Kim Domingo, nagpaka-pabulosong fan girl kay Cha Eun Woo; sends him food truck!


Nagpadala ng food truck si Kim Domingo sa filming set ng Island, ang kasalukuyang Korean drama show ng iniidolo niyang si Cha Eun Woo na bukod sa aktor ay member rin ng K-Pop boy group na Astro. Ginulat ni Kim ang lahat nang mag-post sa Twitter ang official Twitter account ng Astro na @offclASTRO ng picture ni Eun Woo na nasa harapan ng food truck na padala ni Kim.

Photos: @kimdomingo_ @offclASTRO

Nagpadala ng food truck si Kim Domingo sa filming set ng Island, ang kasalukuyang Korean drama show ng iniidolo niyang si Cha Eun Woo na bukod sa aktor ay member rin ng K-Pop boy group na Astro. Ginulat ni Kim ang lahat nang mag-post sa Twitter ang official Twitter account ng Astro na @offclASTRO ng picture ni Eun Woo na nasa harapan ng food truck na padala ni Kim.

Tinalbugan ng Kapuso actress na si Kim Domingo ang lahat ng Pinoy K-drama and K-pop fans.

Nagpadala lang naman ito ng food truck sa filming set ng Island, ang kasalukuyang Korean drama show ni Cha Eun Woo. 

Si Cha Eun Woo ay isa sa mga kilalang Korean actors (Gangnam Beuty, True Beauty, Rookie Historian Goo Hae-Ryung) at isa rin sa itinuturing na may pinaka-magandang mukha sa mga Korean stars. Bukod dito, si Eun Woo ay isa rin sa miyembro ng K-Pop boy group na Astro.  

Ginulat ni Kim ang lahat nang mag-post sa Twitter ang official Twitter account ng Astro na @offclASTRO ng picture ni Eun Woo na nasa harapan ng food truck na padala ni Kim. 

Sa Twitter, may caption ang @offclASTRO ng pasasalamat sa actress. Nakasaad na, “Thank you so much, Teacher Chaiting.”

Sa banner ng food truck na ipinadala ni Kim, nakasaad naman ang mensahe niya kay Eun Woo na: “Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher Seo Won! Chaiting!! – from Philippines, Kim Domingo.”

Sa kasalukuyang webtoon drama ni Eun Woo na Island nagpadala ng food truck support si Kim. Ang karakter na ginagampanan ng singer/actor doon ay bilang si Johan, isang paring Katoliko na nagpe-perform ng exorcisms para protektahan ang mga tao.

Ang Teacher Seo Won na binanggit ni Kim sa banner ay ang karakter naman ni Eun Woo sa bago niyang gagawing drama. Mukhang ngayon pa lang, excited na ang actress para dito.

Nag-trending si Kim sa twitter dahil sa ginawa niyang ito bilang isang fangirl. Kadalasan, ang mga fan na nagpapadala ng food o coffee truck sa filming location ng mga hinahangaan nilang Korean stars o idols ay mula sa grupo ng mga fan club, pero si Kim, sinolo niyang talaga.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na talagang nag-all-out si Kim sa pagpa-fangirling kay Cha Eun Woo.  Noong isang taon, sa fan meeting ng actor sa bansa, isa rin ito sa pumila para makabili ng tickets. 

Noong November 2022 naman ay nagpa-private screening siya para sa Korean film ni Eun Woo na Decibel.  At ngayon nga, hindi na lang sa Pilipinas ang mga “da moves” ni Kim bilang fan, umabot na siya ng Korea para lang iparating sa kanyang iniidolong Korean star ang kanyang paghanga at suporta.

Narito naman ang ilan sa mga comment ng mga netizens sa Twitter.  Na halos lahat, napapa-“omg” kay Kim at nagsasabing masyado naman daw nitong ginalingan. 

“Ohhh si Kim Domingo nagsend ng FT. Nakakatuwa nmn kc very proud sya at nagsend pa ng FT.”

“Woah, from Kim Domingo! first time ko makakita ng food truck na individual yung nag send at non-Korean celebrity pa. This is so cool.”

“SI KIM DOMINGO?? UWIAN NA.”

“ang lakas mo naman kim domingo.”

“Grabe tinatapos na ata ni Kim Domingo ang pila may pa-foodtruck si ante.”

“Hoy kim domingo.. Masyado mo naman Ginalingan hehehe.”

“Kim Domingo sent a food truck to Cha Eun Woo. Pag ako yumaman, papadala rin akong mga sibuyas.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together