Sunshine Guimary, may kondisyon na sa pagpapa-sexy sa movie: “Gusto ko ’yong sexy na classy.”


Sultry wife ni Janno Gibbs sa kabilang universe ang role ni Sunshine Guimary sa Hello, Universe. At ayon kay Janno, may ibubuga sa comedy ang tinaguriang Braless Goddess. "Sunshine is such a natural and that is what’s special about her, ’yong pagiging natural n’ya."

PHOTOS: @sunshine_guimary on Instagram

Sultry wife ni Janno Gibbs sa kabilang universe ang role ni Sunshine Guimary sa Hello, Universe. At ayon kay Janno, may ibubuga sa comedy ang tinaguriang Braless Goddess. “Sunshine is such a natural and that is what’s special about her, ’yong pagiging natural n’ya.”

Happy and feeling lucky raw ang sexy actress-vlogger na si Sunshine Guimary bilang isa siya sa mga leading ladies ni Janno Gibbs sa kanilang upcoming movie na Hello, Universe!

Comedy ang pelikulang ito na written and directed by the multifaceted Viva artist na si Xian Lim.

Sultry wife ni Janno sa kabilang universe ang role ni Sunshine sa pelikula kaya naman sa naganap na media conference nila kahapon, January 12, ay kinumusta ng entertainment press ang naging working relationship nilang dalawa. 

Ako, I’m so lucky,” patiling sagot ng tinaguriang Braless Goddess.

Suwerte daw kasi siya na generous ang leading man niya n’yang si Janno sa kanilang mga eksena. 

Si Kuya Janno, s’ya ’yong artista na mapagbigay. Giver s’ya sa lahat. For example, ‘Gawin natin ’to.’ Nagko-collaborate kayo. May communication talaga kayo,” pagbabahagi ng aktres.

’Yon ’yong pinaka the best kapag may co-star ka. Kaya Kuya Janno is one of the best [co-stars] for me,” pagbibida pa niya sa kanyang co-actor.

Napuri naman siya ni Janno dahil kinabiliban umano nito ang pagka-natural daw niya habang ginagawa nila ang pelikula. 

“Sunshine is such a natural and that is what’s special about her, ’yong pagiging natural n’ya,” pahayag ng singer-songwriter and comedian sa press people.

Pag-a-address pa nito sa kanya, “I hope you keep that hanggang kahit… I am sure tatagal ka pa sa showbiz. I hope you keep that sweet innocence, ’yong pagiging natural mo.

“That is what makes her special. Masarap s’ya katrabaho kasi masaya lang kayo,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa Cebuana beauty, itong Hello, Universe! na raw ang pinaka-wholesome na movie project ang nagawa niya at sobrang nag-enjoy daw siya. 

Dahil dito ay natanong ng press ang kalog na aktres kung hindi na ba s’ya babalik sa pagpapa-sexy kung saan siya unang nakilala.

“One day… pag connected s’ya [sa story],” tugon ni Sunshine.

Tila may kondisyon na si Sunshine ngayon sa pagpapakita ng skin sa harap ng kamera.

Ayoko kasi ’yong sexy na trashy. Gusto ko ’yong sexy na classy. ’Yon talaga ’yong goal ko, may laman, may kuwento, bakit s’ya naghuhubad,” pagbabahagi niya.

Inihalimbawa pa ng Vivamax actress ang una niyang pelikula, ang erotic comedy film na Kaka, kung saan nakatambal niya sina Ion Perez at Jerald Napoles. Gumanap siya dito bilang isang sex therapist.

Kunwari, ’yong Kaka, ang angkan nila is ganu’n [sex therapists]. ’Yon ’yong gusto ko ng genre ng pagpapa-sexy. One day…sana,” saad niya. 

Hindi man daw siya maghubad nang todo sa bagong pelikula nila ni Janno, mag-e-enjoy pa rin naman daw ang viewers dahil mababakas pa rin umano sa mga eksena ang taglay na sexiness niya.

Kasama nila ni Janno sa pelikula ang ka-tandem nitong si Anjo Yllana, Maui Taylor, Gene Padilla, at marami pang iba.

Mapapanood ang Hello, Universe! starting January 25 in cinemas nationwide.

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Sunshine Guimary, humingi ng alak bago i-shoot ang isang “Level 100, super-to-the-highest level” love scene sa launching movie na Kaka

Sunshine Guimary, natunton ng stalker dahil sa pagha-house tour sa vlog niya

Sunshine Guimary, “nabaliktad ang mundo” ngayong pandemic

Sunshine Guimary, na-trauma sa lakas ng lindol sa La Union; isiniksik ang sarili sa TV shelf para makapag-cover

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online