. So kinusap ko siya about dyan kay gild. Since meron siyang mental health problems, wag ma siya dyan kay girl pero ang sabi niya, kailangan niya daw panindigan yung fictional character niya. WHICH IS WALANG MALI DON. Pero bakit kailangang magcheat (smiley) [A]nyway, that’s it for today,” ani Roselle.

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Pahabol pa n’ya sa isa n’yang IG Story, “Skl [share ko lang], I am fully aware kung gaano karaming babae tinry niya imessage before and isa yan sa napag-awayan nam[i] (bec he lied about so many girls eh yung iba nakakasama ko pa sa work) before ’to lahat nangyari.

“I’m really sorry sa mga ibang babae na napagtripan niya at kinulit niyang kitain. 

“Naging okay kami for a time and naniniwala naman ako na naging totoong tao siya sakin, maayos siyang nakisama sa family and friends ko. I won’t deny it that’s why it’s so hard for me to process na biglang ibang tao na siya all of a sudden. 

“But him being narcissist, hindi niya kaya na may nakakakilala sa kaniya kung sino siya dati kahit willing ka pang tanggapin yun,” pagtatapos n’ya.

SCREENSHOT: @rosellevytiaco on Instagram

Bukas ang pikapika.ph sa panig nina Kelvin at Kira sa hinggil sa isyung ito.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together